Chapter 91

11 2 0
                                    

Arduous.



Napakatahimik naman nang kwarto ko, nakakainis, walang bumisita sa akin kanina pa mula nang pumunta dito si ate anji para kunin ang pinagkainan ko, nakakatamad tuloy, nakakabangot.





I sighed, hindi ko alam kung kailan ako magkukunwari na hindi parin ako nakakalakad, hindi ko parin maalala ang mga nangyayari, apat na araw na ako dito sa isla, I'm waiting na may susundo sa akin pero wala naman dumarating.






Ayaw kong mawalan nang pag-asa pero unti unti ko na rin iyon nararamdaman sa bawat oras na lumilipas. Nakasimangot ako habang nakatingin sa labas ng bintana, parang nakakulong ako sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko gusto ang pakiramandam na iyon. Ayaw ko na pakiramandam na ito...





"Narrah!"Umukit ang ngiti sa labi ko nang marinig iyon at agad na lumingon sa pintuan, sa wakas!! At pumunta na rin sila sa kwartong ito, sana naman hindi na sila agad mag-walk out.






"Anna!"Kumaway ako sa kanya at malaki ang ngiti nakatingin lang siya sa akin, walang kangiti ngiti sa kanyang mukha kaya alinlangan akong napaiwas nang tingin, parang bad mood siya.






Well sa nangyari kanina di malayong di mangyari iyon. Sekretong bumuntong hininga na lang ako, ngumiti ako sa kanya kahit nagaalinlangan. "Buti naman at dumating ka, nakakabangot dito e..."Bahagyang tumaas ang kanan na kilay niya, napalunok ako nang palihim. Ang sam ng aura niya...





"Kumain ka na ba?"Pormal niyang tanong lang sa akin bago umupo sa sofa sa di kalayuan, tumango naman ako sa kanya ng sunod sunod.



"Ikaw?"Tanong ko, she nodded at me.





"I'm here because I need to ask you a question"Kumunot ang noo ko naman, nakaramdam ako ng kaba dahil seryoso siya, baka mamaya ay itanong niya sa akin kung kailan ko gustong mabuhay?






Ngumiti ako sa kanya ngunit alinlangan ang ngiting iyon dahil sa kaba sa biglaan na pagseryoso nang expression niya. "A-ano ba yun?"Lumikha nang malaking ngisi sa kanyang labi nang marinig ang kaba at nagaalinlangan ko pa na boses, umapoy ang pisngi ko sa kahihiyan at nagiwas nang tingin sa kanya.






Grabe....nakakatakot talaga ang presensiya niya....may mga pagkakataon talaga na natatakot ako sa kanya na ganito, yung mga matatalas niyang tingin sa akin noon bakit parang dumuble ngayon?






"You hate your husband, right?"She asked me with a sharp eyes, napaawang ang labi ko nang bahagya at bumalik sa alala ko ang sinabi ko sa kanila nila ni ate anji doon sa apartment nila, tama....yung plano ko.




Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa kanya. "Hmm.....yeah"Nakayuko na sabi ko, mamimiss ko na rin siya.




"You hate your husband. Why did not divorce him?"Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon at bumaling sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay nang makita ang reaksyon ko at nanliit ang tingin sa akin.




"Why did you look so shock?"Taas baba ang kilay niyang tanong sa akin habang prenteng nakaupo sa sofa, umiling ako sa kanya, wala nga lang dito sa tabi ko si dairon para na akong mamatay, hiwalay pa?






"Honestly....I tried to do that"Sumeryoso ang boses ko habang nakatitig sa kanya, napatigil siya at nawala ang ngisi sa kanyang labi, pansin ko din ang paglaki kaunti ng mata niya.










Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon