Chapter 8

27 2 0
                                    

Unexpected.





"I really think I did best to that quiz! Pasado ako, sigurado ako!"Di mawala ang kasiyahan sa mukha ni mia nang tignan ko siya.








"Ako? Di ko nga alam sa akin kasi di ko masyadong natapos, kinuha agad!"Matulis  ang ngusong reklamo ni brie, malakas na tumawa si mia na ikinasimangot niya at ikinaikot nang mga mata niya.










"So sorry best but me and narrah are classmate, you have to go to your room now or you're going to be late!"Nangangasar na sabi ni mia kay brei, di mapinta ang mukha ni brie na humalukipkip bago bumaling sa akin.











Parehas kami na ABM ang kinuha na strand pero magkaiba ang classroom namin, parehas kami ni mia ng classroom, sa iba kasi nakaasign si brei dahil yata sa personal reason niya, sana nga ay dito na lang siya sa amin para magkasama kaming tatlo sa iisang classroom, mas masaya iyon, diba?











"Alis na ako! H'wag kang masyadong dumikit kay mia baka mahawa ka sa kanya, ang ganda mo pa na naman"Nakakalokong ngumisi siya kay mia ngunit bago pa makapagsalita si mia ay mabilis siyang tumakbo paalis habang malokong tumatawa, napailing na lang ako habang may ngiti sa labi.









Napapansin ko ay mas nagiging close na sila sa isa't isa! Magandang improvement iyon! (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)









"Come back here! You idiot! Bumalik ka dito!"Nangangalaiti na sigaw ni mia, lumingon sa amin si brie at dinilaan lang siya bago tumuloy sa pagtakbo, natatawang hinawakan ko sa braso si mia at hinila siya patungo sa classroom namin.










Pagpasok namin sa classroom ay bigla kong naalala si Ms. Dion, ilang araw na wala parin siya dito... ilang araw siyang absent? Hind ko alam kung nasaan siya ngayon pero sana naman ay ayos siya, napatigil ako nang pumasok ang guro namin.










"I'm done checking your quizzes, wala si Ms. Dion so ako ang magsasabi kung sino ang pumasa o hindi, makinig kayong lahat!"Ani nang guro sa harap nang boung klase, napangiti ako nang makitang nagdadasal nang palihim si mia, halatang kabadong kabado siya.







Ayos lang naman na mababa ang score na makukuha atleast you did your best but mia? Ang napagtanto ko sa kanya ay gusto niya lagi makakuha ng matataas na score para mas mataas ang grade niya, magaling siyang sumagot kapag tinatawag siya nang mga professor sa recitation, hindi naman masama iyon sa katunayan niyan. Mas namamangha ako sa katalinuhan ni mia, ayaw niya ayaw na ayaw niya na nakakuha siya nang mababang score kaya siguro kabado siya ngayon.









Lihim akong bumuntong hininga, kung ano man ang magiging score ko ay....ayos na ayos na sa akin, eighty pataas ang pasado. Kapag nakakuha ako ng eighty pababa, delikado na ako!










"Kaunti lang ang nakapasa, maraming bumagsak, alam ko naman na nahihirapan kayo but class malapit na magend yung senior high niyo and lastly malapit na, graduating na kayo! You have to be brilliant, pasalamat kayo sa akin dahil ayaw kong hindi kayo makapagtapos!"Seryoso at masungit na sambit ni miss tia sa boung klase, lihim akong napatawa at napadapo ang tingin kay mia na hindi magawang ngumiti, napatingin ako sa kamay niya, nanginginig kasi iyon.











Di ko tuloy mapigilan na makaramdam din ng kaba.










"Oh god....lord, please save me"Bulong niya, napangiti na lang ako at binalik ang tingin sa harapan, kinakabahan din ako pero hindi sobra, kung anong score ang makuha ko ayos na, kung mababa ay pagbubutihan ko sa susunod kung mataas naman ay ganon din, susubukan ko na lamangan iyon.










Demon's Hide.Where stories live. Discover now