Chapter 42

23 1 0
                                    

Forgive.


Sana naman ay di ako mahirapan na kausapin siya, Bumaling ang tingin ko sa pintuan mula sa pagbaba ko nang tingin, napaawang ang labi ko at nagsalubong ang kilay sa pagtataka nang nakitang hawak hawak ni dairon si kuya senior na mukhang galit na galit nang makita ako, binitawan siya ni hubby at pumunta sa aking dereksyon.




"Hello po"Kumaway ako kay kuya senior at matamis na ngumiti ngunit agad na tumingin siya sa akin nang matalim, napalunok ako







"Wag mo akong---"Napatigil siya nang tumingin sa kanya si hubby na matalim, mukha siyang natatakot na umupo sa harap namin, kumunot ang noo ko at tumingin kay dairon na umupo na sa kanyang upuan, napakamot ako sa aking ibabang kilay at umupo na rin.




"Anong kailangan mo sa akin?"Mahinahon na wika niya pero halata sa mukha niya na galit siya sa akin.






"Don't pout wife, I can kiss you here"Namula ang mukha ko sa narinig at tinigilan ang pag-nguso.







Nakakahiya naman kay kuyang senior kung mag kikiss kami ni dairon sa harap niya. "Ahm.... ayos lang ka lang po dito"Nakangiting ani ko, inis na napasinghal siya sa aking sinabi ngunit agad na natigilan ng makitang walang emosyon sa mukha ni dairon na nakatingin sa kanya, lumunok siya nang ilang beses at tumingin sa akin.










"Sa tingin mo ayos ako sa lagay ko ngayon? Hindi. Dahil iyon sa iyon, kung sana di ka nangialam ay maganda pa ang buhay ko ngayon, hindi katulad nito."Hindi siya sumigaw ngunit mariin ang mga salita na lumalabas sa kanyang labi, napaiwas ako ng tingin at ngumiti nang alinlangan sa kanya.








"Alam mo naman po kung ano ang nangyari at bakit kayo narito ngayon sa sitwasyon mo, kinausap ko po ang kapatid mo na si kuya sesar"Napatigil siya sa aking sinabi, halatang gusto niyang magtanong tungkol sa kanyang kapatid ngunit hindi niya iyon magawa.







"Galit siya sa akin, hindi ba? Siguro kanina niya pa ako sinusumpa sa harap mo, sino ba naman kasi ako? Sinira ko ang buhay niya."Napaiwas ako nang tingin ng makita nawala ang galit sa mukha niya at napalitan iyon nang maamong mukha habang namumuo ang luha niya.







"Nagkakamali ka po kahit siya ay sinisi ang sarili dahil sa nangyari, alam mo ba ang kapatid mo gusto niyang magpakamatay na, hindi niya alam ang gagawin niya...nasasaktan din naman siya sa nangyari sa inyo, lalo na kay ate selya"Sambit ko sa mahinahon na boses.










"Si selya? Galit din siya sa akin, hindi nila ako mapapatawad sa ginawa ko....nang dahil sa akin kaya nasira ang pamilya niya, pinatay ko ang anak nila! Hindi nila ako mapapatawad, walang kapatawaran ang ginawa ko sa kapatid ko."







"Wala akong ginawa sa boung buhay ko kundi ang sirain ang buhay niya dahil sa ingit, dinamay ko pa ang pamilya nang kaibigan mo....sobrang sama ko"Ngumisi siya, napatigil ako nang nakitang tumulo ang mga luha sa mga mata niya na agad niyang pinunasan.





"Sa tingin mo ay hindi ka nila mapapatawad? Alam mo naman siguro na mahal na mahal ka nang kapatid mo....inuna mo ang galit at ingit na nararamdaman mo sa kanya....kung gusto mo na patawarin ka nila....patawarin mo ang sarili mo"






"Baguhin mo ang sarili mo wag mong hayaan na kainin ka ulit nang selos at galit....dahil kapag nangyari ulit iyon baka mangyari na naman ang nangyari sa nakaraan, wag mong ikulong ang sarili mo sa galit."Bumuntong hininga siya nang malalim.






Demon's Hide.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ