Chapter 12

211 26 0
                                    

Nakaramdam ako ng kung anong pag ka lambot ng marinig ko ang tumatangis na boses ni mama. She's calling us? Mga anak ko? Namimiss niya na kami? How??

Hindi ko alam kung tama ba itong naririnig ko, mahal niya ba talaga kaming mga anak niya? O mahal niya lang kami kasi nawala kami sa tabi niya.

Tumuloy tuloy ako sa pag lalakad, nakaramdam ako ng bigat sa puso, ganun din ang mainit na likido sa gilid ng mata ko.

Natagpuan nalang ng mga mata ko ang nakaupo sa sahig na si mama, biglang nabawi ang pag aakala kong totoo ang pananabik niya ng mamataan kong may nakatayong mga alak sa tabi niya.

Bakit parang wala syang ka ide-ideya sa nangyayari gayung halos lahat na ng tao sa baranggay namin ay nakakaalam, 'ma ang anak niyo nag aagaw buhay, habang ikaw ay nagpapakalunod sa bisyo.' tanging sinasabi ng isip ko.

"Ma...." Dahan dahan kong pag tawag sakanya ng maagaw ang atensyon.

Agad naman itong napalingon at tumayo ng mabilis, hawak hawak niya ang bote ng isang gin at lumapit saakin, tinanggap ko ang yakap niya, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng yakap mula sa ina.

"Anak....akala ko iniwan niyo na ako."Hagulgol niya sa balikat ko "Huwag, niyo akong iwan...mga anak ko." Sinundan niya pa ito ng pag iling

"Ma..." Walang kung anong lumalabas sa bibig ko kundi ang salitang ito.

Wag ka ng bumitaw sa pag kakayakap ma, para maramdaman ko man lang ang kaginhawaan sa nakakapagod na mundong ito.

Kinalaunan ay nakatulog na rin si mama sa may sala, sobrang kalat ng bahay. Ang mga kaldero ay napanisan na wala pang isang linggo na wala kami rito. Sobrang daming bote ng alak ang nakakalat sa bawat sulok ng bahay, ganun din ang iilang upos ng sigarilyo.

Ayoko ng gisingin pa si mama, lumabas ako para magtanong tanong kung sakaling may alam silang trabaho na makakatustos sa pangangailangan ng kapatid ko, hindi ako pwedeng tumanggap ng labada dahil bukod sa mababa ang kita nito ay kailangan din ako sa hospital.

"Plea" tawag ng isa sa mga kapit bahay namin.

Lumingon ako at sya nanaman, ang lagi laging babaeng nangungulit saakin patungkol sa pagtatrabaho sa bar.

"Bakit?" Pag taas ko ng kilay, alam ko naman ang sasabihin niya.

"Kumusta si Aida?" Tanong nito, napangisi tuloy ako dahil nangangamusta lang pala ito.

"Hindi ko po masasabing ayos, nasagawa na po ang pag ta-transplant ngunit di pa po makakalabas ng ganun-ganun dahil sa bill." Pag dedetalye ko.

"Malaki nga ang aabutin niyo dyan."Ani naman ito

Ngumiti nalang ako dahil ayun naman ang totoo, tutuloy na sana ako sa paglalakad ng muli itong mag salita.

"Plea, alam kong tatanggihan mo nanaman ito. Gusto ko lang na tulungan ka, ang jowa ng anak ko ang may ari ng bar na sinasabi ko, hindi ka magagalaw-"

"Ano ho ba talaga ang gusto ninyo? Matatanggap ko papo maging isang labandera kaysa hubadera." Medyo lumakas na ang boses ko sa pag kakataong ito.

"Wala kang mahahanap na ganun kalaking pera sa isang araw, ineng. Sobrang hirap na ng buhay at dignidad pa rin ang pinapairal mo?"

Kung magsalita itong matandang ito ay parang may malaking tinulong sa buhay ko, pangalan ko lang naman ang alam niya at hindi ang pagka tao ko.

Oo, isa sa dinadayo ang bar na ito dahil sa foreigner na owner nito which is nobyo ng baklita niyang anak. Marami ring mga foreigner, at malaki ito kumpara sa mga bar na nadadaanan ko, pero....

"Mag isip isip ka, Plea. Tuso ang mga doctor ngayon, hindi nila isisigurado ang kaligtasan ng kapatid mo, hanggang hindi nila nakikita ang buong pera sa mga kamay mo."Pahabol pa nito.

Parang sobrang baba naman ng tingin niya sa mga mang gagamot, huy! Future psychologist ang kaharap mo.

Hindi ko pinansin ang sinabi ng matandang iyon, ngunit patuloy itong bumabagabag sa isip ko, hanggang sa makarating ako sa hospital ay ang isip ko sa bahay aliwan parin.

"Plea, are you okay?"

Kanina pa pala ako nakatulala sa may bintana ng hospital, nakabalik lang ako sa katinuan ng tawagin ako nitong ni Caelus. Narito pa rin sya sa hospital.

"Oo." Pag lingon ko sakanya "Mabuti pa, Caelus umuwi kana. May pasok kapa bukas, at baka hanapin kapa ng parents mo." Kalmado kong ani sakanya

"Eat your dinner first." Ani nito.

"Kakain ako mamaya, wala pa akong gana, Cae. Sige na, kaya ko na ito. Salamat." Ngiti ko rito.

Nakita kong lumakad ito papalapit saakin at bumuntong hininga.

"Come on, Plea. Alam kong sobrang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon pero isipin mo rin ang sarili mo, paano kung ikaw naman ang magkasakit, paano si Aida?"

Muli akong tumingin sa bintana na sari't saring ilaw lang ang nakikita, naka cross ang braso at sobrang layo ng tingin.

"Kaya ko naman." I whispered.

"I know, but not all the time."

"Wala ka bang tiwala saakin?" Pag harap ko sakanya

"Malaki, sobrang laki ng tiwala ko sayo. Pero kailangan mo ring mag pahinga." Pinipilit niya akong pasang ayunin sa pinupunto niya.

Hindi na ako nagsalita, nakita kong pumantay ito sa akin ng pagkakatayo, parehas kaming nakatalikod sa natutulog na si Aida at diretso ang tingin sa bintana.

"Mag aral ka, ha. You have a dream."

Nagulat ako ng bigla niyang iopen ang topic patungkol dito, malabo itong mangyari. Oo may pangarap ako, pero yung pangarap na yon ay hindi para saakin.

Napatingala ako sa kanya na nasa tabi ko, tuwid pa rin ang pag kakatingin niya at marahang ngumiti.

"I can't imagine, years from now. Makikita kitang successful at natupad ang dream course mo. That's the biggest achievement that I want to receive." Pag ngiti niya pa

"Hindi ko na nakikita ang sarili ko sa hinaharap," Pag kontra ko naman sa imahinasyon niya.

Nakita kong lumingon Ito saakin.

"Hindi siguro ako para sa ganyang mga bagay, masyadong trippings si Lord eh, kaya niya naman palang gumawa ng mga mamayaman, isinali niya pa ako sa mahirap." Masakit kong ngiti. "Pero wala eh, pakiramdam ko ginawa niya lang ako para sa iba."

"No, that's not means na wala ng mangyayaring maganda sa buhay mo. Maybe it's not your time."

"Kung hindi ngayon, kailan pa? Kapag sukong suko na talaga ako? Kapag ako na mismo ang umayaw sa saya?"

Hindi ko alam kung bakit kinukwistyon ko ang plano saakin ng panginoon pero, pero hindi ko rin Makita ang silbi ko.

Naramdaman ko ang pag hawak ng dalawa nyang kamay sa kamay ko.

"Kapag malakas kana." Bulong nito.

Agaran niyang kinuha ang katawan ko at hinagkan niya, nararamdaman niya ba ang nararamdaman kong pag hihirap? Paano? Eh mayaman sya, hindi niya nararanasan ang ganito.

"Andito lang ako, Plea. Andito lang ako hanggang sa lumakas kana."

Nag-unahan na ang mga luha ko, niyakap ko sya pabalik at mas hinigpitan kopa ito. Sa nakakapagod na mundo, nahanap ko na rin ang magiging pahinga ko.

Sana nga manatili ka, sana nga. Caelus.

Nakauwi na si Caelus at si Kai ang narito ngayon sa hospital, sinabihan niya akong umuwi muna at magpahinga.

pumayag naman ako, walang class ngayon sina Kai. ang laking tulong nila saakin. Umuwi ako hindi para mag pahinga kundi gumawa ng paraan kung paano matapos ang lahat ng ito.

I think it will be the worst decision that I'll make, but for Aida I don't have regrets.


Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now