Chapter 34

186 18 0
                                    

"Hoy mga bading anong plano niyo sa vacation?" Tanong ni Anya, naglalakad kami papunta sa isang mall. Walang nagdala ng sasakyan dahil gusto raw nilang makalanghap ng sariwang hangin. NO! ANG NALALANGHAP NAMIN NGAYON AY USOK NG SASAKYAN.

"Hindi ko alam, eh," Pag kibit balikat ko.

"Ikaw ba, Sol?"  Tanong ni Anya rito.

Tahimik lang si Solaine, "Sol?" Pag tawag sakanya ni Kai.

"Ha?" Nagulat sya at balisang nagtanong.

"We said what's your plan on this coming vacation?" Paulit ni Anya

"Uhm... Bahay lang siguro, baka may workshop din kami sa journ, I dont know." Wala sa mood nyabg sagot.

Kalaunan ay nakapunta na kami sa mall, may bagong bukas kasing foodcourt dito.

Nagpaalam ang dalawa na bibili lang daw nang makikita nilang pagkain, malaki ang area na'to, medyo crowded pero sobrang laki ng space.

Kanina pa tahimik si Solaine kaya nung sinubukan ko siyang tawagin ay muli nanaman syang nabalisa, wala sa katinuan.

"Umiyak ka magdamag?" Pag puna ko sa mata niya, halata ang pagka pula at parang tamlay na tamlay.

"Ha? hindi...puyat lang." Ngumiti pa ito

Mag-iisang taon na rin simula nang maghiwalay sila ni Mab, minsan maganda ang mood niya at nakakairita talaga sa lakas mangtrip, pero mas madalas s'yang malungkot. Aww, our strong girl is crying over the  useless guy.

Bumalik na sila at sobrang daming dalang pagkain na nakalagay sa tray

"Ang dami naman niyan," Ani ko habang tinutulungan silang ibaba ang pagkain sa lamesa

"Masarap, eh," Si Kai.

"Oh, Sol, we bought an ice cream, eat this! ice cream will make you happy,"Pag abot ni Kai kay Solaine.

We're not eating the jumbo burger and fries, ice cream at meron pang stake, sosyal na food court!

"Baka tumaba na ako nito," Pabiro ko sakanila nang matapos kaming kumain

"Ganda mo naman," Si Anya,

"Alam ko," I smirked.

"Kai, Ganda mo." Pag tuloy niya sa sinasabi niya kanina, akala ko ako na ang sinasabihan niya.

Bumalik na ang ngiti ni Solaine, thet're right ice cream make us calm. Marami siyang kwento at sobrang mapang-asar na.

"Bye, guys! See you," Paalam nila.

Nagsabi ako na magpapaiwan muna ako dahil may bibilhin pa ako, gabi na rin at may kani kanila na silang ginagawa.

Nag-ikot ikot ako ngunit wala naman akong nagustuhan, sobrang daming magagandang bagay dito pero wala akong nabili. Palabas na sana ako nang may mahagip ang mata ko

"Mama," Bulong ko sa sarili.

Nakita ko ang isang babae, hindi! wangis talaga ni mama, may hawak na map at may tulak tulak na trashcan, hindi ako pwedeng magkamali. Naiiba ang mukha niya sa lahat.

Hinabol ko ang babaeng yun ngunit nagdadagsaan na ang mga tao, "Ma, mams Precy!" Sigaw ko habang nakikipag patintero sa mga tao, hanggang sa marating ko ang kinaroroonan niya kanina ngunit wala na siya rito.

Buong gabi na bumagabag saakin iyon, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip, She's working as a janitress? Hindi ako puwedeng magkamali, sya ang nakita ko. Ma

Bigla tuloy akong nanabik sakanya, ang aga aga ay para na akong binagsakan ng mundo sa kalungkutan. Namimiss ko na ang pabaya kong ina, siguro ay miss niya na rin kami.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now