chapter 2

332 49 55
                                    

"Sino ang lalaking 'yon?"

Napabulong ako sa sarili ko nang may makita akong lalaki, katulad lang din naman sya ng iba pero bakit mas na intrega ako?

Andito ako sa bayan, alas sinko palang ng umaga ihahatid ko na ang labada, alas dos na ng madaling araw ako natapos at may dalawang oras naman ako na tulog.

'Di ko na pinansin ang nasabing lalaki na sumakay sa magarang sasakyan, nagtaka lang ako dahil mukha siyang bago sa lugar na 'to.

"Tao po, aling Nena."

Kumatok na ako kina aling Nena medyo mabigat itong dala ko siguro'y nasa labing limang kilo ang bigat. Paano ba naman ay hindi pa tuluyang tuyo, drinyer ko lang ito gamit ang lumang dryer namin, isang tornilyo na nga lang ay bibigay na iyun.

"Oh, Plea, napaaga ka ata." Bungad naman saakin nang kakagising lang na si aling Nena

"Opo eh, wala po akong pamasahe mamaya pag pasok at wala rin pong pang almusal si Aida kung hindi ko po ito maiaabot sainyo ngayon."

"Oh akin na, mag almusal ka muna, tuloy ka." Pag aaya ni aling Nena

"Hindi na po, baka hinihintay na rin ako ng kapatid ko, kukunin ko nalang po ang bayad at aalis na rin ako." Pag ngiti ko rito.

Inabot na ni aling Nena ang bayad niya sa laba, 500 pesos ito sa tingin ko'y magkakasya na ito, maghahanap nalang ulit siguro ako ng labada mamaya.

Kapit bahay namin noon si aling Nena, katunayan noong bata palang ako ay ginusto niya na akong ampunin ngunit ayokong mahiwalay sa kapatid ko.

May anak naman itong binata, kaedaran ko lang din si Daniel, ngunit gusto talaga ni aling Nena ng anak na babae, maaga kasi na byuda.

Dumaan ako sa bakery para bumili ng pandesal, ganun din ay binilhan ko si Aida ng tig sampong piso na champorado, paborito niya kasi Ito sa agahan, sinabay ko na rin si mama.

Grabe ang mahal ng mga bilihin ngayon, saglit lang talaga sa kamay mo ang pera kahit gaano pa 'yun kalaki

Nang makauwi sa bahay ay sakto ang dating ko, gising na si Aida at mukhang kanina pa naghihintay. Nakayuko ito sa lamesa habang may tasa na may lamang tubig sa harapan niya.

"Ateeeee!" Sigaw nito.

'Di pa man ako nakakalapit sakanya ay narinig ko na ang sigaw ni mama

"Tangina naman, may natutulog diba!"

Napahawak sa bunganga si Aida, tumawa ako nang mahina para mawala ang takot sa mukha nito

Lumapit ako sa kanya at nilapag ang dala, tumungo muna ako sa kusina para kumuha ng mangkok at baso

"Ate ano 'yan?"

Hindi pa rin pinapakielamanan ni Aida ang nasa supot na iyun, tinuruan kasi kami ni mama noon na 'wag basta bastang mangingielam kapag hindi pa sinasabi.

"Food." Ani ko

Mahina syang napa 'yey' dahil sa saya, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti rin sa reaksyon ng kapatid ko.

After niyang mag almusal ay niliguan ko na sya dahil ako naman ang kikilos para pumasok, maaga pa lang ay nag saing na ako at nag luto ng de-lata na ulam.

"Plea" tawag saakin ni Solaine.

Nakasanayan niya na ako kung sunduin dahil alam niyang naglalakad lang ako, ang mahal kaya ng pamasahe!

"Ate sol!" Sigaw ni Aida

Hindi pa man tapos ang pag be-braid ko sa buhok niya ay tumakbo na sya palabas

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now