Chapter 61

6 1 0
                                    

Warning.







"Ayos ka lang?"Marahan na tumango sa akin ang batang si divionna at ngumiti, I pouted.







Ang inosente talaga nang mukha nang batang ito, tila isa siyang anghel! Kaya agad na nahulog ang binatang iyon e, napatawa ako at tinapat ang palad sa dibdib niya, kumunot ang noo niya ngunit hindi tumutol.






"Ang puso mo, hindi ba nahihirapan?"Lumitaw ang isang magandang ngiti sa kanyang labi, kaagad na lumitaw ang dimple niya sa magkabilaang pisngi.









"Ang puso ko....nakikinig po siya sa akin, marunong po itong umintidi kung ano ang gusto kong ipahiwatid, natutuwa po ako dahil doon"May kasiyahan ang boses niya, di ko mapigilan na ngumiti dahil kahit ang daming nangyayari sa kanya nakukuha niya pang ngumiti at maging masaya, kakaiba talaga ang batang ito, napakunot ang noo ko nang hawakan niya ang kamay ko.










"Ayos po ako, wala ka po dapat ipagalala, sinabi ko po kay ate windy na ayos po ako, masaya ako sa piling ni zairus, ligtas po ako sa kanya at ramdam ko iyon"Halata nga, kitang kita ko nga sa mga mata mo e, ang batang ito! Gustong gusto niya si kuya zairus niya!











I lowered my hand and stroked her hair gently. "Gustong gusto mo talaga ang nag-alalaga sa iyo, huh?"Marahan siyang tumawa, walang alinlangan na tumango.









"Divionna....alam mo ba kung bakit tayo lang ang dalawa sa kwarto ito? Kung bakit wala si zairus at sina kuya xander? Pati ang ate windy mo?"Kami lang ang nandito dahil umalis ang mga iyon, may mga pupuntahan sila.








Si Mr. Alucard, gusto niyang makita si windy, nandito na nga si windy halatang concern sa kanya kaso hindi siya nagsasalita, ni hindi nga siya tumitingin e. Kaya ayon sa pilitan siyang kinarga na parang bigas ni Mr. Alucard, si keifer at zion may ginagawa silang lahat, si zairus naman pumunta sa malapit na market dito.









"Hindi po..."Umiling siya sa akin at tumingin sa labas ng bintana, hinihintay niya yata ang pagbabalik ni zairus, hindi siya mapalagay kapag wala ang tagapagligtas niya, huh? Senenyasan ko siyang tumingin sa akin at nagugulohan niya naman iyon sinunod






"Nakasuot ka na po nang uniporme, papasok ka na po ba sa iyong paaralan?"Nakangiting wika nya, napakagat ako nang ibabang labi, pinipigilan ang sariling kurutin ang malambot niyang pisngi.






"Tama ka, papasok ako mamaya sa paaralan ko hinihintay ko lang ang kapatid mo pati sila kuya"Inosenteng tumango siya at marahan na ngumiti, ang cute talaga niya!! Kapag may baby na kami ni dairon gusto ko kasing cute niya! (⁠ʃ⁠ƪ⁠^⁠3⁠^⁠)







Namula ang mukha ko sa naisip."Bakit ka po namumula?"Inosenteng sinundot niya ang pisngi ko, Natatawang umiling ako, imagining that I have a child with him feels so good!








"May nalaman ako kagahapon lang, may gustong pumatay sa iyo, alam mo ba iyon?"Wala akong nakitang gulat sa mukha niya, nanatili lang siya nakikinig sa akin at nakangiti.











Napabuntong hininga ako dahil parang sanay na sanay siya."Alam ko po ang tungkol sa bagay na iyon, ganon din nga po ang tinatanong sa akin ni zairus kaya sanay na po ako"Kung ganon alam niya, ang batang ito....paano niya nagagawang ngumiti sa akin na parang walang nangyari?







Demon's Hide.Where stories live. Discover now