Chapter 33

200 21 0
                                    

Sobrang nakakapagod na weekdays yun sumabay pa ang mga thesis na alam kong papatay saakin.

"Ate, pupunta po ako kina ate Anya, magpapaturo lang sa drawing," Si Aida.

Pumayag na ako dahil baka pag ako pa ang tumulong sakanya ay lalong pumangit ang drawing niya, susunduin daw sya ni Anya dahil may gagawin din si Anya na thesis sakanila. Sana nga ay hindi magkulit si Aida

Wala si daddy nasa hospital sobrang gulo raw sa hospital ngayon at ang daming patient, kailagang kailangan siya. Si mommy naman ay nasa firm dahil marami daw cases na dumating.

Habang ako nakahilata lang dito sa bahay, feeling bored eh sobrang daming tatapusin, may apat na essays pa akong gagawin sa iisang subject lang pero pa chill chill pa ako.

Nag-open ako ng social media accounts at aakma na sanang mag post at magkalat ‘Ang boring😩😩’ hindi ko pa man napopost yun ay biglang tumawag si daddy.

Daddy is calling...

[Hi, sorry for disturbing you..] pabungad ng lalaki ngunit hindi si daddy 'to at halatang busy at nagkakagulo na sa hospital.

"Sino po ito? bakit nasainyo ang cellphone ni daddy?" kinakabahan kong tanong.

"Si Doc. Richmond ay nasa emergency room, hindi namin macontact si atty. Melissa,"

Hindi ko pa man naibababa ang tawag ay mabilisan na akong tumayo at nagbihis, sinarado ko lang ang bahay. Ginamit ko na ang sasakyan dito para mabilis na makarating sa hospital. Mabuti nalang ay lumabas na last month ang lisensya ko.

Maingay na ang kalsada kakabusina ko, meron pa ngang sumisigaw na sa labas dahil daw sa ingay ng busina, binuksan kolang ang binatana at nilabasan nila ng middle finger.

Pagkarating ko sa hospital ay entrance palang marami na ang tao, hindi ganun kabilis ang pag pasok ko ss loob dahil kalat ang tao.

"Where's dad?" Tanong. ko sa unang doctor na nakasalubong ko.

"Please lang, Ms, huwag ka munang makisabay sa dami ng tao, pare-parehas lang kayong gustong makauwi na, hanapin mo nalang sa mga nakahiga riyan ang tatay mo."Pasigaw na sabi nito

Kumulo ang dugo ko dahil sa mga sinabi niya, pinanlisikan ko sya ng tingin at hinawakan ang kwelyo ng uniporme "I said, where's my dad?!"Madiin kong sigaw dito.

"Irereklamo kita! sino ba yang tatay mo?!" sigaw din nito pabalik.

Mas lalong humigpit ang paghawak ko sa kwelyo niya nang aakma nang sagutin sya ay bigla akong tinawag.

"Pleaa..."Mahinang tawag ni daddy, kita ko ito sa isang bed sa e.r at nakaupo na

Binalikan ko nang tingin ang lalaking kaharap ko ngayon na para bang nakakita ng multo, biglaan kong binitawan ang kwelyo niya at tumungo sa gawi ni daddy

"Ano pong nangyari sainyo?" Tanong ko kay daddy nang makaupo sa tabi niya.

"Ayos na ako, sobrang daming tao lang sakanila at siguro sa init.."Mahina parin ang bosed niya

Tinignan ko ang mga tao na padaan daan, mga umiiyak at nanghihingi ng tulong. Malaki ang hospital na ito at maraming doctors and nurses, pero sobrang dami naman ng mga tao.

"Kailangan niyo po ba ng tulong?"Hindi ko alam kung ano ang nagtulak saskin para itanong ang bagay na iyon, hindi pa ako licensed doctor at isa pa pyschology ang tinetake ko.

"Gustuhin ko mang patulungin ka, Honey, pero paano? bawal kang gumalaw ng pasyente kung hindi ka isang ganap na mangagamot." ani nito

Bigla tuloy akong sumimangot, naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng umiiyak.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now