Chapter 16

183 21 0
                                    

"Bitawan mo sya,"

napalingon ako sa babaeng nag salita, nakita ko si ate Jean na hawak hawak ang braso ng lalaking humahawak saakin.

"The goddess of beauty, Jean" umasta pang yayakap ang matandang ito.

Sinenyasan ako ni ate Jean na umalis na at maghanap ng ibang costumer, nakita kong hawak hawak siya ng matandang ito sa bewang at agresibong nag lalakad papunta sa mga rooms.

napaupo nalang ako sa isang couch, hindi pa nag iinit ang pang upo ko ay tinawag nanaman ako ng galit na bakla

"Hoy, Plea," napatayo ako sa boses niya at nakita kong papalapit ito

"Trabaho ang pinunta hindi pahinga,"Ani nito "May bagong dating na mga costumer doon. puntahan mo!"paturo niya sa kabilang dulo ng mga upuan

Lumunok ako at pumunta roon, inayos ko ang suot ko. sa banda rito ay madilim na parte na at mukhang pang isahang grupo ang pumupwesto rito

Nakita ko ang apat na lalaking mag kakaibigan na sa tingin ko ay sila ang tinutukoy ng baklang iyon.

Maraming mga alak na nakapalibot sakanila, meron na ring dalawang babaeng lumapit sakanila.

Hindi ko alam ang magiging galaw na gagawin ko, aakitin ko ba sila o basta nalang akong gagawa ng kasuklam suklam na galaw

Hindi pa man ako nakakalapit ay tinawag na ako ng isang lalaking sa tingin ko ay nasa 20's na rin.

"Pst,"

Lumapit ako rito at pilit na ibinababa ang maiksi kong short

"Hi, sir," nag tunog pang aakit ang boses ko

naupo ako sa gilid nito at naramdaman ko ang pag hakbang nya saakin na sinabayan pa ng pag haplos sa braso ko

Naiilang at kinikilabutan ako sa bawat taas baba ng kanyang mga kamay sa braso ko

"Maganda kang ulam," bulong nito na siyang nag painit sa tainga ko

Oo alam kong maganda ako ngunit hindi ako putahe! hays, pero parang ganun na rin yon. dahil pilit kong pinamumukhang masarap at ka engga-engganyo ang sarili para mapansin ng iba.

Nagulat ako ng tumayo ito at hinawakan ang kamay ko upang tumayo rin, narinig ko pang nag paalam Ito sa mga kaibigan niya

"Bro, Paano ba 'yan, mauuna na muna ako sainyo." Pag kindat pa nito

"Ang duga naman, Pre, hati tayo!" ani ng isa niyang kaibigan na nag labas pa ng pagdila

Parang hinahalukay ang sikmura ko sa naririnig kong pang babastos

"Tumahimik ka riyan, Pre, Jackpot na 'to!" saad naman ng katabi ko "Batang bata at napaka kinis." tunog manyakis pa ang pag dedeliver niya ng salita

"Saan mo gusto? dito nalang sa Bar na 'to or itake out kita sa amo mo?" pag tanong nito habang naglalakad kami palayo

"P-pwede bang di-dito na-nalang?"Natatakot kong tanong

"Hindi pa nga tayo nag sisimula, takot na takot kana. Oh sige, ite-take out kita." mapanloko nitong ngisi

Halos nag papahila nalang ako sa lalaking ito papunta sa kinaroroonan ng baklita kong amo,

"Momsh, ganda ng putahe ninyo ngayon ha, dabest talaga sa kalenderya niyo!" pabungad niya na syang umagaw sa atensyon ng bakla

"Oh, Jerome, lagi namang masarap ang Luto namin dito." lumapit ang bakla at kumindat sakanya "Oh sya anong gagawin mo kay, Plea?" tanong ng bakla

"Plea pala ang pangalan niya, Ite-take out ko momsh-"

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now