Chapter 11

223 28 0
                                    

"Bakit hindi mo sinabi saakin ito, Plea?" bungad ni Caelus ng makarating sa hospital

"Bakit kailangan mong malaman?"Agaran kong titig dito.

Wala akong makitang dahilan para ipaalam sakanya ang lahat, buwan ko na rin syang iniiwasan hindi pa ba malinaw sakanya na ayokong makita o maramdaman ang presensya nya?

Nakita ko ang pagtaas baba ng lagukan niya, bigla nalang siyang napatigil at napatitig saakin. Tinitignan ko siya ng kung paano niya ako tignan.

"Come on, Plea, we have a problem? Bakit bigla ka nalang naging ganyan, ano bang dahilan?" Mababa pa sa pinakamababa ang boses niya, sobrang kalmado nito at kahit anong oras ay pakiramdam ko na rurupok ako.

"Wala." Maiksi kong tugon at iniwas ang tingin, lumakad ako paabante para hindi ko sya mapantayan.

"Plea, Just tell me-"

"Bakit ba lahat ng bagay ay kailangan mo ng rason? Hindi ba pwedeng ginagawa ko lang ito para sa sarili ko?" Hindi ko napigilan ang paglakas ng boses ko

Nandito kami sa may hallway ng hospital, mabuti nalang ay walang masyadong dumadaan na tao.

"Dahil hindi ko alam kung bakit ka nag kakaganyan, you need to think the others feelings, Plea, hindi yung bigla bigla kanalang iiwas na para bang may nagawa akong mali."

Natigilan ako at dahan dahang nilingon ang ulo para pumaharap sakanya, nakita ko ang pag gulo ng malambot na kulot niyang buhok, kita ko rin ang pressure sakanyang hitsura.

"Wala kang nagawang mali, Caelus."Mahina kong sambit dito

"Then why are you fucking ignoring me-"

"Dahil baka ako ang may magawa!"Pag putol ko rito.

Gusto kong ipaliwanag sakanya ngunit hindi ko kayang diretsuhin, pakiramdam ko ay may kung anong bara sa lalamunan ko kaya hindi ko masabi ang pinaka pinupunto nito.

"You know, Plea, I'm so fucking bothered. Pwede bang diretsuhin mo nalang ako, bakit mo ginagawa 'to?"Muli siyang kumalma

Napayuko nalang ako at walang balak sagutin ang walang kwenta niyang tanong, bakit ba kailangan kong magpaliwanag sakanya? bakit ba kailangan kong ipaliwanag ang nararamdaman ko? Bakit ba sya interesado?

"Please, Plea. Answer me." He begging.

"Natatakot ako..." Mahina kong ani ngunit sapat na yon para marinig niya

"Are you... Scared, what?" Rinig ko parin ang pag kagulo sa boses niya

"Natatakot ako, Caelus. Natatakot ako na baka bigla nalang lumala ang nararamdaman ko sayo kung patuloy akong mananatili sa tabi mo, natatakot ako."

Wala akong maisip na rason kung bakit ganun nalang ang pag sunod sunod na tulo ng luha sa mga mata ko.

"Natatakot kabang magustuhan ako?"

Umiling ako "Hindi kita gusto lang, Caelus. Mahal na kita." Pag tingin ko sa mga mata niya

Ramdam ko ang panlalambot niya, agresibong gumalaw din ang mga labi niya at inilinga linga ang tingin.

"Mahal na kita, Caelus. at mali yon, maling mahalin ka."

Sa wakas nasabi ko na ang bumabagabag saakin, ngunit bakit parang hindi pa rin naibsan ang bigat ng puso ko.

Nakita kong humkabang ito papalapit saakin, wala na sa isang hakbang ang pagitan namin. Naramdaman ko nalang na ang hinlalaki niya ay nakalagay na sa daanan ko ng luha. He's wiping my tears.

"Why are you scared of loving me? Ang kalakasan ko nga'y mahalin mo, ngunit ang syang kalakasan ko pala'y kinakatakutan mo." Bumiak ang boses nito.

Natigilan ako sa narinig ko, isa lang ba itong illusion o sinasadya nya akong laruin? Ganito ba talaga kapag mayayaman?

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now