Chapter 77

5 1 0
                                    

Meeting her.





"Sigurado ka na okay ka lang? Kanina ka pa tulala sa klase, ano ba ang tumatakbo sa utak mo?"Kunot noo ni windy sa akin.















"May roon akong iniisip na hindi ko masulosyonan"Nakangiwing sambit ko sabay upo sa tabi ni stacey na kumakain ng french fries niya.













Nandito kami ngayon sa garden, ang sarap matulog! "Wala si mia?"Takang nilibot ko ang paningin sa paligid ng garden at napasingahap ng makita wala si mia, nasaan siya?











"Sa section star or sa meeting na naman"Natatawang pahayag ni stacey, napatango ako ng dahan dahan, busy woman talaga si mia, wala pa siyang trabaho niyan, huh? Siguro talagang sobrang talino ni mia na kaya niyang pagsabayin ang pagiging vice president tapos section star? Ang galing talaga!












"Where did you get that baby teady bear?"Nakangising sambit sa akin ni windy sa akin ng makita ang hawak hawak ko.















Mabilis na umukit ang malaking matamis na ngiti sa aking labi sabay tingin kay baby sinclair. "Siya, siya si mini baby sinclair ko!"Nakangitng sambit ko sa kanila, napatahimik sila ng ilang minuto bago tumawa ng tumawa.













"Anong pinagsasabi mo?"Natatawang sambit sa akin ni stacey, napangiti ako.













"Kamukha kaya siya ni hubby, magkasalubong ang kilay niya na parang galit, tapos namumula ang dalawang pisngi, nakanguso pa siya! Ang cute!! Ganito kaya si dairon kapag may ginagawa akong gusto niya!"Napanganga silang lahat sa aking sinabi.










"Gosh!"Nagtatakang lumingon ako sa aking likuran at agad na nakita si mia kasama sila zion!









Nandito na naman sila, babantayan na naman nila ako, ano naman kaya ang dapat kong gawin para makatakas sa kanila mamaya. "Good morning narrah tree!"Tumango ako at ngumiti kay liander na mabilis na pumunta kay stacey at umupo sa tabi niya.












"Good morning sa inyong lahat!"Nakangiting sambit ko sa kanila, mabilis na napangiti sila zion at umupo sa kanilang upuan.















"Saan mo iyan nakuha? Ang pangit naman!"Bumaling ako kay keifer ng marinig ang sinabi niya, napatigil ang tawanan nila mia at kung ano man ang pinaguusapan nila.








Pangit?! Napakurap siya ng maraming beses at nagtatakang tumingin sa akin, napabuntong hininga ako ng malalim.








"Si baby sinclair 'to!"Napamura siya ng sunod sunod at napatayong napahilamos ng mukha sa inis.









"Sinusundan ka yata ng malas mo!!"Tawang tawa na sambit ni liander.












"Mamatay ka na talaga, condolence!!"












"Wala ka ng pag-asa, magpakamatay ka na!"













"Mas lalo kang mahihirapan kesa kay Jake!"












"Patayin mo na lang sarili mo!"







Napailing na lang ako sa kanilang mga sinabi at napatingin kay zion ng maramdaman na nakatingin siya sa akin. "Bakit?"Taas ang kilay na inosenteng tanong ko sa kanya, napangiti siya ng maliit sabay umiling.










Demon's Hide.Where stories live. Discover now