Chapter 33

3 1 0
                                    

Where's zairus?




Ilang beses akong pumindot nang door bell sa apartment ni zairus ngunit wala parin na lumalabas na zairus, wala ba siya dito? Bakit naman? Sigurado ako na dito siya nakatira, e!







"Ang lamok dito! They kagat to my skin!"Inis na reklamo ni mia at winawagay ang dalawang kamay niya sa hangin.










Humalakipkip si brei at nag-cross arms. "Ang arte, mo!"Umirap si mia sa kanya.









"I don't think there's anyone here, narrah"Tumango ako sa sinabi ni stacey at bumuntong hininga ng malalim, di ko maitago ang pagkadismaya, ano kaya ang ginagawa ngayon ni zairus? Bakit wala siya ngayon sa apartment niya?







"Why don't we just ask tito? Alam niya ang pangalan nang anak niya! Do you have his number?"Tanong ni stacey kay mia, napakunot ang noo ni mia at bumuntong hininga napailing.








"No but nandoon ang number niya sa office"Sagot niya, napatango naman kami. Dapat talaga hiningi ko yung number ni tito!








"Kung ganon bumalik na tayo? Pero sandali hindi muna tayo dadaan samall? Shopping muna tayo guys! Tapos balik tayo dito baka nandito na si zairus"Tumaas ang kilay ko nang sabihin iyon ni mia at ngumuso.











"Sige! I agree, you?"Tumingin sa akin si windy.






"Tawagan ko muna si hubby"Napaawang ang labi nila sa sinabi ko at tumango nang dahan dahan, napangiti ako at umalis nang kaunti sa kanila bago nilabas ang phone ko.






"Hell--"






"Come here now."Kumunot ang noo ko sa narinig, anong sabi niya?






"Anong come here na, hubby?"Takang tanong ko, malalim siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.






"I know zairus is not in his apartment"Namilog ang mata ko sa narinig, nalaman niya? Manghuhula na ba siya? Hindi ko alam na kaya nya palang manghula! Magpapahula ako sa kanya kung anong magyayari bukas! Tapos sa susunod---








"Wife...."Tawag niya sa akin.





"Yes?"




"Come here now"Napawang ang labi ko at ngumuso bago tumingin kina windy na nag-uusap, nagtatawanan pa nga sila.







"Come back now..."





"Dairon?"Kinagat ko ang ibabang labi at lumunok, gusto ko rin na maging manghuhula! Anong kayang feeling n'yon? Ano kayang pakiramdam na maging isang manghuhula? Siguro kaya ganon si dairon dahil mysterious ang mga manghuhula!








"Manghuhula ka na ba, dairon? Anong nangyari at tsaka anong pakiramdam nang maging isang manghuhula?"Tanong ko, nangunot noo ako nang marinig ko ang malakas niyang pagtawa sa kabiling linya.










"Wife!"Parang nauubusan na siya nang hangin dahil sa pagtawa.






"Bakit ka tumatawa? May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Sandali lang pala hubby, paano ka pala naging maghuhula? Anong mangyayari bukas? O sa susunod na bukas? Anong mangyayari mamaya? Malalaman ko ba---"





Demon's Hide.Where stories live. Discover now