Chapter 87

8 2 0
                                    

Gifts.

Kaya pala panay ang tanong sa akin ni captain kung anong meron pero bukas?!


"Ano naman legaro ang ibibigay ko sa kanya?! Hindi naman ako pwedeng lumabas sa village, sandali alam ba ni stacey?"Takang tanong ko sa sarili ko, kaya pala kagahapon panay ang tanong sa akin ni captain kasi birthday niya!! Tumingin ako sa pintuan sa kwarto ko.




"Hindi ako pwedeng lumabas sa kwarto ko dahil sa ginawa ko, parusa ito sa akin"Nakasimangot na sambit ko, tumalon ako nang higa sa kama ko at napakagat ng ibabang labi.




"Ano naman ang ireregalo ko sa kanya? Ang hirap naman maghanap ng ireregalo hindi ko pa naman alam iyong regalo niya, matawagan nga si stacey"Tumango tango ako at kinuha ang cellphone para sana tawagan si stacey kaso inunahan niya na ako, napangiti ako at sinagot iyon.


"Birthday na bukas ni liander!!"Kaagad na salubong niya sa akin, napatawa ako ng kaunti.

"Alam ko!"Nabigla siya sa sinabi ko at hindi nagsalita ng ilang segundo.

"How did you know? Sinabi sayo ni liander!"Tanong niya sa akin, napailing naman ako.

"Hindi, nalaman ko kina xander, panay tanong sa akin ni liander kagahapon tungkol sa mangyayari bukas kaso hindi ko naman talaga alam na iyon ang magiging birthday niya"Talaga naman kasi na hindi ko alam e, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Mia and brei alam na nila, they already have a gift for liander!"Ngumawa siya kaya napalayo ko ang cellphone ko sa tainga.

"While me, I am the girlfriend pero hindi ko alam kung kailan ang birthday niya kung anong gusto niyang regalo, anong gagawin ko?!"Umiiyak niyang sabi, napangiti na lang ako at nilibot ang paningin sa kwarto ko, let's draw.

"Meron na akong regalo!"Napakasayang sabi ko narinig ko ang pagtigil niya sa pag ngawa niya sa akin, napatawa na lang ako.

"What? Bakit ang bilis mong kumuha ng ideya kung anong ireregalo mo, sabihin mo sa akin ireregalo mo ayon na rin ang ireregalo ko sa kanya"Napatawa ako ng malakas.

"Iguguhit ko siya tapos ipa-frame ko, hindi mo pwedeng kupyahin ang ireregalo ko, tanongin mo sa kanya kung anong gusto niyang regalo, sige.... mamaya na lang ulit gagawin ko pa ang gift ko para sa kanya"Nakangiting sabi ko sabay baba ng tawag, napahinga ako ng malalim at pumunta sa study table. Malalim akong huminga at umupo sa upuan.

Hindi naman ako yata papayagan ni zion na pumunta kina captain dahil sa ginawa ko, hindi na nga ako pwedeng lumabas ng kwarto ko ngayon, napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi sinasadya na napabaling sa canvas ni dairon....na ginuhit ko.


Napangiti ako. "Ano na kaya ang ginagawa mo ngayon?"Tanong ko habang nakatingin sa kanya, hindi sya nakangiti, sa guhit ko ay malamig ang tingin niya at talagang nakakatakot nakatingin ang mga mata niya pero di ko parin maiwasan na malunod doon. Napailing na lang ako, sana mapanaginipan ko ulit siya....yung katulad dati, yung parang totoo.


"Bukas, alam ko na may roon na naman darating, kung nasaan ka ngayon hubby, alagaan mo ang sarili mo dahil wala ako dyan para gawin iyon sa'yo"Nakangiting sambit ko sa kanyang larawan, naginit ang dalawang sulok ng aking mga mata.


"Ganon din ako, pinapangako na proprotektahan ko ang sarili ko, pinangako ko na iyon sayo noon pa"Napababa ang tingin ko sa phone ko at binuksan iyon, cheneck ko kung may roon siyang text, I was hoping....I was hoping that he texted me.





Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon