Chapter 50

18 1 0
                                    

Dinner date.


"Sorry na late ako"Ngumiti siya sa akin na parang nanalo sa luto habang ako ay hindi alam ang mararamdaman, nag-aalinlangan parin ako at may gusto sa akin na bumalik doon sa university.




Kinausap ko si brei kanina at sinabi ko sa kanya nasasama ako kay cyrus, pumayag siya sa aking sinabi, sinabi niya sa akin na pagtatakpan niya daw ako kay hubby na ikinagagaan naman ng loob ko kahit papaano.







Kumunot ang noo ni cyrus ng makitang di ako mapalagay. "May problema ka?"Ngumiti ako ng alinlangan sa kanya at umiling.




Ang bigat ng pakiramdam ko at parang gusto ko na lang tumakbo patungo doon sa university at manatili doon para makasama si hubby. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari!






"Saan ba tayo pupunta? Siguro naman malapit lang iyon dito, hindi ba? Tsaka gusto ko rin makita ang sinasabi mong paborito mong restaurant"Nawala ang magandang ngiti na nakaukit sa labi niya at napabuntong ng hininga ng malalim.





"Hindi tayo doon pupunta....ipupunta kita sa isang magarang restaurant....wag na doon dahil baka maputikan ang maganda mong paa, napakinis pa naman nakakahinayang kung mapuputikan lang"Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi at hindi makapaniwalang napailing.






Si cyrus ba ang kaharap ko? Parang ibang tao na siya! Sa mga pananalita niya parang hindi siya yung cyrus na mahiyain at sa bihis niya ngayon, para siyang prince!







"H'wag na! Okay lang naman iyon sa akin tsaka hindi ba wala kang pera?"Sambit ko, ngumisi siya sa akin na ikinakunot ng noo ko, lalo na ngayon at nakasout siya na magarang kasuotan na sigurado akong wala naman sa kanya. Saan niya nakuha ng suit na iyon na halatang mamahalin! Ganon pa man ay di ko maikakaila na ang gwapo niya sa suot niya.






Saan galing ang suot niya? Bumuntong hininga ako nang sekreto, maganda ang kanyang kasuotan halatang mamahalin iyon wala ang suot niyang salamin para sa malabo niyang paningin.





"Hindi nararapat sa'yo ang maduming lugar na iyon, nararapat ka sa isang magarang lugar"Nahihiyang napatango ako sa kanya umatras siya ng kaunti kaya agad kong nakita ang kotse na nasa likod niya, umawang ang labi ko dahil isa iyong brand new car.







Pero may ganito na si dairon....nakakagulat lang na may ganito ang isang cyrus na wala ngang halos makain....buti na nga lang at may roon siyang card ng university, may mga restaurant naman doon sa university kaya nakakain naman siya, hindi ba?




"Saan galing yan?"Takang tanong ko sa kanya napatigin sya sa akin at magiliw na ngumiti, hinawakan nya ang kamay ko na ikinailang ko nang kaunti.





"Hindi na importante kung kanino iyan o saan nang galing nyan, sumakay ka na?"Nakangiting wika niya sa akin, wala sa sariling napatango ako, lumaki ang kanyang ngiti at agad na inalalayan akong umupo doon sa kotse niya, umikot siya at sumakay sa driver seat?




"Sabihin mo nga sa akin, cyrus....bakit ganito?"Nagtatakang nilingon ko siya, napabuntong hininga siya at tumingin sa akin at ngumisi ng kaunti.








"Anong sinasabi mo? Hindi ba maganda naman? Hindi naman nararapat sa'yo ang isang maduming sasakyan"Napanganga ako sa narinig at hindi na nakuha pang magsalita.







Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon