Chapter 36

11 1 0
                                    

To let the cat out of the bag.



Inalis ko ang suot suot ko na hair wig dahilan kung bakit lumantad ang buhok ko, mabigat ang hininga na umupo ako sa sofa at inalis ang earpiece na sa tainga ko at nilagay iyon sa shoulder bag ko.





Kunot noong tinignan ko si stacey, kanina ko pa napapansin na wala siyang kibo, sa mga nangyari kanina....talagang nakakabigla, umupo ako sa tabi niya dahilan kung bakit siya napalingon sa akin.








Tipid akong ngumiti. "Ayos ka lang?"Bakit ko pa ba iyon tinanong? Halata naman sa mukha niya na malungkot siya, ibinaling niya ang tingin kay brie na nasa malalim na panaginip habang nakahiga ito sa kama.








"Naawa lang ako kay brei.... hindi ko alam na ganito pala ang buhay niya, siguro noon ay wala siyang ginagawa kundi ang umiyak"Nakangiti man ngunit papaiyak na ang tono nang boses niya, tumango ako bilang pagsasangayon.




"Narrah sa tingin mo kapag may ginawa kang mali sa iyong nakaraan at na-realize mo na ang ginawa mo ay mali at hindi makapatawaran, sa tingin mo mapapatawad ka pa?"Bahagyang kumunot noo ako, nais ko sana magtanong pero parang di ito ang oras para doon, napangiti ako ng dahan dahan at tumango sa kanya.








Napabuntong hininga ako at tumingin kay brei na ang himbing ng tulog. "Oo naman, kung ang ating mahal na panginoon ay napapatawad tayo....syempre kailangan natin magpatawad.....kahit anong mali ang ginawa mo pero kung inayos mo iyon at tinanggap mo iyon nang boung puso ay mapapatawad ka niya"Lumingon ako sa kanya at matamis siyang nginitian.




"Bakit mo nga pala na itanong?"Tanong ko, umawang ang labi niya at ngumiting umiling.





"Wala kasi may naisip lang ako, oo nga pala! Siguro naman alam mo na kung sino ang anak nila kuya sesar, hindi ba?"






"Oo nakita ko na siya, kaso bigla siyang nawala"Sumimsim siya ng kanyang chocolate coffee at tumingin sa akin, bumuntong hininga siya, halata na pagod din siya ano naman kaya ang ginagawa ngayon nila dairon? Sana nandito sila, nag-aalala ako baka kung ano nang mangyari sa lalaking iyon.








"Gusto kong malaman kung nasaan na sina mia....sabi mo kasama ni zairus si divionna hindi ba?"Si stacey tila ninigurado pa ang boses, nang tumango ako ay parang nakahinga siya ng maluwag.





"Kamusta pala yang sugat? Ayos na ba?"Napahawak siya sa sugat nya doon sa kanyang tagiliran na may benda at tumango.





"Kaya ko pa naman at tsaka ayos na ayos ako"Napatawa na lang ako sa kanyang sinabi at dahan dahan na tumango.







Napakurap ako ng maraming beses nang biglang may roon nagdoorbell. Nilapag ko ang chocolate coffee sa lamesa at tumayo sa kinauupuan. "Titignan ko lang kung sino ang nasa labas"Paalam ko na tinanguan niya, walang sabi siyang umupo sa gilid nang kama ni brie.







Siguro ay natatakot parin siya, sino naman ang hindi ang matatakot? Kahit ako rin naman ay natatakot din, dahil kanina ay nakakatakot talaga ang nangyari, hindi ko inasahan na mag-tatagumpay kami.






"Narrah! Stacey! Si windy ito! Open the door!"Malapit na ako sa pintuan nang bahay namin nang marinig ko ang boses ni windy, madaling binuksan ko ang pinto at napangiti ng makita ko si windy.







Halata sa mukha niya ang pag-aalala, natigilan siya nang kaunti ngunit agad na napaluhang yumakap sa akin na ikinabigla ko, napayakap tuloy ako sa kanya nang kaunti dala ng bigla.






Demon's Hide.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora