chapter 7

259 39 0
                                    

Hindi na ako sumasabay kay solaine dahil alam kong marami din itong ginagawa lalo na't ang dami niyang hinahandle na mga responsibility sa loob ng skwelahang ito, at isa pa ayokong sirain ang pag papapansin niya sa stem niyang crush.

Inayos ko na ang mga gamit ko para lumabas, like an ordinary day. Ganun at ganun parin ang nangyayare, uuwi na madaming assignments and worksheets, pero sino bang may sabing gagawin ko?

"Sabay kana saakin, Ple." Pag aaya ni sol.

dadala dala niya na ang bag niya at may hawak pang kung anong portfolio sa kamay, para na syang ma ku-kuna sa bigat ng bag niya.

"Hindi na, may dadaanan din ako."Pag tanggi ko.

"Sigurado ka? Saan ka pa pupunta?"Paninigurado nito.

Sasagot na sana ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko mula sa labas ng pinto.

"Plea!" Buo nitong boses, mahina lang ang pag tawag niya pero parang kumalabog sa tainga ko.

Parehas kaming napalingon sa gawi ni Caelus, hinihintay nya siguro ako. Bumalik ang tingin saakin ni Sol, tumatawa. Nababasa ko ang nasa isip niya.

"Kaya pala ha.." panunukso nito.

"Ano?" Pag taas ko ng kilay sakanya.

"Diyan kana nga, kung may date ka may date din kami ni stephano!" Pang iinggit pa nito.

Umalis siya at malakasang inikot ang ulo gawa ng pag hangin ng buhok niya saakin, baliw talaga 'to.

Binilisan ko na ang pag aayos at tumayo na, isinukbit kolang sa balikat ko ang bag ko at lumabas na.

"Serenio, cleaners ka!" Sigaw ng isa sa kaklase ko.

Pag karating ko kay Caelus ay hinawakan ko ito sa pala pulsuhan at tumakbo paalis hila hila siya, nakita kong papalapit saakin ang kaklase ko eh, pag linisin pa ako.

Nag eenjoy ako habang hinihila siya sa pag takbo, hindi ko iniinda ang bigat ng hinihila ko.

Andami ng nababangga naming tao pero tuloy tuloy padin kami sa pag takbo.

Hanggang sa makarating kami sa first floor, pagod na pagod hingal na hingal. Napaupo nalang kami sa first step ng hagdan at hinahabol ang hininga.

"Bakit kaba tumatakbo, para kang may tinatakasan." Hingal na tanong ni Caelus.

"Tumatakas naman talaga ako, sa cleaners nga lang." Tawa ko kaya natawa din ito.

Sobra ang pagod namin, maya maya ay tumayo na kami para lumabas.

"Sumakay kana." Pag aaya nito ng matagpuan ng mata ko ang sasakyan niya sa parking lot ng school.

"Lakad lang." Ani ko

Masyado ng ma issue si mama, baka kapag nakita niya pang may sasakyan si caelus ay pilitin pa akong perahan Ito. Hindi ko magagawa sakanya yun.

"Edi lakad tayo." Ani nito.

Andami ko pang tanong sakanya habang naglalakad palabas ng gate, para kaming mga elementary na pawisan.

"Bili tayo tubig." Ani niya "I'm very thirsty." Pahabol niya pa

Huminto kami sa isang mini store sa tawid ng school, maraming mga estudyanteng dumadaan doon.

Bumili kami ng tubig at siya ang nagbayad noon, bumili pa sya ng dalawang piatos na malaki, akala niya naman ay mauubos ko ito.

Napaupo ako sa patungan ng tindaha, natatakpan ko na ang ilang paninda ni ate sa loob, pero 'di naman sya nag rereklamo.

Nakatayo sa gilid ko si caelus habang kumakain, kahit naka upo na ako sa tungtungan ay matangkad pa din ito saakin.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now