Chapter 21

194 22 0
                                    

"Ate nandito si kuya Denver, papasok na po ako," sigaw ng kapatid ko saakin.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas at unti-unti na akong nakakabangon, nag aaral ang kapatid ko sa baitang na isa. masyado na ring aware ang kapatid ko sa mga nangyayari sa paligid,

"Ako na ang mag hahatid kay Aida, Kite!" ani ni Denver.

Halos araw araw nang bumibisita si Denver sa bahay para ihatid sundo ang kapatid ko, hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sakanya,

Naglilinis ako ng kwarto dahil malapit na ang graduation ko, bumalik ako sa pag aaral.

Halos araw araw kong nakikita si Caelus, inaamin kong hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sakanya, walang araw na hindi niya ako sinusuyo pero tama lang talaga na hindi ko na palalain ang nararamdaman ko sakanya.

He don't know my address, ganun din ang number ko, wala na rin akong balita kay mama kung kamusta na siya, alam kong obligasyon kong bilang anak na protektahan siya pero hindi ko naman makita sa kanya na gusto niyang mag paprotekta.

Sa susunod na ikalawang buwan ay legality ko na, at gusto kong salubungin ang kaarawan ko na masagana. makakapag apply na rin ako sa mga trabahong edad ang requirements.

Nasa school na ako, kahit madalas akong pinag kakainitan ni Sheila ay natuto na akong umiwas sa gulo.

"Plea," Nagulat ako ng biglang sumulpot si Caelus, nakaupo ako sa waiting shed ngayon at nag rereview para sa reporting na gagawin ko ngayon.

Pilit kong iniiwasan at umaastang walang naririnig o nakikita,

"Hindi mo ba talaga ako papansinin, Plea? Ilang buwan mo na akong iniiwasan, we're still committed, Plea, huwag mo naman akong pahirapan."He begging

"Palayain mo na ako, Caelus, Mahalin mo na ang sarili mo, Sobrang daming nag kakagusto sa 'yo, na pasok na pasok sa standard ng magulang mo,"Hindi ako tumitingin sakanya.

"But they're not you."

"Yes, and I'll never be." tumingin na ako sa pag kakataong ito. "Kaya parang awa mo na, Caelus, hayaan mo na ako." tumayo ako at hinayaan na siyang nakaupo roon.

Bumalik ako sa klase ko at hindi na masyadong inintindi ang nangyayari, ganun naman araw araw, hindi ba siya napapagod na mangulit?

Ako na ang susunod na mag p-present,  Simple lang naman ang tema natin kaya napadali lang saakin 'to.

"Good Job, Serenio," Bati ng professor ko.

Ito na ang huling requirements sa philosophy at makakahinga na kami ng malalim, balak kong ipag patuloy pa rin ang pag aaral sa kolehiyo habang nag tatrabaho,

Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ng aking silid ay tumambad nanaman saakin ang hitsura ni Caelus, kung hindi ako nagkakamali ay parang kanina pa siya nag hihintay sa labas,

"Plea, Let's talk,"

Pilit ko siyang iniiwasan ngunit pilit niya ring hinaharangan ang daraanan ko,

"I will introduce you to my parents, right now,"

Napabuntong hininga nalang ako dahil ayaw niya akong tigilan, buwan na rin ang nakakalipas pero bakit hindi niya pa rin magawang kalimutan nalang ang nararamdaman niya.

"Tama na, Caelus, Tama na," tinignam ko ito sa mukha at nababasa ko ang emosyong namamayani sakanya sa mga oras na 'to,

"Give me another chance, Plea, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para ipaglaban ka sa magulang ko—"

"Once is enough, Caelus, and two is too much. Kung may balak ka palang ipaglaban ako, sana noon mo pa ginawa," nararamdaman ko nanaman ang pag biak ng boses ko, ngunit hindi na ako papayag pang pakawalan ang luhang pinipigilan ko.

"Natakot ako, inisip lang kita, Plea, na baka kapag nalaman nilang girlfriend kita ay kung ano nalang ang gawin nila sayo, baka—baka pilitin kapang iwan ako, hindi ko kakayanin 'yon," Nakita ko ang likidong gumilid sa mga mata niya

"Oh, anong nangyari, ngayon? Magkasama pa rin ba tayo matapos mong gawin yung desisyon na hindi mo man lang ako hinayaang sang-ayonan ka?" My cheeks was getting hot

"Tumigil kana, Caelus, Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo,"

Katulad ng ginawa ko kanina ay iniwan ko nalang siya basta basta sa lugar na 'yon, Aminado akong grabe na ang pananakit na ginagawa ko sakanya ngayon, ngunit mas grabeng sakit naman ang ibinigay niya saakin nung araw na 'yon, na hanggang ngayon ay hindi pa rin humihilom.

••••••••••••

"Happy birthday, Plea!" bati ng mga kaibigan ko,

"Ano ba kayo, Bukas pa ang birthday ko," pag hampas ko ng mahina sakanila.

We're here at Kai's Restaurant, gusto raw nilang mag advance celeb para sa kaarawan ko, hindi ko na rin tinutulan dahil nakakahiya naman sakanila.

Ito na ang huling araw na magiging minor ako, at pag mulat ng mga mata ko bukas ay apat na kaming nasa legal age.

Wala si Aida dito dahil kasama na naman ni Denver, Nasabi niyang nararamdaman daw ni Denver ang pagbabalik ng nawawala niyang kapatid kapag kasama niya si Aida, masyado na tuloy na i-spoiled ang bata.

"Saan ang party bukas?" Tanong ni Anya

Halos mabulunan ako dahil sa tanong niyang 'yon, hindi man lang sumagi sa isip ko na magkaroon ng party o bongga na birthday kahit na debut pa 'yon, sayang ang pera 'no, be practical!

"Wala namang party, No budget, siguro pupunta lang kami ni Aida sa simbahan and ayun na 'yon," Ani ko sakanila

"Ano kaba, Plea, minsan kalang mag debut 'no! Hayaan mo, we got you, sis,"Pag kindat pa ni Sol.

Nararamdaman ko nanaman ang binabalak nila, sabagay sobrang bo-bongga ng debut nila lalo na Kai, Nag karoon ng pool party kay Solaine at imbes sa tubig kami mag pakalunod ay nauwi pa sa alak, Nag debut naman si Kai sa mansyon lang nila. Sobrang daming mga bigating bisita, may mga artista, model at mga taga ibang bansa pang ka so-sosyo ng magulang niya sa pag nenegosyo, ang kay Anya naman ay simple lang pero sobrang ganda, marami ring tao at mga katrabaho iyon ng papa niya gayundin ang mga mang gagawa nila, Wala naman sigurong mali kung ako lang ang kakaiba.

"Kumusta na pala kayo nung president ng science club?" Tanong ni Sol,

Ang ngiting kanina pa na nasa hitsura ko at unti-unting nawala nang marinig ko ang tungkol kay Caelus.

"Ano kaba, Sol, Moving on na nga si Plea, oh!" ani ni Anya rito

"Ay may sila pala?" Umasta pang nagulat si Sol, sabagay hindi ko rin naman nakwento sakanila ang tungkol saamin ni Caelus

"Malamang, kayo lang naman ni Mab ang wala!" bulyaw pa ni Anya rito

"Hindi mo sure," Sapaw ni Kai,

Ayoko ng sabihin pa sakanila ang nangyari saamin ng mommy ni Caelus nung mga araw na 'yon, hayaan na unti-unti ko na rin namang natatanggap.

Pero kahit anong gawin ko at hindi ko pa rin matago ang nararamdaman ko kay Caelus, Mahal na Mahal ko siya at gusto kong mayakap ulit. Ngunit iniisip ko lang ang magiging buhay niya ganun din ang iisipin ng magulang niya, malay ninyo may nagkakagusto pa kay Caelus na mayaman, maganda, mabait at pasok sa standard ng magulang niya diba! Wag lang si Sheila, Aba! babalikan ko talaga si Caelus kung siya lang din naman ang magkakagusto rito!

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now