Chapter 90

4 2 0
                                    

Bad feeling.

Magdadalawang araw na ako dito pero wala pa rin along magawa, hindi man lang ako makaalis sa ginagalawan ko, tsaka hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari sa labas.




Hindi ko alam kung bakit hindi sila pumupunta dito, pumupunta lang sila sa akin kapag may roon silang pagkain na dala dala, nakakain naman ako sa tamang oras at masaya ako dahil doon pero talaga naman na bad feeling ako dito.



Sa bawat sulok ng kwarto na ito ay bad feeling ako, bumuntong hininga ako sinubukan ko na igalaw ang mga kamay ko napangiti ako ng makita na kaunti na lang ang mga sugat ko at hindi na rin gaano magsakit kapag ginagalaw.






Nasaan na kaya sila windy ngayon? Sana naman ay ayos sila, pati na rin sila mama, alam ko naman na ayaw akong ibigay nila kuya javier kila mama, dahil kung gusto niyang makita ako nila mama ay wala na ako dito.




Nagugulohan ako sa kanila, hindi ko alam kung kaayaw ko ba sila o kaibigan, hindi ko maintindihan ang mga kinikilos nila, hindi naman masama ang pagtrato nila sa akin, para nga kaming magkaibigan na walang problema, bumuntong hininga ako.






"Narrah, nandito na ang pagkain mo"Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon at agad na niluwa n'yon si kuya javier, ngumiti ako sa kanya at bumati ng magandang umaga.





"Mukhang maganda ang araw mo ngayon, huh?"Nakangiting nilapag niya ang hawak niyang tray sa lamesa sa gilid ng aking kama, umupo siya sa upuan at kinuha ang isang mansanas na tinatangalan niya nang balat.







"Magmansanas ka muna"Tumango naman ako sa sinabi niya at kinuha iyon pero bago ko pa naman makuha iyon ay umiling siya sa akin, hindi ako hinayaan na kunin ang mansanas ko, sumimangot ako sa ginawa niya.






"Magaling ka na ba?"Nakangising tanong niya sa akin, walang alinlangan naman na tumango ako sa kanya, hindi naman gaano pero kaya ko naman na galawin kaunti ang mga kamay ko.





Sumimangot siya sa nakita at umirap. "Hindi pwede, hindi ka pa magaling kaya susubuan na lang kita"Sabi niya kita ko ang mga aliw sa kanyang mga mata, napanguso ako ng masabi niya iyon.






"Kaya ko naman na kumain mag-isa, hindi mo na ako kailangan subuan"Nakangiting sabi ko pero umiling iling siya sa akin at tinapat ang mansanas sa bibig ko, hindi ko naman kinagatan iyon na ikinasama ng mukha niya.




"Kumain ka na"Nakasimangot niyang ani.






Umiling ako sa kanya. "Kaya ko na kumain magisa"Mahinang ani ko at dahan dahan na tinaas ang kamay ko at kinuha iyon sa kanya, nang makuha ko ay kinagatan ko iyon, ang tamis!!






"Matigas ang ulo!"Rinig ko na inis na ani kuya javier pero hindi ko siya pinakinggan, basta kain lang ako ng mansanas ko. "Kuya javier, ano na po ang nangyayari sa labas?"Tanong ko sa kanya habang ngumunguya, napatigil siya sa paghahanda ng pagkain ko at tumingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay ko at tumigil sa pagkain ng mansanas.











"Nag-alala sa akin ang mga magulang ko..."Wala akong imosyon na nakita sa kanyang mukha na ikabagsak ng balikat ko, nangingilid ang luha na napaiwas ako ng tingin at nagbaba ng tingin.







"Bakit nandito ako? Bakit hindi nyo ako ibalik sa mga magulang ko? Bakit hindi n'yo ako pinapayagan na tawagan sila?"Nanginginig ang boses ko dahil sa pag-iyak, wala siyang sinagot sa akin na ikinakagat ko sa ibabang labi ko.






Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon