chapter 4

251 43 4
                                    

"Wow, teddy bear!" sigaw ni Aida.

kakapasok palang namin ng mall ay andami ng mga laruan, kitang kita ko ang pagka lungkot niya sa tuwing pilit ko siyang inilalayo sa mga gusto niyang tignang laruan doon.

"Ate, alam kong wala ka pong money, pero gusto ko lang po makita ang mga iyun." Pag tingin niya sa estante ng mga laruan.

Nakaramdam tuloy ako ng kirot sa puso, ramdam niya na pala ang mga kinikilos ko. Ayokong nakikitang naiinggit ang kapatid ko, she's just a kid kaya alam kong 'di maiiwasan ang pag ka inggit, specially sa mga material things.

"Hayaan mo na, babalikan nalang natin ang gusto mo 'pag may makita akong mapag tatrabahuan." I smiled at her.

"Hindi ako maniniwala ate, tsaka na ako maniniwala kapag nagawa na."Marahan din itong ngumiti pabalik saakin.

Nasa unahan ko na sya, hawak hawak ang daliri ko sa kamay at sya na mismo ang humihila saakin.

Nagtanong kami sa iilang shop sa loob ng mall pero wala na daw kailangang pag applyan, sa mga food court naman ay 'di na din daw kailangan. Sa iba naman ay kailangan ng senior high graduate. Halos nalibot na ata namin ang buong mall sa lugar na 'to ay wala padin tumatanggap saamin

Napapangiti na nga lang ako 'pag tinutulungan akong makipag convince talk nitong kapatid ko, pero wala padin eh.

Sumunod naman ay sa palengke, wala na daw hiring na tindera, sa mga karnehan at isdaan naman ay kinakailangang whole day, paano ang pag aaral ko?

Siguro mag pupursigi nalang muna ako sa paghahanap ng paglalabadahan.

Umuwi kami ni Aida, pagod na nga gutom pa siya.

'Di pa man kami nakakapunta malapit sa bahay ay nakita ko nanaman ang pamilyar na sasakyan, sa lalaking iyun nanaman ito

Hindi ko na pinansin kasi baka pupuntahan nya lang si Sheila, kaya dumiretso na kami sa bahay.

Hindi ko alam kung ano ang ipapakain ko kay Aida, wala ng natural doon kahit tuyo. I really need a money.

Nakatambay lang ako sa labas, naghihintay ng mga dadaan upang magtanong kung gusto nilang magpalaba, andami ko ng pinuntahang bahay pero ayaw nila.

Nakaupo na ako sa gilid ng bahay namin, may kahit na upuan doon.

"Ate Josie! Mag palaba na po kayo."Pag kukumbinsi ko sa kapit bahay namin.

"Nako, Plea. Gustuhin ko man ang kaso ay wala din akong pera na maibabayad saiyo." Sagot naman nito.

Marami pa akong natanungan na dumadaan, pero pare-parehas lang sila ng rason, walang pambayad. Bayaran niyo nalang ako ng afritada hehe

Napatalon ako pag lingon ko ay makita ko ang lalaki sa inuupuan ko kanina, kanina pa kaya siya nandito? 'Di ko namalayan dahil sa dami ng mga dumadaan na inaalok ko.

Lumapit ako at nag pa cross ng braso sakanya.

"Anong ginagawa mo?" I raised my brows

"Resting.."Maiksi at malalim nitong tugon.

Kitang kita ko nga ang pag kahingal niya, saan ba ito galing.

"Mag pahinga ka diyan, malamok na papasok na ako!" Ani ko at tinalikuran siya para pumasok na sa loob.

"Wait." Tawag nito.

Ano nanaman ba? Makikiinom siya ng tubig? Eh wala nga kaming mineral water at wala pang ref kaya 'di malamig, baka laitin niya pa baso namin, plastic lang iyun at ang iba pa ay lagayan ng cup noodles!

Nilingon ko siya at tinaasan nanaman ng kilay, hindi ko alam kung saan ba talaga siya nakatingin. Sa hitsura ko o sa katawan ko, nakasuot lang ako nt pink na short ngayon at t-shirt na puti.

"Oh?" Pagtawag ko ulit.

Nakita ko ang pag ngisi niya ng marinig ang boses ko, may kung anong kinuha siya mula sa gilid niya.

Ano bang gagawin nito? Ayaw magsalita, pinaghihintay ako!

"Take it." May inabot sya saaking plastic.

"Ano 'to?" I asked, sabay kinuha sakanya iyun.

"Then open, 'di mo malalaman kung 'di mo titignan." He chuckled.

I mocked him bago buksan, kinapa ko Ito at medyo mainit pa, chicken?? the fried chicken and grilled meat?

Tinignan ko sya habang hawak hawak ng dalawang kamay ang plastic.

"Go inside, I know that your little sister was hungry. Thats already have a rice."Ani nito

Tumayo din siya at pinagpag ang short sa bandang pwetan, he gave me a smile. Anong sasabihin ko?

"Para saan ito?" I asked.

Ayokong bigyan ng malisya ito, pero ako na ba talaga ang pinupunta niya sa lugar na 'to at hindi na ang impaktang Sheila?

"For your sibling, that's not have meaning I just want to help."

Nababasa nya ba ang isip ko? Okay isa nanamann akong assumera.

Tsaka oo nga naman, sobrang labo nh iniisip ko.

Mayaman, mahirap? Anak mayaman, isang kahit isang tuka? HINDI PWEDE!

"Salamat, bayaran nalang kita 'pag nag ka pera na ako." Ngiti ko sa lalaking ito.

"Sure. Anyway, hindi ka pumapasok these past few days?" He asked.

Nagtataka ako kung paano niya nalaman, eh hindi naman kami magkaklase, siguro nga ay magkaiba din kami ng strand, stalker ba ito?

"Paano mo nalaman, sinusundan mo ba ako?"

"No." He chuckled."Hindi kita nakikita doon sa tambayan mo, ilalim ng hagdan ng bldg 2." Ani nya.

"Ah, dun talaga tambayan ko lalo na 'Pag daing lang ulam ko." Pinag malaki ko pa sakanya iyun.

Narinig ko muli ang pagtawa niya, ayaw niya ba sa daing? o sobrang hirap na ang tingin niya saakin.

"Anong nakakatawa?" Tinarayan ko ito.

"No, don't be shy if your viand is dry fish. That's delicious... But uhmmm."he paused.

Ano? Pero ano? Masarap yan pero 'di niya gusto ang lasa? Ayos lang.

Pinagmasdan ko sya para marinig ang susunod na mga sasabihin niya.

"I'm allergic to dried fish." Nahihiya niya pang

"Wow sosyal. Saan ka pa ba allergic?"

"Sa mga weeds girl." Tawa nito kaya natawa din ako.

'di ko namalayang magkatabi na pala kami sa upuan na ito, nagtatawanan. nagkukwentuhan.

"Hala, mag gagabi na." Ani ko ng makita ang langit.

"Nagugutom na ata ang kapatid ko."Muli kong sinuot ng maayos ang tsinelas ko

Nagulat ako ng may biglang magsalita sa bintana sa taas ng pinagkakaupuan namin.

"Busog na ako ate, natawa din ako eh hehe." Sagot ni Aida.

Napatingin kami parehas sa bintana, kanina pa kaya siyang nandiyan? Nakikinig siya ng usapan?

"Come inside, Kite. I will go home too, Have a nice dinner. Just communicate me if you need help, see you tomorrow on school. The intrams is coming." Pag kaway nito habang naglalakad.

"Ingat!" Ani ko naman dito.

Pumasok na ako at tumakbo kaagad sa kusina, hindi na tuloy mainit ang ulam na ito. Ay hayaan na, ang mahalaga ay may maiuulam.

Hindi ko alam na matalino pala 'yon sa science, kasali siya sa quiz bee, representative ng MSU, kahiya naman ano nalang ako, mahirap na boba pa.

Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko sa araw na 'yon, wala naman akong masyadong ganap sa school. Mag gi-grind nalang ako ng labahin.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now