chapter 8

215 26 0
                                    

The days and months has passed, no one change, ang estado ko sa buhay ay ganun at ganun pa rin, ang utak ko ay wala pa ring pinagbago. But my feelings for him, really changed.

I don't want him to be my friend, my shoulder, my comfort zone or else. I want him to be mine.

But I'm scared, nakwento niya na hindi sya nag g-girl friend, at isa pa he's rich while me? Kulang nalang ay halikan ko na ang lupa sa sobrang kahirapan.

I'm going to school today, card showing at syempre hindi na ako magugulat sa magiging resulta nito, kung hindi nga siguro dahil kay Sol ay matagal na akong drop out.

"Ay tinapa." Napahawak nalang ako sa dibdib ng tumambad saakin ang mukha ni Caelus sa harap ng pintuan.

"Bakit kaba nang gugulat, lalaki?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Bawas bawasan mo kasi pag kakape, Tara na? Nakita ko kahapon sa page na today ang card showing ng mga humss."

"Ah oo, katunayan paalis na sana ako eh ginulat mo pa ako."

Ang lahat ng ginagawa niya ay hindi ko na kinukwistyon, isa pa wala namang kahulugan ang lahat ng iyon, he's just kind.

"Bakit kailangan mo pa akong samahan, ha? Nakakahiya naman kapag nakita mo ang grades ko." pag simangot ko habang papalakad papuntang faculty.

"Don't be shy, ano. Pinaghirapan mo yang grades mo." Pag singit nya naman.

"Anong pinaghirapan, di naman nag improve ang pag aaral ko, mas marami pa nga akong natutunang skills sa paglalaba sa buong school year eh." Pag tawa ko, narinig ko nalang din ang pag tawa niya.

Ayos lang na maturn off sya saakin kung sakaling makita ang magkakasugat kong mga grades, para siya na rin ang lumayo saakin, diba?

Ayokong tuluyang mahulog sakanyaz pero ayokong layuan sya. Mas mabuti pa saakin gawin, wag lang ako ang gumawa.

"Sabi na eh." Napayuko nalang ako pag labas ng faculty ng Makita ko ang grades ko.

"Still congratulations, labas tayo? Libre ko." Pag papalubag loob niya saakin.

"Wow, parang kinukunsinti mo pa ang pagkakaroon ko ng mababang grades ha, tignan mo puro palakol. Anyways, saan ba?" Pag bibiro ko dito at nilapat pa ang grades sa harapan niya.

"Magkakaroon ka rin ng progress, Plea. No what ever your grade, I'm still proud of you." Huminto Ito at humarap saakin, hinawakan niya pa ang balikat ko.

Napanganga nalang ako habang nasa harapan ko sya, kung anong mga batang nag lulundagan sa puso ko, ikalma mo.

"Kung nakikita lang nila ang tunay mong laban sa tunay na buhay, sigurado akong kulang pa ang 100 na grades para ibigay saiyo." Ngiti nito.

May kung anong kumirot sa puso ko ng maramdaman ko ang mahina nitong boses, bakit parang nasasaktan ako na kinikilig. Nasasaktan ako dahil naaalala ko nanaman ang mga problema kong lagi nalang iniiwan sa bahay? O kinikilig ako dahil may isang taong nag paramdam saakin ng ganito.

"Thank you." I whispered.

"Let's go, may bagong bukas dun na milktea-han!" Tumakbo ito habang hila hila ang pala pulsuhan ko.

Katulad noon ay tuloy tuloy ang pag takbo namin, hindi iniinda ang mga nasa daan, 'sorry po.' at tawanan lang ang lumalabas sa bibig namin habang tumatakbo.

"Bilis mo." Reklamo ko habang hinahabol ang pag hinga.

"Napagod kaba?" Tanong nito, ganun din ang pag hinga niya.

Nakaupo kami sa isang bench sa field habang sumisimsim ng binili nitong milktea dyan sa tapat.

"Si Pres, oh. Bestfriend mo pala?" Pag turo ni Caelus sa gawi nila Sol.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now