chapter 1

563 53 27
                                    

Hindi pa rin talaga ako sigurado sa kukuhanin kong pangarap, bakit kasi wala sa strand na pagpipilian ang pag aaral sa mga poging lalaki.

Buti pa nga 'tong sina Solaine ay alam na ang mga strand at kursong kukunin, isa pa gustuhin ko man ang ibang pangarap, pero wala akong ganung pera para tustusan yun.

Nakakainis nga lang at isa pa akong bobong hotdog na 'di makasama sama sa scholar, oo sabihin na nating tinutulungan ako palagi ng mga 'yon pero 'di pwedeng sakanila ko nalang iasa ang lahat. Bakit ba kasi ganda lang ang biniyaya mo saakin, lord?

I like it 'pag naaasar ko sila, si anya ang pinaka close ko sa kanilang lahat but I don't have favoritsm, ang sarap kasi ni anya asarin.

Buti nga't napabilang ako sa circle of friends na ganito eh, ibang iba sa mga mayayaman.

"Plea, cafeteria tayo?" Pag aaya ni sol, magkalayo ang upuan namin kaya tuwing recess at uwian lang kami nakakapag usap, kung minsan ay tuwing pasukan. 'Pag 'di kami late

"Ikaw nalang siguro muna, sol, busog pa ako." Ani ko dito. But honestly hindi pa ako nag b-breakfast, eh anong gagawin ko? Baka 'pag ginastos ko ang perang binayad saakin sa nilabada ko kagabi ay wala namang makain ang kapatid ko.

Sino pa nga ba ang aasahan? Inabandona na kami ng walang kwenta naming tatay, at isa pa si mama? Sugal na ang buhay niya, 'Pag ako talaga yumaman balang araw, iaalis ko si aida sa magulong lugar na 'yon. Ititira ko sya sa mamahaling subdivision.

"Hali kana, kain tayoooo." Pilit niya akong hinihika patayo.

Kinukwenta ko sa isip ko ang pwede kong ibawas sa budget namin, mahal pa naman ang mga paninda dito, okay na siguro kung babawas ako ng 70pesos, ang kulit kasi ni solaine!

"What do you want? You need a heavy meal." Ani nito ng makaupo kami sa isang table

"Heavy meal, eh ang gaan na nga ng bulsa ko." Pagbibiro ko dito.

"Sira, pumili kana porket 'di ka pinili eh."

"Ito nalang, busog pa naman ako." Paturo ko sa isang pagkain, not familiar pero ayun ang pinaka mura eh.

"Baliw, sinong mabubusog sa marsmallow?" Tawa nito, hinampas niya pa ng mahina ang balikat ko.

Marshmallow pala yun parang 'di naman, akala ko tinapay kasi isang malaking hugis tinapay eh.

"Ako nalang mag de-desisyon."

"Huy, baka mahal yan ah-"

"Ikaw ba mag babayad?" Pag papahinto niya saakin.

After a long seconds ay dala-dala nya na ang tray ng pagkain.

"Dami naman niyan, sol." Ani ko dito ng ilapag nya ang pagkain

"Alam kong 'di kapa nag aalmusal, eh, kumain kana."

Binigay nya saakin ang dalawang burger at isang juice, binigay nya din ang marsmallow na tinuturo ko kanina.

"Lunch tayo mamaya ha." Ani nito bago pa bumalik sa upuan niya, nasa room na kami.

"Gastos mo." Pinangusuan ko sya.

"Hindi mo na kailangang ihatid ako, babae." Ani ko sakanya ng makarating kami sa iskinita namin

"Kaya ko naman, at baka mamaya ay mapag tripan kapa 'pag ikaw lang ang magdrive mag isa, alam mo naman ang lugar na ito."

nag aalala lang ako sakanya, grabe na ang mga ginagawa saakin ni sol, she really want to help me at parang wala lang sakanya ang mga perang inilalabas nya.

"Reklamador ka talaga!" Muli nitong hinampas ng mahina ang balikat ko.

"Ewan ko sayo, oh sya magiingat ka."Ani ko ng makababa sa sasakyan niya

"Tss, sila ang mag iingat saakin."Kumindat pa ito

Nginitian kolang sya at dumiretso na sa pagmamaneho, malayo layo pa ng kaunti dito ang bahay namin, medyo looban pa 'yon.

Delikado nga ang lugar na ito, dahil madaming nagtatakbuhan dito, nag sasaksakan at kahit mga kabataan ay natututo ng mag rugby sa daan. Hays pag ako talaga yumaman.

Malayo palang ay naririnig ko na ang iyak ni aida, mag aala-sais na dahil sinamahan ko pa si solaine bumili ng mga kailangan niya sa condo niya.

Bigla akong napatakbo ng mabilis sa bahay dahil sa iyak ng kapatid ko.

"Aida" Pagtawag ko sakanya ng makapasok ako sa bahay, hingal na hingal

"Ate" umiiyak padin ito, lumapit ako sakanya at lumuhod para maging kapantay nya

"Bakit ka umiiyak?" Hinahagod ko ang likod nya at pinupunasan ang luha.

"Gutom na ako, ate. Iniwan ako ni mama"patuloy padin ito sa pag hagulgol

"Asan si mama?" Tanong ko dito

"Card."

Nagsusugal nanaman si mama, walang bago ganito at ganito nalang ang nadadatnan ko, naaawa ako ng lubos sa kapatid ko, habang masarap ang kinakain ko sa school ay nagugutoman naman ang kapatid ko dito, kahit nga pag ligo ay 'di inaasikaso.

Matapos kong liguan ang kapatid ko ay bumili lang ako ng lutong ulam, hindi ko alam kung saan nanaman ako kukuha ng pamasahe ko bukas, sana nga lang ay matapos ko ang labahin ngayong gabi, para maihatid ko na bukas ng maaga sa may ari.

Pinatulog ko na si aida matapos liguan at pakainin, naaawa ako sa kapatid ko, kusang tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang anghel na natutulog.

"Pasensya kana, Aida. Nadamay ka sa kagagawan ng nanay natin." Bulong ko dito matapos halikan ang noo.

Kapatid ko lang sa ina si aida, ang tatay nya ay naging costumer ni mama dati, isang british na traveler. Binayaran niya lang si mama ng 25,000 ng malamang buntis ito, at umalis na sa bansa dahil kasal ito.

Tumungo na ako sa labahan sa likuran, madami ito. Mayroon pa ngang mga assignments, mangongopya nalang siguro ako kay solaine, mas kailangan ko 'tong unahin, para maiwanan ko ng pagkain bukas ang kapatid ko.

Masakit na ang likod ko, gusto na pumikit ng mata ko dahil sa antok, eh sobrang dami pa nito.

"Oh ang galing galing mong sumayaw~~~~" bigla akong natigilan sa pagkukusot ng marinig ko ang boses ni mama, lasing nanaman sya.

Pinuntahan ko na ito dahil baka ang kapatid ko pa ang guluhin niya, mahilig pa naman manakit si mama kapag nakainom ito.

"Ma."

"Oh, plea...." Sigaw nito

Pinuntahan ko ito para akayin na humiga sa mahabang upuan, nasa kwarto si aida. Iisa lang ang kwartong mayroon kami.

"Walang kwentang mga Tao! Tangina nito ni Belen, dinuga ako sa tongits!"sigaw pa nito.

"Ma, hindi mo man lang inasikaso si aida, hindi pa lala nanananghalian ang bata." Pakikipag usap ko kay mama habang pinupunasan ito ng malamig na tubig sa ulo pang tanggal amats

"Wala kang pakielam, patayin ko pa 'yang bata na 'yan eh!" Sigaw nito, tinulak ako nito gawa ng pagtapon saakin ng tubig na nasa palanggana.

Hindi ko na dinugtungan pa dahil lalong lalaki lang.

Bata palang si aida at hindi na sya matanggap ni mama, katunayan dalawang buwan palang itong si aida at iniiwan na sya ni mama saakin.

Bumalik na ako sa likod para tapusin ang paglalaba, gusto ko ng matulog, napapagod na ako.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now