Chapter 19

179 24 0
                                    

Umaga na lagi ng nakakauwi si Denver, at sa tuwing umuuwi ako sa bahay ay palagi na siyang naroon.

Hindi na masyadong alagain si Aida dahil isang buwan na rin ang nakakalipas, alam niya na ang gagawin niya at ganun din ang iinuman niyang gamot sa bawat oras. bumabalik na ang sigla ni Aida at nakakapag laro-laro na siya.

"Babe, Let's eat?" Pag aaya ng nobyo ko, Break time ngayon at parehas kaming walang klase sa susunod na period.

Medyo naaayos ko naman ang pag aaral ko ngayon, ngunit nawawalan nanaman ako ng oras sa mga kaibigan ko dahil nga sa palagi kong pag mamadaling umuwi.

Mabuti nalang ay hindi nagtataka si Caelus sa kinikilos ko, hindi na rin ako nag papahatid sakanya kung minsan dahil alam kong magagalit ito kung sakaling magkita sila ni Denver. Wala siyang alam sa trabaho ko, isang buwan na lang din naman at aayos na buhay ko.

We're here at cafeteria, natutuwa ako dahil hindi na rin ako nauubusan ng pera, may pang bayad na ako sa mga bills, pang bili ng kailangan ni Aida at pang gastos sa sarili.

"I think your work is good." ngiting ani ni Caelus ng maupo kami.

"Ah, oo-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may tumapon saakin, parehas kaming napatayo ni Caelus dahil sa gulat, medyo mainit pa itong kape na 'to at sobrang lagkit.

"Ops, hindi ko sinasadya, sanay kana rin naman madumihan, Plea, 'di ba ayan naman ang trabaho mo?" pang iinsultong ani ng babaeng ito, hindi pa rin pala siya tumitigil!

"Sheila! What the fuck are you doing?" pag pipigil na sigaw ni Caelus dito.

"Why? hindi ba girlfriend mo siya? Bakit parang wala kang kaalam alam sakanya?" Pang aasar na ani nito. "Ops, may hindi kaba sinasabi sa beloved boyfriend mo?" tumingin ito saakin.

Ano bang alam nito? teka, alam niya na ba ang tungkol sa trabaho ko? p-paano?

"What do you mean?" hindi na alam ni Caelus ang una niyang titignan, dahil pabalik balik ang tingin niya saakin at ganun din kay Sheila

Nananatili ang masama kong tingin sakanya, sabihin niya na ang lahat tutal bida bida siya.

"Caelus," Tumingin ako sa nobyo ko na gulong gulo na.

"Bakit hindi mo alam, Caelus? Usap usapan na nga sa buong baranggay ang kadumihan niyang pinoprotektahan mong girlfriend!"Galit na ang boses ni Sheila, ano bang pinag lalaban niya?

Lumakad ako papalapit sakanya, nakita ko na ang mga mata niyang kinakabahan, umaatras na siya habang umaabante ako. nananatiling nakatayo si Caelus, at hindi alam ang paniniwalaan.

"Kawawa ka naman, Sheila, kwento nalang ng iba ang alam mo sa buhay ko." mariin kong ani rito.

Huminto ako sa paghakbang at muling itinuon kay Caelus ang tingin.

"Maniwala ka sa bidang bida ’yan, Wala ako sa mood mag paliwanag. kung anong marinig mo sakanila, paniwalaan mo agad." utos ko rito.

"Oo, Caelus, maniwala ka sakin dahil iyon ang totoo! alam mong malaking kahihiyan sa pamilya mong malaman nila na ang unico ijo nila ay may girlfriend na prostitute-"

"Enough! Get out, Sheila." Pag sigaw ni Caelus, ngunit dinig mo ang pilit na pag kalma sa boses niya sa huling mga salita.

"But, Caelus, Sinasabi ko lang ang totoo-"

"Hanggang kailan ka maninira ng relasyon ng iba? I know that you have a crush on me since we're child. but, please Shei, stop ruining our relationship, we're happy, and learn fucking respect!" Hindi na napigilan ng boyfriend ko ang pag sigaw niya sa babaeng bida bida.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now