Chapter 13

14 1 0
                                    

The first win?






Late na talaga ako!!! ミ⁠●⁠﹏⁠☉⁠ミ









"Sorry po talaga, coach..."Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya at tinatapik ang braso ko ng mahina, nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti ng kaunti pero di nawala ang seryosuhan sa mukha niya.









"Sa susunod, ayoko nang mangyari ulit ito. our team needs their assistant, understand?"Tumango ako sa kanya ng sunod sunod.










"Maraming salamat po! Next time po, pipiliin ko na h'wag malate"Tinanguan niya lang ako at seryosong lumapit sa boys na kahit hingal ay nagtatawanan halata sa mukha nila ang saya kahit puno ng pawis, napaayos silang lahat nang makita si coach na lumapit sa kanila.












Napalingon ako sa gilid ko nang may kumalabit sa akin at agad na nakita ang naniningkit na mga mata ni brie. "Saan ka pumunta, bakit late ka?"Aniya at tinaasan ako ng kilay, humaba ang nguso ko.










"Nalate ako ng gising..."Tapos di ko nakita si dairon! Pero mayroon pagkain na nasa lamesa, marunong na naman na akong magprito nang itlog at hotdogs at bacon, nagimprove na ako kaunti! Pero siya parin talaga ang nagluluto sa breakfast namin.










"Kamusta si stacey? Wala ka kahapon, tinanong ko si mia pero di niya ako nasagot kasi sobrang busy niya, kailangan niya daw maperfect yung score sa quiz niya kaya ikaw na lang daw ang tatanungin ko"Pagsasatinig niya, masyado talagang pokus si mia sa pag-aaral! Ang katulad niyang studyante ay dapat tularan!








Sinabi ko sa kanya ang boung pangyayari, pati yung kay ate snow ay sinabi ko rin. Nganga siya nang matapos kong sabihin ang lahat. "Are you kidding me?"Di makapaniwalang aniya at napailing iling, ayaw maniwala sa narinig mula sa akin.











"Di ako nagsisinungaling! Ganon nga ang nangyari"Ani ko.










"Umalis na talaga sina windy?"Nanlalaki ang mga mata niyang tanong ng makabawi sa gulat, sunod sunod akong tumango.










"Kaya nga panatag na ang loob ko na magiging ayos si stacey kasi okay na"Nakangiting sambit ko. Wala nang mananakit kay stacey, ngayon alam ko na ayos siya.









"Masaya ako sa nangyari iyan! Sana nandoon rin ako pero may importante din kasi akong ginawa kagahapon dahil ngayon na ang laban, kinakabahan nga ako e! Ang bilis nang tibok ng puso ko kahit di pa nagsisimula!"Sabay kuha niya sa kamay ko at tinapat ang palad ko sa gilid nang dibdib niya kung nasa'n ang puso niya, umawang ang labi ko.









Ang lakas nga nang tibok! Pero....mas malakas yung akin kapag malapit at nandiyan sa tabi ko si dairon, sobra ba akong kinakabahan sa kanya? Napasinghap ako, pero triple naman ang bilis ng tibok ko kapag nakikita ko na beast mode si dairon! (⁠⊙⁠_⁠◎⁠)












"I hope we will win this, game"Mahinang tumawa si brei kahit halata ang kaba sa boses niya ay mayroon akong nakikitang pananabik sa kanyang mga mata, masayang tinanguan ko siya ng sunod sunod.












"Good morning!!"Pagbabati sa akin ng boys nang makita nila ako tapos na nilang punasan ang mga mukha nila gamit ang mga panyo nila, matamis ko silang sinuklian nang ngiti.











Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon