Chapter 37

194 19 0
                                    

Nakita ko mula sa bintana na pumasok na ang sasakyan ni daddy, nagkukwentuhan at kung minsan ay naghaharutan parin sila mama at Aida. Paminsan minsan ay nagtatanong si mama kung nandito na raw ba si daddy, para siyang kinakabahan.

"Daddy is here!" Ani ko, agad namang napa 'Yes' si Aida, at nang silipin ko naman si mama ay para nanaman siyang balisa.

"Mauuna na ako, 'Nak. Kailangan na pala ako ni Evelyn." Nagmamadaling sabi ni mama.

"Ma...a-andyan napo si daddy, kahit saglit lang po." I begged.

Nakatayo ako ngayon sa may pintuan, nagbabalak sanang salubungin si daddy kaso natigilan ako nang agarang magpaalam si mama.

"Hindi kasi, anak, emergency daw-"Aakma na sana siyang lalabas.

"Precy...."

Halos lahat kami ay nagulat, the way they're looking to each other eyes, kitang kita mo ang lalim ng ipinapahiwatig ng mga mata nila.. They know each other, but how?

"Ka...kailangan ko nang umalis..."Ngunit hindi parin sya humahakbang palabas, para bang napako na si mama sa kinatatayuan niya.

"I...ikaw ba ang nagpabili ng nilupak?"Daddy asked.

"Oo! at kung iniisip mong alam kong ikaw ang bibili ay nagkakamali ka."My mother uttered.

Galit ba si mama? Bakit ganun nalang ang tono ng pananalita niya, habang bakas naman sa hitsura ni daddy ang parang may bahid ng pagsisisi o pag-aalala.

"Maupo ka muna, Precy.." Si daddy.

Parang dalawa lang sila ang tao ngayon, nakatalikod si daddy sa pintuan habang nakaharap naman doon si mama. Aida's watching them from the sofa.

"Hindi na, baka maging utang na loob ko pa ang pag-upo sa mamahalin mong sofa!" Sarkastikong ani ni mama.

"Ha-hanggang ngayon ba, Precy, ay galit ka parin?" Tanong ni daddy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tama ba ang iniisip ko magkakilala sila at ang malala ay meron silang nakaraan? ngunit....ngunit paano?

"Magka...kilala po kayo?" Nahihirapan kong tanong.

"Hindi, 'nak, wala kong kilalang katulad niya." Si mama "Kukunin ko kayo rito, Plea, babalik ako."Si mama

"You..you're the Plea's mother, Precy...?" halos matuyo narin ang boses ni daddy. "You....mean-"

"Hindi, at kahit kailan ay hindi magiging oo, itigil mo 'yang konklusyon na binubuo mo sa isip mo, ambisyoso!" Sigaw ni mama.

Nagulat ako nang bigla ni daddy hawakan ang braso nito at nanlilisik ang tingin kay mam, nakita ko ang paglukot ng balat ni mama.

"Daddy!" Nataasan ko ito ng boses sa hindi sinasadyang pagkakataon.

Agaran niya naman itong binitawan, tumakbo si mama palabas.

"Ma, teka lang po." Paghabol ko rito

Nakikita ko ang pagpunas ni mama ng luha niya habang tumatakbo

"Ma..." Kasabay ng malamig na hangin ang pagtangay ng luha ko.

"Maaaa-"

Biglang gumuho ang mundo ko, ang kanina lang na kay bilis kong pagtakbo ay pinalitan ng pagkabigat kong paghakbang. Para akong nabingi sa katahimikan.

Sa hindi inaasahan, nakita ko ang isang duguang babae nakahandusay sa kalsada, hawak hawak ang isang eco bag na kanina lang ay nilagyan ng pagkaing dinala saamin ng kapatid ko, may ilang hakbang ang layo ko sakanya  nananatiling dilat parin ang kaniyang mata, nagulat ako nang biglang gumalaw ang hinlalaki niya na siyang biglang tumulak saaking lapitan siya.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now