Chapter 22

198 24 0
                                    

"ANO BANG NANGYAYARI SAYO, CAELUS?"

Ang aga aga kung bulyawan ako ni mommy, hindi ko na rin alam ang nangyayari saakin, all I want right now is Plea, Plea Kite.

"Don't tell me totoong may gusto ka sa babaeng prostitute na 'yon—"

"Enough na, Mom, she leave me na, oh. Kailan niyo ba bibigyan ng katahimikan si Plea?" I raised my voice

Halos araw araw nalang kasi kung pag salitaan ni mommy si Plea ng hindi maganda, wala man dito si Plea pero ang sakit para saakin 'yon.

"I think, Eloiza, We need to take Caelus on hongkong." Ani ni Dad

"What? Hindi, ayoko, Dad, Please."Nag simula na akong mag panic.

"That's what I'm thinking too, para naman hindi niya na masyadong isipin ang babaeng prosti na 'yon!" Dugtong ni mommy.

"Do what ever you want, hinding hindi ako pupunta roon! I'm not child anymore, Mom, Dad. Stop making decisions on my life." Padabog kong binitawan ang mga utensils at umakyat sa itaas.

"Haven!" Sigaw pa ni Dad.

Simula ng iwasan ako ni Plea ay hindi ko na nakitang sumaya pa ang sarili ko, she's not just a girl, she's my everything. I can do everything for her.

Hindi ko parin magawang sukuan si Plea, I know that she loves me too, itong kwarto nalang ang nag sisilbing kasiyahan ko, naka dikit sa bawat sulok ng kwadradong ito ang pictures ni Plea. Halos lahat ng makikita rito ay konektado kay Plea.

Her final grades when she was on grade 11. The towel that I used to wipe her tears nung nasa kanila kami, everything that related to her ay nasaakin pa.

Wala ring dahilan para kalimutan at sukuan ang babaeng ito, kahit na pinaparamdam niya saakin na dapat na akong mapagod.

I'm always staring her from a far, she's happy right now. Kitang kita ko ang ngiti na gumuguhit sa labi niya kapag hindi ako ang kasama niya.

Her smile make me cry.

Kung hindi kolang sana ginawa ang bagay na 'yon ay ako pa rin ang dahilan ng pag ngiti mo.

My mom already knows that she's my girlfriend. it's obvious dahil sa mga portrait niya na nasa kwarto ko. Pero ayaw sakanya ng mga magulang ko.

Hindi ko rin alam ang katotohanan sa mga paratang nila patungkol kay Plea, all I know right now ay mabuting tao siya. at kung sakaling totoo man ang sinasabi nila alam kong hindi niya kagustuhan 'yon!

"Haven, bakit hindi ka pa natutulog?"Tanong ni ate Susan, Sheila's mother na maid namin sa mansion.

"I'm doing my research, Manang." malamig kong sagot habang nakatuon pa rin sa loptop na kahit ang totoo ay nasa social media ako at iniistalk ang ibang account ni Plea. she already cut the connections that we have naka unfollow and unfriend na ako sa mga social media accounts niya.

"Kailangan mo ba ng tulong, Ijo? ipapatawag ko si Sheila," umupo ito sa tabi ko.

"Hindi na po, kaya ko na 'to. sige na Manang marami pa akong gagawin." ani ko sakanya at dumapa na sa kama.

"Wala naman siyang masyadong gagawin ngayon, hayaan mo, tatawagan ko na." inilabas nya na ang maliit niyang telepono.

"Manang, I said kaya ko na po. Mabuti pa kung si Plea ang papapuntahin ninyo, may utak at alam pa yun patungkol dito." nataasan ko ng boses si Manang ng hindi sinasadya "Wala namang alam ang anak ninyo, manira lang." Pahabol ko pa pero pabulong 'yon.

Lumabas si Manang na halata ang pag kakaba dahil sa dahan dahan niyang pag apak sa sahig, bakit ba lagi nalang nila akong itinutulak sa hindi ko gusto at sa malabo kong magustuhan.

"Haven Caelus Alejandro, anong nangyari sa grades mo? bakit bigla itong bumaba?" I'm here at my prof. faculty.

"So-sorry po, Prof."

"Ikaw pa naman ang inaasahan ng mga subject teacher na magiging representatives ng ating section, pero anong nangyari?"

"Nag ka problema lang po." nakayuko pa rin ako.

"Maaari kang mag summer class kung sakaling hindi mo mabawi ang grado mo, ipapatawag ko ang parents mo."Utos pa nito na mas ikinakaba ko.

"P-prof. 'W-wag po, w-wala na po bang iba pang paraan para tumaas ang grades ko ng hindi mag sa-summer class?" pakiki pag usap ko.

"Be thankful, Alejandro, you're one of my favorite student." umupo muli Ito sa harapan ko, "May paraan pa, pero kapag binigo mo ang section mo rito, automatic summer class at ipapatawag pa ang magulang mo."Seryoso nitong bulong.

"What?" tanong ko.

"You need to study so hard on this week, dahil ikaw ang ire-representa ko by next week sa science competition ng buong skwelahan."

Biglang napa awang ang labi ko, sobrang mahihirapan ako kung papayag ako sa kagustuhan ni sir dahil wala ni isang pumasok na lesson sa isip ko ngayong semester, at baka ikapa hamak ko pa kung sakaling hindi ako pumayag.

"Deal or not deal?" tanong pa nito.

" I will, Prof."  I sighed

Palabas na ako ng faculty na laglag ang balikat, parang sobrang pag durusa naman ang nararanasan ko sa mga oras na 'to. hindi ko rin alam kung bakit ko napabayaan ang pag aaral ko ng ganun, sobra na akong nalulong sa pag mamahal na kahit alam kong hindi ko na muling mararanasan.

I saw the girl wearing a fitted jeans on registrar kilalang kilala ko na sya sa hubog at puti ng kanyang katawan. it's Plea.

Ayoko na sana syang guluhin pa at gusto ko nalang tanggapin ang lahat, I want to give her a peace of mind because that what she deserve. But I suddenly need to go on registrar right now.

Mag aalas dose na at mag ka-cut off na MWF lang ang open ng registrar at Friday na ngayon and by next week is laban na. I need to take a form para sa mangyayaring competition.

Sa pag- iisip ko ay hindi ko namalayang nandito na pala ako sa registrar, nakita ko ang babaeng nag susulat din ng kung ano sa form sa tabi ko.

"Ano sayo, Ijo?" tanong ng registrar.

"Form for science competition po." I said but I'm still looking at this girl, I can't help falling in love whenever I see her face.

Pinapakiramdaman ko parin sya habang nag pi fill up, and naramdaman kong tapos na siya dahil sa buntong hininga nya.

"Goodluck, Ija." ani ng tao sa office.

"Maraming salamat po!" tugon naman ng malambing na boses ng babaeng ito.


Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now