Chapter 46

216 17 0
                                    

"Babalik kapa ba roon, ate?" Aida's asked.

Nakauwi na ako, pinauwi ko narin si Caelus dahil alam kong pagod na pagod na siya.

"Hindi na, siya nga pala may ibinigay si daddy Richmond. Halika tignan natin," Pag-aaya ko.

Kinuha ko ang mga paper bag na pinadala ni daddy saamin, nakaupo kami ngayon sa kama ko. Aida's talking with me kaya siya nandito.

I already talked Mariella's parents, may binigay nga itong sulat kanina ngunit sinuksok kolang iyon sa bag ko dahil sobrang blanko ako.

"Ate, look,"

Napatigil din ako sa pagkalkal ng mga pinadala ni daddy nang tawagin ako ng kapatid ko, seryoso ang tingin niya sa isang bagay kaya na kuryos ako.

"Ano 'yan?" I asked,

"Hindi ba't may ganito kang pendant?" Nananatili parin siyang nakatingin sa hawak niyang maliit na box.

"Teka nga, ate." Tumayo ito, sinundan kolang siya nang tingin. Mabilis na lumabas sa kwarto at kalaunan ay nakabalik din kaagad

"Ano ba 'yan, Aida?"

"Ate ayan nga!" She screamed.

Halos mabingi ako sa sigaw niya, iniabot niya saakin ang isang kwintas, teka kwintas ko ito, ha! I mean kay mama ito na binigay saakin, akala ko ay nawala ko na ito pero paano at nakita niya 'to?

"Ate nabuo ang words..." Halos manginig ang boses ni Aida.

Oo ang kwintas na 'yon ay may kahating letra, sinubukan naming pagdikitin ang pendant na 'yon at nagulat ako sa nabuong letra.

"Tinatangi."

Biglang may namuong kung ano-anong mga bagay sa utak ko, bakit nakay daddy ang kabiyak ng pendant ni mama? Hindi kaya-

"Ate..Ate!"

Hindi ko namalayang ilang minuto na pala akong nakatulala, hawak hawak ang dalawang kwintas.

"Ayos kalang ba?" Tanong nito.

May gumuhit na ngiti sa labi ko, isang pag-asa. Nabuhayan ako ng pag-asa at isang hinala. Na si daddy ay ang tunay kong ama.

Tinignan ko ang pinanggalingan ng pendant na 'yon, medyo kinakalawang na ang metal na hugis kahon, nakita kong may nakaukit sa ilalim nito.

Maria Precy pangalan ng aking tinatangi.

Biglang bumagsak ang luha ko, hindi ko alam ang dahilan. Hindi kaya't tama ang hinala ko, kilala ko na ang tatay ko?

Kahit hindi pa man sigurado ay namuo na ang mga katanungan sa isipan ko, kung sakaling siya man ang ama ko paano niya nagawang talikuran kami ni mama?

Mas lalo pa akong ginanahang halungkatin ang mga binigay ni daddy, bakit niya ito binigay? hindi kaya't alam niya na na ako ang anak niya? bakit hindi niya sinabi?

Sa pinakailalim ng kahon ay may nakita akong mga larawan, agaran ko itong binuksan. Wala na sa tabi ko si Aida dahil nagpaalam itong may gagawin pang assignments.

Tama, si mama ito ganitong ganito ang hitsura niya na ipinakita saakin noon. Nakaupo sila sa ilalim ng puno, kumakain at para bang sobrang lalim ng pagmamahalan nila. Ngunit anong nangyari?

Inagaw ng isang pahabang papel ang atensyon ko, inilapag ko ang mga larawan at kinuha ito.

Dear  Ysabel S. Escalante.

Alam kong sa mga oras na ito ay alam mo na ang totoo, kung ano man ang gumugulo sa utak mo patungkol sa nakita mo ay paniwalaan mo, ikaw ang nag-iisa kong anak sa nag-iisa kong babaeng minahal at minamahal. Patawarin mo ako sa hindi paggawang pagsilay saiyong wangis magmula nang isilang ka, hayaan mong ibahagi ko saiyo ang lahat. Ako at si Maria ang iyong ina ay magkababata, sa murang edad ay nagkaroon kami ng malalim na atraksyon sa isa't isa, ang mga magulang namin ay hindi sang-ayon sa aming nararamdaman dahil sa estado sa buhay. Ngunit mahal ko ang mama mo, kaya kahit alam kong ikapapahamak ko ay itinanan ko siya. Hanggang sa may kung sinong nagsumbong saaking ama patungkol sa patago naming pagmamahalan. Nagbunga ng isang anghel ang aming patagong pag-iibigan at ito'y pinangalanang "Ysabel." sa kasamaang palad ay kami ay natuklasan ng aking ama, pilit nila akong inilayo saiyong ina. Nung gabing pinagplanuhan na nila ang pagpapapunta saakin sa ibang bansa ay tumakas ako, pumunta ako sa kung saan kami nagtatagpo ngunit wala akong naabutang anino ng iyong ina hanggang sa mabasa ko ang kaniyang sulat. 'Richmond, alam kong hindi ako nararapat saiyo, kaya paumanhin sa gagawin kong pag-alis kasama ang anghel natin. Ipapangako kong hindi ko siya ilalayo saakin.' Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng pag-asa, nabalitaan ko na ang Maria na aking minahal ay naging Maria na ng bayan, sinubukan ko siyang bawiin ngunit siya na itong kusang umayaw, tinanong kita sakanya ngunit ang sabi niya ay wala kana raw dahil sa isang trahedya. Taon kong pinagdusahan iyon hanggang sa nakausad na ako. Kaya anak ko, sana mapatawad mo ako, alam kong sa pamamagitan ng pagbigay ko sayo ng lahat ng akin ay hindi parin ito sasapat, kayo lang ng mama mo ang minahal ko nang lubos. Kaya nung nawala ang mama mo ay parang sumama narin ako sakanya, Mahal na mahal kita, anak, mahal kita, Ysabel. Sa tingin ko ay tapos na ang misyon kong manatili pa sa mundo, patawad anak kung permanente na kitang iiwan, ang iyong ina ay hinihintay na ako. Mananatili kaming nasa tabi mo, Mahal kita, anak, mahal na mahal.

Nagmamahal, Your daddy.

Halos manglumo ako nang mabasa ang mensahe na iyon, b-bakit? Agaran kong binuksan ang aking cellphone ngunit naunahan na nila ako sa gusto kong itanong.

From: Unknown number.

Hi, Dr. Escalante was died, he committed the suicide. Your number was on his deck with papers who have a last will and testaments.

Parang gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang balitang iyon, bakit kailangan niya pang gawin 'yon? Pinagkaitan na ako ng mundong magkaroon ng ama noon pa man ngunit ngayon, tuluyan na talaga akong nawalan ng pag-asa.

————————————

Pinagpasyahan kong itabi ang grave ni papa kay mama, and now they're continuing their lovestory. Naniniwala akong masaya sila ngayon para saamin, mahirap man ngunit alam kong may dahilan ang lahat.

"Everything will be fine, Plea. We're always here," Kai said.

Alam kong kahit ilang beses kong ipakitang malakas ako ay lumalabas ang pagka mahina ko. I take a deep breath bago tuluyang iwan sina mama.

Hindi ko alam kung ito na ang pinaka mahirap kong pagdadaanan o may darating pa, hinuhubog na ako ng panahon at nararamdaman ko na ang pagiging matatag.

I still have Aida, I still have friends, I still have him.

"They're happy, Love." Caelus said.

Isang taon narin ang nakalipas nang tuluyang mamaalam ai daddy, his property, lahat ay ibinigay saakin.

At that night, niyaya ko si Caelus na uminom, tanggap ko na ang lahat ngunit gusto ko lang maibsan ang sakit na dulot ng nangyari. He was never refused me.

"Ipapakilala kita bukas kina Mom."Nagulat ako sa sinabi niya

Narito kami sa sasakyan dahil kakalabas kolang ng bahay.

"They hate me..." Mahina kong ani

"I love you," Sagot niya naman. "Hindi na nila ako madidiktahan pa, ikaw lang gustuhin man nila o hindi." He said

I give him a small smile, wala narin naman akong pakeelam kung ayaw nila saakin. Ipaglalaban ko ang pagmamahalang hindi naipaglaban nila mama noon.

"Napakaganda mo," Bigla bigla nalang talagang nagsasalita si Caelus.

Hindi parin siya nagmamaneho, nararamdaman ko nalang na ang mga malalagkit niyang tingin ay parang hinihila ang labi ko.

Nakita ko nalang ang sarili kong inaangkin ni Caelus ang labi, I was feel hot that time kaya ginantihan ko rin siya ng halik.

Pinatay ni Caelus ang makina at nagpatuloy sa pag-angkin saaking labi.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now