Chapter 4

55 2 0
                                    

The wedding.





Napangiti ako nang makita si dairon na nakatayo sa harap ko, ngayon ang araw ng kasal ko kaya masaya ako, walang reaksyon si dairon at halatang hindi siya nakikinig pero hindi ako pwedeng maging malungkot dahil ito ang araw nang kasal ko.








Hindi ko nga alam kung anong nararamdaman niya ngayon dahil napakagaling niya sa pagtago ng emosyon, unti lang ang tao na dumalo, si tita rina at ang kanyang asawa, si mia, zion, keifer, jake at si xander, si papa at si mama, kasama sina lolo at lola.









Masaya sila lolo at ang mga magulang ko at ni dairon, si mia din, hindi ko lang alam kina zion masyadong seryoso sila e, hindi ako pwedeng maging malungkot, masisira ang seremonya kaya ayaw kong maging malungkot pero pasekretong di ko iyon magawa.








Hindi ito ang wedding ko na pinapangarap ko noon pero..ito na yata ang pinakamasayang malungkot na araw sa boung buhay ko, ang ikasal sa taong di ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin..di ko alam kung anong dapat ko maramdaman, should I feel happy about this or not? I don't know...hindi ko alam kung anong sagot sa nararamdaman ko.









Nakasalubong ang kilay ni dairon habang mariin ang tingin sa akin, sa totoo lang di ko alam kung masaya ba siya....pero baka inis siya sa akin, napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin, di ko mapigilan tignan ang mga naglalakihan niyang kamay kumpara kasi sa akin, ang kamay niya ay malaki at halos sakop ng kamay na iyon ang mukha ko, ang kamay ko naman parang isang kamay lang ng bata kumpara sa kanya and I can see his veins, his fingers are bigger and longer than mine.










Muli kong inangat ang tingin ko sa kanya at nakita siyang nakatingin sa akin, di man lang nagbago ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya, walang gana at parang gusto nang umalis sa kinatatayuan niya ngayon, I secretly took a deep breath.










"You may now kiss your bride"Anunsyo ni father dahilan kung bakit namula ang boung mukha ko, halos lumabas ang puso ko sa sobrang pag-wawala n'yon.










Naglakad siya papunta sa akin, napaigtad ako nang humawak ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya, sa kabila nang tela na suot ko ay ramdam ko ang init niyang kamay sa bewang ko, umiwas ako nang tingin sa kanya at napalunok.






Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang pag-alis niya sa wedding veil ko. "Open your eyes, narrah"He whispered on my lips, I can feel his hot fragrant breath  and his soft lips touch mine, I can smell his manly smell.







"Open your eyes..."Minulat ko ang mga mata ko at agad na natigilan nang makita ko na seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko at nang bumaba ang tingin niya sa labi ko, marahan niyang pinikit ang mga mata at tuluyan na pinadapo ang labi niya sa labi ko. Nagulat ako ng di magtagal ay hinila niya ako palapit sa kanya at mas nilaliman ang paghalik sa akin.








Sunod sunod ang palakpakan ang narinig ko at flash nang camera. Tulala ako nang unting unting humiwalay siya, sunod sunod ang ginawa kong pag hininga ng pakawalan niya at napahawak sa bibig ko na tinignan siya na hindi man lang ako tinignan, my heart fluttered.








Alam kong pulang pula na ngayon nang mukha ko sa kanya but I'm perfectly fine.








Lahat sila sila masaya maliban lang kina zion na nakikipagpalakpakan na rin kahit mayroon akong nakikitang parang iba sa kanila na hindi ko mapangalanan ng may kasiguraduhan, hindi ko alam kung anong problema nila pero parang ayaw nila na maikasal ako kay dairon base sa itsura nila ngayon. Tumingin ako kay dairon ng hawakan niya ang kamay ko, ngumiti ako kaagad sa kanya pero wala akong ngiti na natanggap sa kanya.









Demon's Hide.Where stories live. Discover now