Chapter 30

12 1 0
                                    

Sleep over.





"Kung gusto mo, ilibre na lang kita"Pagaalok ko pero umiling siya sa akin, nahahalataan ko ang kahiyaan sa mga mata niya.








"H'wag na, nakakahiya naman sayo....ako ang lalaki dapat ako ang gumagatos"Napangiti ako, mayroon talagang kagentlemen itong si cyrus, ano? Pero kanina kung hindi ko siya nakita kanina sa parking lot ng university, alam ko na nakita niya ako pero pinili niyang tumalikod at magkunwari na hindi ako nakita.








Natutuwa nga ako at ayos na siya. "Peace offering naman iyon dahil sa nangyari, isasama natin si dairon!"Napatigil siya sa paglalakad sa hallway nang university at namutla ang mukha.








"S-si chase?"Nauutal pa siya, napakurap ako ng maraming beses. Natakot yata siya kay dairon dahil sa nangyari, sino ba naman kasi ang di matatakot kay dairon kapag galit siya? Kahit ako ay takot kapag ganon si dairon.







"Mayroon siyang sasabihin sayo, pagpasensyahan mo na siya nung nakaraan, mabit naman iyon si dairon"Pagkukumbinsi ko, umiwas siya nang tingin sa akin at tumikhim.









"Gusto ko sana kaso.... h'wag na narrah, nakakahiya....baka di niya ako gustong makita at makagulo pa ako sa inyo"Nahihiya siyang napakamot sa batok niya, bahagya akong ngumuso.









"Ano ka ba! H'wag lang mahiya sa amin, dapat nga kami ang mahiya dahil sa nangyari sa'yo....natutuwa ako at mukhang maayos ka na. Sorry ulit, ah?"











"A-ayos lang ako, wala kang dapat ipagalala..."







"Sige! Itetext ko si dairon!"Mabilis na namilog ang mga mata niya sa sinabi ko pero wala siyang magawa nang kinuha ko ang phone ko sa handbag ko at tinext si dairon, nagulat ako nang mabilis itong nagreply sa akin.











Husband:



Fine. I'll meet him later. Not now wife.




Napangiti ako. "Na-text ko na kay dairon na pumayag ka na kaya naman pupunta tayo mamaya sa garden, tayo lang ang pupunta doon dahil may ginagawa sina windy."Mas namutla siya sa sinabi ko at bahagyang kumuyom ang kamao, nangunot noo ako.




Galit ba siya? Mali ba ang sinabi ko? Baka ayaw niya, talaga! Lagot! Bakit kasi---







"Sige! Pupunta ako doon mamaya!"Lumaki ang ngiti ko sa narinig.








"Salamat naman! Akala ko talaga hindi ka pupunta, salamat sa hindi mo pagtanggi"Pumula ang mukha niya na parang kamatis.








"Can I ask you, something? Nagugulohan kasi ako..."Alinlangan pa niyang tanong sa akin, inosenteng tinignan ko naman siya, tungkol saan?







"Ano iyon? Tungkol ba sa university? Okay lang, magtanong ka lang at sasagutin ko!"Bumuntong hininga siya at hinarap ko ng tuluyan.








"Bakit ba ang close niyo ni chase? Are you related to him? He call you wife and the wife means is..."Di niya tinuloy ang sunod na sasabihin, mukhang nahihiya pa.







Para akong nanigas sa kinatatayuan, hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin at nanatiling nakatulala nakatingin sa kanya, bahagyang napaawang ang labi ko nang matapang niyang sinalubong ang tingin ko.





Demon's Hide.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora