Chapter 89

9 1 0
                                    

Away.

Sa sobra ng paghihina ko hindi ko alam kung anong gagawin, takot ang nararamdaman ko at sobrang kaba rin ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong iisipin ko, nahuhulohan ako lalo na sa nararamdaman ko.



"Pumili ka narrah, kung gusto mo talaga siya makita, sasama ka sa amin"Napapikit ako nang mariin at muling bumuhos ang luha sa mga mata, ni hindi ko alam kung bakit ganito...ano ba ang nangyayari?





"Hindi...ayaw.... h'wag..."Paulit ulit ko iyon sinabi habang nanginginig ang boung katawan, sobrang bigat nang nararamdaman ko.





"Narrah!! Narrah!!"Huling rinig ko bago ako nawalan nang malay.

Nagising ako nang may naramdaman akong may humahaplos sa aking pisngi, unti unti kong minulat ang aking mga mata, kumunot ang noo ko nang makita na nasa isa akong kwarto tumingin ako sa taong humahaplos kanina sa akin' pisngi.

Ngumisi siya sa akin nang makitang gising na ako.

"Nasaan po ako? Kuya Javier?"Takang tanong ko, huling natatandaan ko ay nasa party ako ni liander dahil birthday nya, bakit ako nandito? May nangyari bang hindi ko alam? Ano bang nangyari? Napangiwi ako nang subukan ko gumalaw, ang sakit ng katawan ko.

Halos hindi ko na magalaw.

"Wag ka muna gumalaw, masyadong marami kang sugat"Napakunot ang aking noo, ako? Sugat? Tumingin ako sa aking saril at napaawang naman labi sa gulat nang makita ang pasa sa mga braso ko, sariwang sariwa pa, napanguso ako, ano bang nangyari?

"Ano po ba ang nangyari! Bakit may ganito ako? At bakit ako nandito?"Nanlaki nang kaunti ang kanyang mga mata sa inosenteng tanong ko, nagtataka na tinignan ko siya nang tingin, kinagat niya ang ibabang labi at umiwas nang tingin.

"Ilang taon ka na natutulog...."Napasinghap ako sa gulat at nanlaki ang mga mata, ako?! Ilang taon na akong natutulog, nangilid ang luha ko, ibig sabihin matagal na, umuwi na si hubby?! Umuwi na siya! Napangiti ako.

"Aalis na ako, kailagan ko na bumalik sa bahay namin, hinihintay na nila ako"Nagmamadali na sabi ko pero hindi ko talaga magalaw ang katawan ko, sobrang sakit, napapikit ako nang makaramdam nang hapdi.

"Naniwala ka kaagad?"Napatingin ako sa kanya at kinunutan siya nang noo, aning sinasabi niya nananiwala agad ako? Hindi ko siya maintindihan, oo nga pala, bakit nga pala ako andito? Ano bang nangyari?

"Naniniwala na ako na inosente ka nga"Nakangising sabi niya pa sa akin, inosente? Ako? Bakit?

"Hindi kita maintindihan pero anong nangyari? Nasaan na sila liander? Bakit ako nandito at bakit may mga pasa ako?"Kunot noong tanong ko sa kanya, binitawan niya ang hawak hawak niyang libro at ngumiti sa akin nang malaki, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa isang maliit na sofa na malapit lang sa aking kinahihigaan.

"Wala sila, nasa mansyon kita.."Mansyon? Sa mansyon niya? Napatango tango naman ako pero gusto ko nang umuwi, nakakapagtaka dahil feeling ko hindi ako komportable, feeling ko sa bawat galaw ko ay may nakatingin sa akin mula sa malayo at ayaw ko nang pakiramandam na iyon, nagbibigay iyon nang takot at kaba sa akin.

Bumuntong hininga ako nang malalim, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalala ang nangyari, hindi naman ako nagkaroon nang tinatawag nilang 'amnesia' hindi ko alam kung anong gagawin, gusto ko umalis pero ang mga pasa at sakit na nararamdaman ko ang pumipigil sa akin.


"Pwede bang sabihin sa akin, kung anong nangyari?"Tumaas ang kilay niya sa akin at umirap na napamewang sa harap ko, napangiti ako nang kaunti dahil naalala ko sa kanya si liander ang hihilig nilang umirap.

Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon