Chapter 14

196 26 0
                                    

Halos lumabas na ng eyeball ko ng makita ko ang perang ito na iniwan nya, sobrang kapal at diko aakalaing ibinigay niya ito eh wala pa naman kaming ginagawa.

"Plea, Hindi kaba pupunta sa kapatid mo, Operasyon na raw ngayon!"Sigaw ng bakla.

bigla akong nahimasmasan ng marinig ko ang tungkol sa operasyon ng kapatid ko

dali dali kong inilagay ang pera sa saaking bulsa at tumayo upang mag asikaso

"Kumusta first night, nag enjoy ata costumer mo at sa couch na kayo inabot," ngiti na pag puna ni ate Jean ng makita ko itong palabas na

Ngumiti nalang ako dahil sobrang ayos lang ng una kong gabi, sana katulad niya nalang ang maging costumer ko palagi. Alam kong hindi ko na sya makikitang muli dahil nag sabi siyang ayon na ang huling gabi niyang papasok sa bar, pero ang sabi niya ay nag paalam sya, kaya aasa ako.

Sana mag salubong ulit ang landas namin upang matulungan ko siya mag hanap sa girlfriend niya bilang tulong at kabayaran na rin.

Iba pala ang bayad ng mga tao sa ma itetable nila at kay momshy grets, mabuti na rin yon na hindi na napapakeelamanan ang mga tip sa iba.

"Mauna na ako, Momsh." pag papaalam ko sa baklang amo

"Alas syete ng gabi ang toka mo, kapag na late ka ng limang minuto automatic deduct sa sasahurin mo."Paalala pa nito.

Ngumiti nalang ako at hindi na nag salita pa, sa bar na ako naligo at nag bihis dahil wala namang tubig saamin, hindi na ako nag igib sa poso dahil excited na akong puntahan ang kapatid ko.

875,000 raw ang total na babayaran namin sinama na ang kwarto ni Aida, papatak daw iyon ng 950,000 dahil private ngunit tulong na raw ng hospital iyon ni wala nga akong phil health

450,000 and dinown namin, 20,000 ang ibinigay ni momsh grets, at mag bibigay pa ako ng 50,000 ngayon. 325,000 nalang!

para akong sira na nag kukwenta sa utak, nakangiti ako ngayon na nakasakay sa taxi.

"Masaya ka ata, Ija, may date ba kayo ng boyfriend mo?" Puna saakin ni mamang driver

umiling lang ako at ngumiti, gusto ko maging good mood mag hapon

"Wala po, ang kapatid ko po kasi ay ngayon na ooperahan. puwede po bang ihinto niyo muna ako sa malapit na simbahan?" tanong ko sa driver

"Oo naman, hihilingin ko rin na maging matagumpay ang operasyon ng anghel mong kapatid." Ngiti nito saakin

Maya maya ay huminto na kami sa tapat ng malaking simbahan

"Magkano po?" tanong ko sa driver ng tanggalin na ang seatbelt

"Wag na, ija, huwag mo ng bayaran. Sana mairaos ng kapatid mo ang operasyon, sa kapatid mo nalang nakin ihiniling yan, hindi kinaya ng anak ko eh." nakita ko ang pamumula ng mata nito at ngumiti saakin.

natahimik nalang ako at napatingin sakanya, gusto kong yakapin ang estrangherong bayaning ama sa harapan ko.

"Oh sya sige na, nag drama pa ako. Mag iingat ka, ija, mauuna na ako dadalawin ko lang din ang anak ko," ngumiti ito saakin pag kababa ko

"Mag iingat po kayo, at kung nasaan man ang anak ninyo ay proud na proud yon na kayo ang naging tatay nya." pag papaalam ko naman dito.

umalis ang driver na tumatangis, sobrang swerte naman ng batang iyon sa kanyang ama, sana naranasan ko rin yon.

Dali dali akong pumasok sa simbahan, nasa gitna ako dumaan at lumuhod sa nalalapit na upuan.

Hindi ko pa man nakakausap ang panginoon ay nauna ng magsalita ang luha ko.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now