Chapter 35

196 20 0
                                    

Nanginginig parin ako at parang hindi na magawang bumitaw sa pagkakayakap ni mama,

"Akala ko....akala ko tuluyan niyo na akong iniwan...Sorry, anak," Pag tangis nito.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sakanya, matangkad ako kay mama kaya hinalikan ko ang noo nito.

"Hindi ka namin iiwan, ma," Ani ko

Biglang nanumbalik ang mga masasakit na alaala, paghihirap at pagsasawalang bahala saamin ni mama, ngunit nangibabaw ang pagmamahal ko sakaniya.

"Patawarin mo ako-"

"Matagal na kitang napatawad ma," I held her cheecks "Uwi na tayo, ipapakilala kita kina daddy," Pinunasan ko ang luha nitp

Nakita ko ang gulat sa mukha nito, natigilan, natuyo ang luha sa pisngi.

"Daddy?" Nagtataka nitong tanong

"Oo, ma, ang kumupkop saamin ni Aida, ang tumulong saakin,"Paliwanag ko

"Si Aida? Si Aida, ang bunso ko!"Muli itong yumakap saakin, "Si Airees,"Hindi pa rin natatanggal ang saya saa hitsura nya

Kumain muna kami ni mama kasama si ate Evelyn sa isang restaurant, naikwento niya saakin ang naging buhay niya noon. Kitang kita ko ang pag sisisi ni mama

"Narealize ko lang na isa na pala akong ina, nung nawala na ang mga anak ko sa tabi ko. Noong una ay iniisip kong karma ko ito, ngunit lubos ko itong pinagsisihan." Ani nito

Naikwento niya rin na nagkaroon ng malakihang sunog sa aming lugar at nahagip ng tuluyan ang bahay namin, inaakala niya na naroon kami sa loob at natutulog. Pinilit niyang pumasok sa loob ng bahay ngunit sobrang lakas ng apoy. Bakas din ang mga paso sa mukha, balikat at iba pang parte ng katawan niya, hanggang sa inakala niyang tuluyan na kaming naging abo kasabay ng mga gamit sa loob ng bahay.

Katulad ko ay siya rin ay nawala sa katinuan, naging pagala gala sa lugar namin ang ang pangalan namin ng kapatid ko ang sigaw, hindi ko napigilan ang luha ko ng mga panahong iyon habang ikinukwento niya saakin ang nangyayari.

"Nabaliw ang mama mo, isang beses mula sa pamamalengke ay napadaan ako sa baranggay niyo at nakita ko siyang pinag titripan ng mga bata, 'Iniwan kana ng mga anak mo 'no, wala ka kasing kwentang ina.' ang sinasabi sakanya ng mga tao."Pakwento rin ni ate Evelyn.

Laking pasasalamat ko sa matandang ito dahil natulungan niya si mama, napunta sa pagamutan hanggang sa magamot si mama, ito rin ang tumulong sa mga bills kasama pa ng iba niyang kasamahan na janitress at maintenance.

"Madalas nga 'yang tumatakas sa kwarto niya dahil nakikita niya raw ang anak niya, ikaw, Plea. sa kabilang kwarto na umiiyak, humihingi ng tulong dahil sinasaktan ka ng mga doctors," Patawang ani nito.

"Baliw lang ako noon, Evelyn, huwag mo na akong ilaglag sa anak ko,"Pag tawa naman ni mama rito.

"Talagang baliw ka noon, Precy, ginawa mo pang may sakit sa utak ang anak mo," Tawa ulit nito, napuno ng tawanan banda sa lamesa namin

Habang ako ay nababalot parin ng pag-iisip, hindi kaya't tama ang sinasabi ni mama? ako ang nakatabi niya roon, ngunit malabo pero imposible.

"Saan nga pong hospital ang pinag dalhan ninyo kay mama?" Tanong ko,

"Ah sa gwakgwkagajahajaha Hospital," Hindi ko narinig ng maayos yun dahil bigla kaming narinig na nag-aaway na costumer at waaitress.

Hindi ko na pinaulit dahil baka mainis lang saakin si ate Evelyn, wala na rin namang saysay kung sakaling itanong ko pa yun at kung ako man yun ay ang mahalaga magkasama na kami.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now