Chapter 23

202 25 0
                                    

"REALLY Plea? I'm so excited for you, I'll be your number one fan!"

Masigasig na salubong saakin ni Denver, sinabi ko na sakanya na isa ako sa nag representa para sa aming section sa darating na Science events sa campus. Ilang beses ko rin itong pinag-isipan, hindi ako magaling sa science but I'll try my best, heto na ako!

"Sus, Denver, Kahit hindi mo naman sabihin ay ramdam kong isa akong superstar at ikaw ang number one fan ko," Pang aasar ko rito nang dumiretso ako sakanya upang tumungo sa maliit naming sala.

"That's true, Plea, kahit hindi ka sikat ay fan mo pa rin ako. Siguro kahit tumambay kalang ay fan mo pa rin ako,"Kumindat pa ito saakin, tanaw ko siya mula sa sala.

Nandito ulit siya sa bahay, halos araw araw namang nandirito si Denver, ang palagi niyang dinadahilan ay nasasabik daw siya kay Aida. Sinasabi niya na nga rito kung minsan ay magkapatid sila.

"Kailan pala ang laban?" Tanong nito nang makabalik ako sa mahabang upuan upang tabihan siya.

"Next week na, naging active rin naman ako sa mga naging lessons namin nitong mga nakaraan kaya lamok lang sila saakin," umasta pa akong naniningkit ang mata.

Nag hanap na rin ako ng mga puwedeng pasukan may nakita akong isang fast food restaurants sa online at susubukan ko rito. Hiring pa raw sila, pag tapos ng events sa school ay papasukan ko talaga iyon, nakakahiya naman kay Kai ilang buwan na kaming nakatira rito.

Nang makauwi si Denver ay tinapos ko muna ang mga assignments ko, si Sol naman ay paminsan minsan ang pag dalaw dito. Naging busy siya nitong mga nakaraang araw at halos hindi na saamin nag paparamdam, pero malakas ang instincts ko na may problema siya. But I trust her, magsasabi 'yon kapag hindi niya na kaya, isa pa ayaw niya rin namang tinutulungan siya.

Nag scroll up muna ako pansamantala dahil sobrang exhausted na ako sa pag iisip patungkol sa research na ginagawa namin, kung pwede nga lang na maging dumbbell ako sa grupo ay ginawa ko na.

•••••••••••••••••••••

"Ate, Bukas na po ang family day,"Ani saakin ng kapatid ko.

Oo nga pala sabado na bukas nawala sa isip ko, bigla ko namang nakita ang pag simangot niya kaya inilapag ko muna ang suklay na kanina lang isinusuklay ko sakanya,

"Bakit naman ang lungkot mo?" pang lalambing ko sa kapatid ko,

"Kung nandito lang sana si mama 'no, ate?" Tumingin pa ito saakin, "Miss ko na si mama, Ate," nakita kong may gumilid na luha sa mga mata niya.

Mula sa kanyang gilid ay hinawakan ko ang balikat niya upang isandal siya saakin, "Shh, Aida, Nandito na si ate oh, I'll be your mother and also father for tomorrow," Pag papalubag loob ko sakanya

Narinig ko ang pag buntong hininga niya kaya sumilip ako sakanya "Bakit, ayaw mo na ba kay ate?" I pouted.

"Tsk, Ate, you're just my sister po. Iba pa rin po ang mama," may tunog pang panenermon ang tinig niya "Hays, palagi nalang po ako inaasar Ng mga classmates ko," Yumuko Ito at ramdam ko na ang pag biak ng boses niya.

"Bakit kasi wala akong papa, Ate?"Tumingala Ito saakin.

Bigla akong napalunok ng sunod sunod at may kung anong naramdaman sa dibdib nang marinig ang seryosong tanong ng kapatid ko hindi ko rin alam Aida, hindi ko rin kasi naranasang magkaroon ng ama.

"Hays, ate, matutulog nalang po ako, alam ko naman na po ang sasabihin ninyo saakin na ikaw na po ang mama ko at ikaw na rin po ang magiging papa ko," Dahan dahan itong humiga at nag kumot sabay talikod saakin.

Ramdam ko ang pangungulila ni Aida sa kanyang magulang, gustuhin ko mang mahanap ang tatay mo ngunit baka makalimutan kong tatay mo siya pag nakita ko dahil sa ginawa niyang pag abandona sainyo.

Napatagal din ako sa pag upo sa tabi nito, dinadama ang katahimikan at ang hangin na nagmumula sa bukas na bintana. Tinignan ko ang kapatid kong payapa na natutulog, nag tataka at humihiling ng isang malinaw na sagot patungkol sa mga gumugulo sakanyang isipan. Lahat ay may tamang panahon, Mailap ang kalalabasan kung mag mamadali tayo. Kaya patawad, Aida, hindi pa ako gandang tignan sabihin saiyo na ang tatay mo'y ibinenta kalang at tinakasan ang responsibilidad niya.

Bumalik na ako sa sala upang matulog, sinubukan ko munang mag online ng social media accounts habang nag papaantok. Sobrang tahimik ng account ko at aminadong kahit buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin ako sanay na hindi nakikita ang pangalan ni Caelus sa unahan ng aking messenger.

Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko ngunit binalikan ko ang convo namin ni Caelus, I scroll up. Sobrang daming messages ang tinambak niya saakin ngunit kahit isang pag papaalam na reply at wala akong ba ireply.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang uminit ang pisngi ko dahil sa likidong nang galing sa mata ko, Nasasaktan pa rin ako sa pag iwan sakanya. Hindi ko man Lang siya kinunsolta patungkol dito ngunit sa tingin ko'y ito ang ikabubuti naming dalawa.

"Mahal pa rin kita, Caelus, ngunit ang pag mamahal kong 'yon ay hindi ko kahit kailan pwedeng iparamdam sayo," Bulong ko sa sarili at hinayaang malunod sa luha, niyakap ko ang cellphone na hawak ko at dinama ang lahat "Nakakapasok na ako ng tuloy-tuloy, nakakatulog na ako ng walang iniisip na problema kinabukasan, nakaka pag pahinga na ako pag uwi nang walang iniisip na labahan. Ngunit pagod na pagod naman ako sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko na nahanap ang pahinga ko magmula ng mawala ka,"Patuloy kong pakikipag usap sa hangin, "Miss na miss na kita, Babe,"

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now