Chapter 83

8 2 0
                                    

Save him.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nakatulala lang ako ng mamatay ang linya hindi ko alam kung anong sunod na hakbang ang gagawin. Think narrah, you can't go there alone, naalala mo naman siguro ang sinabi ni zairus, they're dangerous.




Bumuntong hininga ako ng malalim at tumayo umalis ako doon pero nag-paalam muna sa mga madre. Tulala lang ako habang naglalakad hindi ko alam kung bakit pinapahirapan nila si kuyang tagabuhat, I took a deep breath and bit my lower lip.



Ano bang kailangan kong gawin? Hindi parin mawala sa isip ko si hubby dapat hindi siya ngayon ang iniisip ko. Umalis ka muna sa isipan ko kahit ilang minuto lang...




My tears started to welled up, hindi niya sinagot ang tanong ko pero pinangako niya naman na babalik siya sa panaginip ko, pinangako niya iyon pero ang pangako ay pwedeng mapako, I sighed and wiped away my tears.




Ilalabas ko pa lang ang phone ko sa shoulder bag ko ng may humawak sa braso ko dahilan kung bakit natigilan ako, nanginig ng katawan ko sa takot na baka mamaya ay si kuya macardo o si kuyang galit kay dairon iyon, tinatagan ko ang sarili.





"Crying?"Sarkastikong boses ang narinig ko kaya agad na napalingon ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata nang makita ang nakangising mukha ni ate anji, why is she here?



The girl in the orphanage before came back to my mind, yung naninigarilyo na binugahan ako ng usok, mas lalong lumaki ang ngisi niya ng makita na nanginginig ako dahil sa gulat, binitawan niya ako kaya muntik na akong mahulog dahil sa panginginig ng tuhod ko.


"Anong nangyari sa'yo?"Nakangiti ngunit sarkastikong niyang sambit at inalalayan akong tumayo, napakagat ko ang aking ibabang labi at bumuntong hininga ng malalim



"S-salamat, ayos lang ako..."

Sino ka ba ate anji? Alam kong ikaw ang babaeng 'yon ano bang gusto mo? Bakit ka lumalapit sa akin? Bakit mo sinasabi ang mga iyon? Hindi ko naman maintindihan ang pinupunto mo 'not the right time' ayon ang sinasabi mo sa akin, ngayon na ba ang right time kaya ka nagpapakita at lumalapit sa akin?







Kumunot ang noo niya ng makitang natagalan ang tingin ko sa kanya. "Hey, don't look at me like that! I know I'm beautiful more than anna, pero you should not have a crush to me, I'm not into girls sorry"Nakangusong sambit niya, unti unting sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi.




Natigilan siya ng makita iyon at tumaas ang kilay. "Hindi nagkakamali ka, pamilyar ka kasi talaga sa akin"Natigilan muli siya sa pagtatakang magsalita.

"Huh?"

"Ano nga palang ginagawa mo dito? May roon ka bang binista sa ampunan?"Tanong ko sa kanya, nakita ko kung pano nagbaba at taas ang kanyang lalaluman bago tumango na ikinatango ko.


"Ate anji, nasaan na si heliana? Kaibigan mo si anna, hindi ba? Gusto ko lang malaman kung nasaan si heliana"Talaga naman kasing gusto kong malaman kung nasaan na si heliana, matagal na simula ng makita ko siya, gusto ko siyang makitang muli, napaiwas siya ng tingin.



"He-heliana? She's okay, she's not here nasa ibang bansa?"Hindi siguradong sambit niya na ikinatango ko na lang.




"Nandito ako kasi may pinuntahan ako sa ampunan kasi wala naman, hindi dumating ang kikitain ko"Ngumiti siya sa akin ng alinlangan at tumango hindi na siya nagtanong kung sino ang dapat na kikitain ko, hindi ko alam kung bakit pero I can feel na kinakabahan siya, hindi ko nga alam kung bakit siya kinakabahan.




Demon's Hide.Where stories live. Discover now