Chapter 56

6 1 0
                                    

Text.







"Maraming salamat po, talaga"Matamis kong nginitian si miana ng sabihin niya iyon, tumingin sa akin ang kaibigan niya at ngumuso, halatang nahihiya.









"Sorry sa ginawa ko kanina"Napatawa ako nang marinig iyon at umiling nang marahan.








"Okay lang iyon"Bumuntong hininga siya at namula sa hiya.









"Narinig ko kasing galit sa iyo si anna kaya ginawa ko iyon sa totoo lang plano ko na pahiyain ka, kaso ibabang nangyari. Imbles na napahiya kita, umangat ka"Lumaki ang ngiti ko sa narinig, sinabi rin naman niya ang totoo.








"Ayos lang iyon, salamat din pala"Tinanguan nila ako habang matamis ang ngiti sa labi.








"Pwedeng pahingi nang picture baka kasi hindi na tayo ulit magkita"Nakangusong ani ni miana at nakalabas na ang phone, napangiti ako at tumango kaagad na lumapit sila sa akin at click!






"Thank you! Oh goshh! This is my first time to see you! I wish I could see you again!"Tila nanabik niyang sabi ngunit tila nalulungkot.








"Ikaw ang kauna unahan na na naging tagahanga ko, kaya maraming salamat miana"Napatigil siya napakunot ang noo ko at humiwalay sa kanya, ganon na lang ang gulat ko nang biglang makita na nangingilid ang luha niya.









"Eh....h'wag mo 'yang pansinin ganyan lang talaga si miana, mababaw ang luha"Mahinang wika nang kaibigan ni miana, napatango ako at kinuha ang panyo ko at nilahad iyon kay miana.







"Sayo na ito, hindi ko pa ito ginagamit"Tila nabibiglang kinuha niya iyon at napangiti nang malaki na tila isa siyang bata na nakatanggap nang candy.






"Thank you narrah"Nginitian ko siya ngunit bumaling ang atensyon ko doon sa likod niya nang makita ko na tumigil doon ang isang mamahalain na kulay itim na kotse.








"Tara na, miana! Nandoon na siya!"Nakasimangot na tinanguan naman ni miana ang kanyang kaibigan matapos ay tinignan ako.









"Maraming salamat, huh? Aalis na ako pero bago iyon sayo na ang hairpin ko!"Napaawang ang labi ko nang nilahad niya ang hairpin niya na may strawberry na design.










"Sige, aalis na ako, hanggang sa muli!"Kumaway ako sa kanya nang makitang pumasok siya sa kotse, tinignan ko lang sila hanggang mawala na sila sa paningin ko.







Bumuntong hininga ako nang malalim. Okay. Ok lang....at least, nakikilala ko naman ang unang tagahanga ko, mariin akong napakagat sa ibabang labi. Tama. Hindi naman siguro masama iyon. Umiling iling ako para maalis iyon sa isip ko.








"Let's go, now! Narrah, tayo na!"Muntik na akong mapatalon kaunti sa gulat nang may humawak sa balikat ko mula sa likod.









"Brei!"Inosenteng tumingin siya sa akin nang matapos tignan ang kotse na paalis at ngumiti sa akin, bumuntong hininga ako.









"Ginugulat mo naman ako e!"Nakangusong ani ko, napatawang ngumisi siya.








"Umalis na ang fan mo?"Nakangiting sabi niya at masayang tumango na tumango ako, napabuntong hininga siya nang malalim at umayos nang tayo.











Demon's Hide.Where stories live. Discover now