Chapter 31

200 19 0
                                    

"Cheers!" The four of us are drinking here in BGC.

Nakauwi na kami sa Manila, nag transferred si Anya, sobrang bilis lang ng proseso dahil matatapos na rin naman ang second sem.

Simula nung muli kaming magkita kita ay hindi pa rin namin napag-uusapan ang tungkol kay Caelus at sa nangyari sa pinanggalingan kong hospital.

Ngunit alam ko na ang pinupunto nila sa putol putol na usapan, alam ko naman nung una palang ay hindi na ako nagustuhan ng mommy ni Caelus and I can't blame her, bukod sa mahirap ako ay sobang dumi rin ng imahe ko sakanila. I understand her iniisip lang nila ang kinabukasan ng nag-iisa nilang anak.

"Oh, ayan na pala ang Prince Charming mo." Pang-aasar ni Anya

Nakita ko si Denver na kakapasok palang , siguro ay kami ang hinahanap niya. Tinaas ko ang kamay ko upang maagaw ang atensyon niya, tumingin naman sya sa gawi namin at ngumiti.

"Sayng, kung hindi naputol ang lovestory ninyo ni atty, edi may lawyer kana ngayon." Mahina akong hinampas ni Solaine sa braso.

"Gaga," Tawa ko.

"Goodevening, attorney!" Mapang asar na bati ng tatlo sakanila.

"Hi, gurls!" Ngiti naman ni Denver.

Tumatawa lang ako dahil sobrang trying hard nilang tatlo na maasar ako.

"Hi, Plea, Sobrang ganda mo sa suot mo." Mahina niyang ani.

Hindi ko alam bigla nalang akong nabulunan eh tubig na nga ang iniinom ko, natagalan tuloy ako sa pag ubo haggang sa nag madali silang bigyan ako ng tissue.

"Kalma lang," Si Kai. "Kinikilig ka agad, eh" Pang aasar pa nito.

"Sira, nasamid lang ako!" Di pa rin ako maka recover.

Paano ba naman kasi, anong maganda sa suot ko eh madalas akong mag ganito? nakita nya na nga ata akong nakasuot ng ganio nung costumer ko palang sya sa club. Im just wearing a black semi tube top and black fitted skirt pang partner.

"Huwag ka ngang ganyan," hinampas ko abg braso nito. "Alam ko namang maganda ako, pero wag ka namang ganyan." Ani ko pa

Nakita ko naman ang pag silip ng ngiti sa labi niya, ang pogi niya rin sa suot niya ngayon, ha. Gray T-shirt and slacks halatang hindi pa sya nakakauwi sakanila.

"Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong ko, hindi naman sya nahuli ng sobrang tagal, tinanong ko lang para may masabi ako.

"May tinapos lang na case study, sorry." nagpakita pa sya ng peace sign kaya hinampas ko nanaman ang matigas nyang braso.

7pm kami pumunta rito at mag aalas diez na, sobrang saya ng gabi na 'to. kung sino-sino na ang nilalaplap ni Solaine roon porket broken! si Anya naman ay sayaw ng sayaw sa dance floor eh parehas namang kaliwa ang paa, ang bilis talaga malasing ni Kai, ayun nasa sahig na katapat ng couch tulog!

"Nakakarami kana ata, Plea." puna ni Denver nang makita niyang nagbukas nanaman ako ng beer, lagpas apat na case na ang naiinom namin hindi ko rin alam kung paano nangyari yun.

"Hindi pa ako lasing, laklak lang nang laklak haggang hindi pa bumabagsak!" Pag sigaw ko, at sinabayan ang kanta.

Sandaling tumahimik si Denver, hindi siya masyadong nagpapakalasing dahil baka maaga pa sya bukas at marami pang tatapusing case study.

"Hindi ka ata masyadong umiinom ngayon, may gagawin ka pa ba bukas? pwede ka nang mauna." Ani ko rito sabay laklak ng bote

Nakita ko ang pag iling niya, "Ayoko lang magpakalasing, para mahatid kita ng ligtas sainyo." Mahina niyang ani.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now