Chapter 15

204 23 0
                                    

"Doc, kumusta po ang kapatid ko?"

nanginginig kong tanong sa Doctor, mas lalong humihigpit ang pag kakahawak ni Caelus sa kamay ko

"Aida Rees Agustin is.." ani ng Doctor na siyang mas nag papainit saakin, gusto ko ng malaman ang sagot!

"Aida Rees Agustin was the strong survivor among the child that we were operated." ngumiti ito saamin "The operation's successful. Sobrang lakas ng kapatid mo, akala namin ay hindi siya makaka survive dahil nawalan na talaga siya ng pulso, ngunit limang minuto na pag rerevive ay nakasurvive ang kapatid mo."Masayang balita ng Doctor.

Hindi ko alam ang magiging reaction ko, sobrang saya ko ngayon at sunod sunod na ang pagtulo ng luha ko. hindi kona naisipang mag pasalamat agad sa Doctor ng biglaan kong yakapin si Caelus.

"Succesful, Ligtas ang kapatid ko!"Hiyaw ko sakanya na halos lumambitin na ako sa pag kakayakap "Caelus, ang kapatid ko!" paulit ulit kong sigaw sakanya

Naramdaman ko ang luha niya na syang tumulo sa damit ko, Mas lalong humigpit ang yakap nya saakin at walang kung anong sinabi.

"Mamaya ay maililipat na ang patient sa kanyang room, at baka hindi mag tagal ay makalabas na rin kayo."Ngiti ng doctor

"Maraming salamat po, Doc, utang ko sainyo ang buhay ng kapatid ko."Ani ko sa Doctor

"Wala kayong dapat ipag pasalamat, ang kapatid mo ang nag ligtas sa sarili niya, oh sya mauuna na ako."

nginitian lang namin ang doctor, ng makalagpas ito ay bigla kaming napatingin sa isa't isa ni Caelus.

"Plea, Aida's safe, she's safe!" ani ng lalaki

napatango nalang ako at hindi matanggal ang ngiti sa labi

"Oo, Caelus, ang kapatid ko'y ligtas"

Halos Hindi ko na matanggal ang ngiti sa mukha ko, hanggang sa na estatwa nalang ako ng yakapin niya ako bigla, mahigpit ito at ramdam na ramdam ko ang pag kabog ng dibdib niya

"So we're officially," nahihiya niya pang tanong

alam ko kung ano ang gusto niyang iparating dahil ayun naman talaga ang pinangako ko, ngumiti ako sakanya at dahan dahang tumango bilang tugon

"Tell me, I'm dreaming?" nanlaki ang mata niya at abot tengang ngumiti

Sinampal ko siya ng mahina dahil ayaw niya pang maniwala

"Wah"

nagulat ako ng buhatin niya ako at walang tigil na umikot

"I'm so happy for Aida, I'm so happy for us!" bulong niya nang huminto sa pag kakaikot, nananatiling buhat buhat ako

"I loveyou, Plea." ani niya ng seryosong tumingin saakin "Habang buhay kitang mamahalin."

"I loveyou, Caelus. Mahal kita."

hindi ko alam ang naging galaw kung bakit mag kadikit na ang mga labi namin ngayon, nasa gitna kami ng hallway ng hospital at hindi iniinda ang mga taong naroon, masaya akong pinapakiramdaman ang malalambot na labi ng lalaking ito sa harapan ko, ito na ang isa sa pinaka magandang pangyayari sa buhay ko.

Nakabalik na si Aida sa kanyang pribadong kwarto at hinihintay nalang namin na magising siya papunta na sina Kai, Anya, Sol, Mab at Daniel. pero si mama? wala akong balita sakanya, parang wala lang talaga siyang anak.

Nakaupo ako sa mababang upuan kapantay ng kama ni Aida, hawak hawak ko ang pala pulsuhan niya at hinihintay na magising siya

"Kumain kana, Babe." ani ni Caelus habang nag hihiwa ng prutas

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now