Chapter 13

217 27 0
                                    

Hindi ko alam ang dahilan, kusa nalang akong dinala ng mga paa ko sa harap ng maraming ilaw na bahay na ito. I'm standing at the front of club na sinabi kong kahit kailan ay hindi ko papasukan.

nakasuot ako ng isang madulas na sleeveless at ang suot kong pang-ibaba ay masyadong maiksi, masyado akong maganda sa gabing ito. sobrang bigat ng mga palamuti na naka sabit saakin, ganun din ang sobrang kapal na kolorete sa mukha ko.

Wala akong ibang iniisip sa pag kakataong ito kundi ang kapatid ko na nasa bingit ng kamatayan. alam kong hindi ko dapat pasukin ang ganitong trabaho dahil ito ang pinaka dahilan kung bakit ko kinasusuklaman ang ina ko.

magiging katulad niya rin pala ako...

"Plea...."

sobrang tahimik ng kapaligiran, tuwid ang aking tingin, sari't saring bulong lang ang naririnig ko

"Plea, Ija." paulit nito

Nakabalik ako sa katinuan at natagpuan nalang ng mata ko ang isang baklang nasa harapan ko, kung gaano ka sexy ang suot ko ay mas lalo naman sakanya.

"Mabuti at nakumbinsi ka rin ni mama na pumasok dito, ito ang mag papabago sa buhay ninyo ng kapatid mo," Ngiti pa nito saakin

naramdaman ko ang pag daus-os ng likuran ng kamay niya sa aking braso, kusa niya itong pinapadulas at grabe nalang ang kilabot na naramdaman ko.

"May potential ka," mapanloko nitong papuri.

bigla kong binawi ang braso ko sakanya at umatras ng isang yapak

"a-ano ba ang gagawin?" I feel nervous this time, gusto ko nalang tumakbo palayo at hindi tumuloy sa pag pasok sa impyernong ito, ngunit sobrang daming rason ang tumutulak saaking pumasok dito.

Wala na kaming kuryente, tubig at pang kain sa hospital, hindi ko na nga masyadong iniisip ang bill sa ginagawang operasyon kay Aida para hindi masyadong malula.

"Pumasok ka muna, nang makapag simula na tayo."

nauna syang pumasok sa loob, na estatwa lang ako rito sa labas at parang isang kamalian ang magagawa ko kapag nakapasok ako riyan. nilinga linga ko ang kapaligiran, may sari-sariling pinagkakaabalahan ang mga tao. parang hindi na bago sakanila ang makakita ng menor de edad sa loob ng bahay aliwan.

bumuntong hininga muna ako at humakbang paabante, para kong binubuhat ang sarili kong mga paa sa bigat nito.

nang makapasok ako sa loob ay na startrucks ako sa laki nito at dami ng tao, ganun din sa iilang kabataan ang sumasayaw sa harapan habang tinatapunan ng maraming salapi. Sa tingin ko ay mayroon pang mas babata saakin dito.

pakiramdam ko ay nasaakin ang spot light dahil sa natatanaw ko, parang ako lang ang kakaiba sa gabing ito. Hindi mapaghahalataan ang edad ko dahil sa height na mayroon ako.

Bigla akong napatili at napaatras ng maramdaman ko ang hangin sa tainga ko na dumiretso sa ilong ko, amoy alak Ito.

"Ano ba?" masungit kong pag sigaw sa lalaking ito dahil sa pag kagulat, kung titignan ay mukha siyang nasa fourties.

"Ikaw lang ang kauna-unahang sumigaw saakin mula nung tumungtong ako rito." nanlilisik nitong tingin

paatras na ako ng paatras hanggang sa makasandal na ako sa counter na syang tinitimplahan ng mga alak.

lumingon lingon ako sa mga bartender para humingi ng tulong pero parang hindi nila ako naririnig.

"Mr. Raymundo."

akala ko ay katapusan kona, pumagitna sa harapan ko itong bakla na ito at hinarangan ako.

"Sobrang arte naman ng bago ninyo!"Padabog na umalis ang matandang iyon

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now