Chapter 84

12 2 0
                                    

Fearless.

Kasalukuyan naglalakad ako papasok sa building na abandonado na at kasalukuyan din nagtatago si kuya flien pero alam kong nasa tabi tabi lang siya. I feel so nervous and scared with every step I take but I try to encourage myself that I can do it.


"Kaya ko ito..."Pagkukumbinsi ko sa sarili ng tuluyan akong makapasok ay napatigil ako ng may humawak sa akin sa braso, nanlaki ang mga mata ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan habang ang kuya na ito ay nakangisi.


"Sumama ka sa akin."Napalunok ako sa kaba binitawan niya ako ngunit mariin sabay alis, nakasunod lang ako sa kanya ng tahimik. Tinignan ko ang kanyang kabuonan kung may roon siyang dalang baril baka mamaya iputok niya iyon.



Hindi rin halata na matanda siya parang katulad lang kay papa, nakamulsa siya habang naglalakad, napakagat ako ng ibabang labi ng humarap siya at tumigil, napatigil tuloy ako at hindi magawang tumigin sa kanya, kinakabahan ako kasi alam kong kalaban siya....baka mamaya ay patayin niya na talaga ako.



Hindi ko na makikita sila mama kung mangyayari iyon!!! Ayaw ko naman na mama---



"Sa tingin mo makakalabas ka pa dito ng buhay? Matapang ka masyado para pumunta ng mag-isa dito"Nakangising sambit niya sa akin, napaiwas ako ng tingin at lumayo ng kaunti ng makitang iaangat niya ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko narinig ko ang mapaglaro niyang tawa.






"Malakas ang loob mong pumunta dito...hindi mo ba am na kaya namin kayong patayin, pumunta ka dito dahil sa isang lalaking hindi mo naman kapatid, you are not even related to him but you still came, are you really stupid narrah?"Kumunot ang noo ko dahil alam niya ang pangalan ko, kumunot ang noo ko at lakas loob na tumingin sa kanya kaagad na sumalubong sa akin ang mukha ni kuya, tama nga ako hindi halatang matanda siya.





"Pa-paano mo po nalaman ang pangalan ko?"Kunot noong tanong ko sa kanya, nagulat ako ng tumalim ang kanyang tingin sa akin, nakipagtitigan ako sa kanya at katulad kay kuya macardo galit at poot ang nakikita ko.



Sarkastiko siyang tumawa. "Nakakatuwa kang bata, matapang ka maswerte ang magulang mo sa'yo"Nilagay niya ang palad sa aking ulo, napayuko ako ng kaunti, natatakot ako sa maaring mangyayari pero lam ko na nasa paligid lang si kuya flien.





"They said, na mabait, sweet, maganda matalino ka, lahat ng mga studyante sa university n'yo ay hinahangaan ka, alam mo ba 'yon?"Umiling ako sa kanya at umiwas naramdaman ko na natigilan siya at napailing.



"Walang masyadong tao dito sa builing katulad ng sinabi sayo ni macardo, ikaw lang ang pupunta dito at ginawa mo iyon kung kaya kami lang din ang nandito pero sa oras na may gawin kang hindi namin magustohan....alam mo na ang mangyayari sayo"Sunod sunod ang ginawa kong paglunok sa takot sa kanyang sinabi at dali dali tumango muli siyang naglakad kaya sumunod ako, nakakatakot siya katulad ni kuya macardo.





"They said that you help people to their problem, especially your bestfriends, kahit ikamatay mo gagawin mo ang lahat para sa kaibigan mo, alam mo ba ang una kong narinig iyon, sinabi ko na isa iyong kalokohan, kaya ako ang sumalubong sayo dahil gusto ko makita kung darating ka."Narinig ko ang matunog niyang ngisi ngunit hindi siya huminto tuloy tuloy lang siya sa pag-akyat sa hagdan.



Ano kayang sinasabi nitong lalaking ito? Hindi ko siya kilala pero bakit parang kilala niya na ako? Katulad sila ni kuya macardo kung magsalita.


"Pero pinahanga mo ako ng dumating na ikaw lang mag-isa"Ngumiti ako. Mamaya ay may pupunta dito ngayon ay may kasama po akong isa ngunit hindi niyo siya makikita.



Demon's Hide.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora