Business to mind.
Nagmulat ako nang paningin nang maramdaman ko ang pagkauhaw, inaantok akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama ko at nakaramdam pa nang kaunting hilo, napahawak ako sa ulo ko at kumunot noo.
Nagtataka kong tinignan ang bintana ko, bakit parang ang ingay? Naglakad ako patungo doon at binuksan kaunti, napaawang ang labi ko nang makitang sobrang lakas nang ulan at sobrang dilim din, agad ko na sinarado ulit yon at humikab.
Tahimik akong pumunta sa baba para uminom nang tubig napatigil lang ako nang madaanan ko ang kwarto ni hubby, nandito parin naman yata siya? Umuulan kaya sigurado ako na hindi siya umalis.
Hawak ko ang isang baso nang buksan ko ang refrigerator para kumuha nang tubig, muntikan ko iyon mabitawan nang malakas na kumulog, binilisan ko ang paginom ko para makapunta na agad sa kwarto ko.
Aakyat na sana ako ulit sa kwarto ko nang biglang tumunog ang doorbell, nagtatakang lumingon ako sa pintuan nang bahay. Sino ang nasa labas sa ganitong oras? Napasinghap ako, umalis parin siya kahit malakas na ang ulan? Siguro naman ay may dala siyang payong, ano?
Lakad takbo akong naglakad patungo sa pintuan at walang sabi sabing binuksan ito, mabilis na bumungad sa akin si keifer at si xander na basa rin at hawak nila si dairon sa magkabilaang braso nito, kahit matangkad at malaki rin ang pangangatawan nila ay parang hirap na hirap sila kay dairon na ngayon ay nasa harapan ko at tila wala sa realidad.
"A-anong nangyari?"Nagtatakang tanong ko, inis na sininghalan ako ni keifer at binitawan si dairon at si xander din dahilan kung bakit nabulog sa bisig ko si dairon, buti na lang at mahigpit ang hawak ko kay dairon pero ang bigat! (ᗒᗩᗕ)
Basang basa siya kaya sigurado akong nababasa na rin ng pajama ko sa kanya! Ano bang ginagawa niya pa sa labas at lumabas pa siya?
"Ikaw na bahala sa asawa mo narrah, trabaho mo naman 'yan"Ani xander at ngumiti sa akin ng tipid.
"Sandali! Bakit may sugat na naman kayo? Di nyo pa ba yan pinapagamot? Bakit parang nadagdagan lang?"Kunot noong tanong ko, hinawakan nilang dalawa ang mukha nila at ngumiwi sa akin.
"It's nothing narrah, see ya! Alis na kami, bye!"Tapos sabay nila akong pinagsaraduhan nang pintuan, naiwan akong tulala sa kanila habang hawak hawak si dairon sa mga braso.
Napaatras ako kaunti ang mabigatan, di talaga nila ako tinulongan!
Gulong gulo kong tinignan si dairon, sumalubong ang kilay ko nang makitang may sugat na naman siya, sa gilid nang labi at may roong sugat sa kilay niya at sa gitna nang matangos niyang ilong, natigilan ako nang imulat niya ang mga mata niya kaunti at nagsalubong ang kilay.
May malaki pa siyang sugat sa kanan ng kanyang pisngi, napalunok siya ng maramdaman na tumagal ang tingin ko sa kanya at dahan dahan akong nilayuan pero di ko siya hinayaan, nagulat sya sa ginawa kong mahigpit na paghawak sa braso niya, bumuntong hininga ako ng malalim, malalaki ang mga sugat nila! At hindi nila iyon ginagamot! Hinahayaan lang nila! Paano kapag nagkaroon sila ng infection?!
"Bakit? Ano bang ginawa n'yo? Gabi na at umuulan, bakit lumabas parin kayo?"Naiinis kong turan sa kanya, he sighed deeply.
"That's not your business to mind..."He coldy said, inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya at dahan dahan na naglakad patungo sa sofa, inalis niya ang suot niyang leather jacket at ang white sando niya bago umupo doon.
BINABASA MO ANG
Demon's Hide.
RomanceSweet, innocent, intellegent beautiful girl, that's what everyone usually thinks of that girl, zearillian liancross is the only child and because she is alone, she likes to make friends, she almost perfect. She's kind, heartwarming person and she's...