Chapter 68

6 1 0
                                    

Realize.

Bakit ba ako nandito? Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga. Nandito na, wala nang urongan. Tinignan ko ang malaking company na nasa harapan ko, sobrang laki pala nito, ang yaman niya pero iniwan niya sina hazel.





Pagkatapos kong makausap sila cyrus ay nagpaalam ako sa kanila na aalis, nang marinig ko ang kanilang mga sinabi ay kusang kumilos ang katawan ko na umalis at magtungo dito.






Bumuntong hininga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit napatigil ng biglang may pumigil sa akin nagtatakang tumingin ako kay kuyang guard, ngumiti siya sa akin at bumati, bumati rin naman ako sa kanya.




Niilahad niya ang kanyang palad, nagtataka na sinundan ko iyon nang tingin at tumingin sa kanya. "Sorry miss, pero hindi po pwedeng pumasok kapag walang pass o kaya mayroon po ba kayong card? Sorry po pero mahigpit po kasi ang boss namin, bawal po magpapasok sa kompanya kapag walang importante na gagawin"Umawang ang bahagya ang aking labi nang sabihin niya iyon, ngumuso ako nang kaunti at hinanap ang pass sa aking dalang dalang shoulder bag.








"What pass?"Mahina na sabi ko sa tabi ko ng hindi mahanap ang password sa bag, Ano bang pass?





Magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin si windy mula sa phone niya at nginiwian ako, napasunod ako nang hilain niya ako papuntang gilid. "Ano ka ba narrah! Bakit mo ibibigay password ko baka mamaya maging stalker ko yan, kay alucard lang to, noh!"Nakangiwing ngumisi sya sa akin at ngumiti, dahan dahan na napatango ako.





"Ahh....password ko pala, sandali lang"Naglakad ako palapit doon kay kuyang guard para mabigay na sa kanya ang hinihintay niyang password.





Hindi niya naman kasi agad sinabi na ayon ang hinihingi niya e! "Ops! Ops! Opss..."Napabalik ako nang kunin ulit ako ni windy, nagtataka ko siyang tinignan, napairap siya at walang ganang napasapo ang kanyang noo.





Kumunot ang noo ko, ano na naman ang kinagaganyan niya? Bumuntong hininga siya nang malalim at problemado akong tinignan. Tinuro niya sila kuya guard na inaasikaso ang ibang pumapasok sa kompanya, anong binibigay nila?






"See that kuyang gwardia! He asks about your password at ibibigay mo talaga sa kanya ang password mo?!"Hindi makapaniwalang wika niya inosenteng tumango ako nang dahan dahan sa kanya, napailing siya at mas lalong hindi napinta ang mukha.





"Dapat talaga may kasama ka kapag umaalis ka, mabilis kang mabudol, uso pa naman ang mga ganyan ngayon, hindi mo ba talaga nakuha narrah? tinatanong niya ang password mo dahil gusto ka niya!"My eyes widened, what? Anong sinabi niya?!




"Sa oras na malaman ng husband mo na binibigay mo ang password mo to another guy! He will be freaking mad! Not to you!"Nakapamewang niyang sabi at tinuro nya ako bago tinuro si kuyang gwardia na walang kaalam alam na pinaguusapan namin sya.








"But that man, that guard will die! We all know who is your husband, lalo na when he's jealous, hindi mo kasi alam na nagiging monster siya kapag may kasama ka na iba? Lalo na kapag tumagal kayo na makasama sa isang segundo! Tapos Ibibigay mo pa qng password mo? You know narrah if ako sayo, wag mong ibigay yung password mo! Mapapahamak lang si kuyang gwardia"Napatango tango ako at sumingkit ang mga mata, tama naman siya....laging nasa monster mode si dairon kapag nagseselos siya e, napanguso ako at umayos sa pagtatayo.






Demon's Hide.Where stories live. Discover now