Chapter 36

166 22 0
                                    

"Saan kayo pupunta, Plea?" Malambing na tanong ni mommy.

Nakabihis na kami ni Aida at saktong nandito sya para makapagpaalam kami, pupunta kami ngayon sa mall na pinagtatrabahuan ni mama.

"Kay mama po," Excited na sabi ng kapatid ko

Kita ko ang blangkong emosyon ni mommy, parang may kung anong pinaparocess sya sa isip niya, "Ha? Nandito naman ako, ah, sino ang pupuntahan niyo?" Naguguluhan niyang sagot.

Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya, nakaupo siya ngayon sa sofa, "Nahanap napo kasi namin ang tunay naming mama, hayaan niyo po kapag napilit namin mamaya ay isasama namin dito papunta," Galak kong ani rito habang minamasahe ang balikat.

Naramdaman ko ang pagtahimik ni mommy, si Aida naman ay patuloy sa pag tatali ng buhok niya, nang makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na kaming magpaalam.

Siguro ang vacation ko ay dito ko nalang gugugulin, with my mother.

"Mauuna napo kami, Mom, I will chat later, Iloveyou po." We kissed her cheeks

Tahimik parin siya at nagbigay ng maliit na ngiti, kumaway na kami bago tuluyang lumabas sa main door.

Naiintindihan ko ang kinikilos ni mommy, alam ko namang masaya siya para saamin pero siguro ay hindi niya lang maiwasang malungkot dahil nakita nanamin ang tunay naming mama.

"Ate, I'm so excited!" Kanina pa hindi matahimik ang kapatid ko, "But, galit parin ako kay mommy." Lumungkot naman ang boses nito.

"Bakit ka naman galit?" Sandali ko siyang nilingon at muling binalik ang tingin sa kalsada.

"Iniwan niya tayo," Ngumisi pa ito

"Iniwan natin siya, Aida,"Pag tutuwid ko

"Hindi, ate, kasama palang natin si mama noon ay pakiramdam na nating iniwan niya tayo," Medyo lumakas ang boses ng kapatid ko kaya nagulat ako rito.

"Are you mad to her?" I asked.

"Yes, I'm!" Nag pa cross pa sya ng braso sa tapat ng dibdib

"Edi balik na tayo sa bahay, hindi na natin pupuntahan si mama?" Tanong ko rito.

Sinilip niya ako at nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagkairita niya

"Galit ako sakanya pero gusto ko siyang makita, galit ako na namimiss ko si mama." Pag tataray nya

Tumawa lang ako at nag focus na sa pagmamaneho, mag-iisang oras rin nang makarating kami sa mall dahil nagkaroon pa ng traffic.

"Tara na, hinihintay na tayo ni mama," Pag mamadali nito nang huminto kami sa parking lot ng nasabing mall.

"Galit kapa sakanya niyan, ha" Pang- aasar ko

"Che!" Tinarayan ako ng kapatid ko.

Malaki ang mall na ito, ilang minuto rin akong naghanap mabuti nalang at nakita ko si ate Evelyn banda sa may restroom.

"Ate Evelyn!" Tawag ko rito, nakakapit ang kapatid ko sa kamay ko.

Napalingon naman kaagad si ate Evelyn at kumaway, lumapit kami sakanya.

"Oh, Plea, teka lang tatawagin ko si Precy," Ani nito.

Biglang tumingin saakin ang kapatid ko nang marinig nya ang pangalan ni mama, kaya tinanguan ko nalang siya kahit wala naman siyang sinasabi.

"Sino 'yan, Plea?" Tanong ni ate Evelyn habang nakatingin kay Aida.

"Kapatid ko po, Ate" ngiti ko rito.

Hinimas niya naman ang ulo ng kapatid ko at tumalikod na nga para puntahan si mama, naghintay kami sa isang foodcourt dahil baka nagugutom na rin ang kapatid ko.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now