Chapter 26

204 18 0
                                    

Nagising ako at natyempuhan kong walang tao sa paligid, wala ang mga taong nananakit saakin. May nakita akong bata sa gilid na natutulog, siguro ito ang inuutusan nilang magbantay saakin.

"Pwes, hindi mo ako mahuhuli,"Bulong ko.

Tinanggal ko ang mga nakakabit sa katawan ko, masasakit iyon. Siguro pinag eeksperementuhan nila ako. Well, hindi sila magtatagumpay

Nakasuot ako ng outing dress, I hate dress! grabe talaga sila, pinipilit nilang isuot saakin ang ayoko. May naramdaman din ako sa braso ko, nakita ko ang bracelet na iyon na may nakasulat, "Plea Kite," may balak pa silang palitan ang pangalan ko, sino ba ang babaeng iyan.

Walang tao sa daanan, sobrang tahimik kaya tsansya ko na itong makatakas. Maraming hagdanan ngunit alam kong iyon lang ang daan paalis dito.

Hanggang sa makalabas ako at naramdaman ang hangin, Marami nang tao sa labas, baka nandito ang boyfriend ko, baka nandito si Caelus.

Nakita ko ang puting malaking mansyon hindi kalayuan sa pinanggalingan ko, ito nga ang bahay ni Caelus base sa paglalarawan ng mga tao sakanya noon.

Kumatok ako ng kumatok sa gate nila pero walang sumasagot, nakakahiya man pero sumigaw na ako.

"Caelus, Babe" Masaya kong sigaw "Nandito na ako, Caelus!" Pag alog ko pa ng gate.

"Babe, nasaan kana, Wag ka nang magtago, gugulatin mo lang ako, eh," Ani ko rito. Baka kasi mamaya nasa likuran ko na pala siya.

"Sige na, ipipikit ko na ang mata ko para kunware hindi kita nakita, lumabas kana riyan," Pang aasar ko pa.

Nalulungkot na ako dahil sobra na ang pang aasar saakin ni Caelus, ayaw niya pa rin lumabas.

"Nakakainis ka naman," Umupo ako sa gilid ng gate nila para mag kunwareng nagtatampo. Ang lakas talaga mang asar ng lalaking 'yon.

Nakita ko na may babaeng palabas, pakiramdam ko ay ang mommy niya ito kaya tumayo agad ako.

"Hello po, kayo po ang mommy ni Caelus?" tanong ko rito,

"Sinong Caelus, Ija?" tanong niya rin pabalik.

Tumawa ako nang malakas dahil anak niya ay hindi niya kilala

"Si Caelus po, anak ninyo, girlfriend nya po kasi ako," Nahihiya kong ani.

Nakita kong tumahimik ang babaeng ito at pinasadahan ako ng tingin, nakita kong napako ang tingin niya sa suot suot kong bracelet. Sabi na eh, inaakala niya tuloy na hindi ako ang girlfriend ng anak niya kasi Plea ang nakasulat dito.

"Pasok ka, Ija," Binuksan niya ang gate, ang bait talaga ng mommy ni Caelus.

"Sige po, andyan po ba si Caelus?" Tanong ko habang humahakbang palapit sakanya,

"Oo, nandito si Caelus, nandito ang boyfriend mo," Ngumiti ito saakin, excited akong pumasok at nililinga linga ang paningin.

Bawat hakbang ko ay may katumbas na pananabik, gusto ko nang makapunta kung nasaan ang boyfriend ko,

Pag pasok ko ay may nakita akong lalaking hindi katandaan, pinaupo ako ng babae sa may upuan at may nag abot saakin ng pagkain, sobrang bait naman ng pamilya ni Caelus, sobrang swerte ko na sakanya.

Nagtaka ako ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin pumupunta si Caelus, mauubos ko na ang cake na nakalapat dito. siguro pinaghandaan nila ang pag punta ko, ito talagang si Caelus kahit kailan.

Maya maya ay biglang dumilim ang paligid, may nakita akong tatlong tao na papalapit saakin, nakakatakot ang mukha at may dalang mga patalim, sasaktan din ba nila ako? sinusundan ba nila ako? bakit gustong gusto nila akong saktan?

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now