Chapter 10

217 29 0
                                    

I decide to go home, walang mangyayare kung mananatili lang ako dito, kailangan ako ni Aida. Gusto kong iligtas ang kapatid ko.

Tinawagan ko si Daniel, ang kababata ko, nakiusap ako sakanya kung pwedeng sya muna ang magbantay kay Aida rito, babalik din ako kaagad hindi sya nagdalawang salita at pumayag nga.

1st year college na si Daniel, matanda Ito saakin ng isang taon pero parang magkaedad lang ang turingan namin.

"Ito, Plea. Kunin mo, pasensya kana ayan lang ang naipon ko." Inabot niya sa aking ang asul na kwarta

"Ano ito? Hindi na, Daniel. Ang pag punta mo rito ay malaking tulong na, itabi mo na yan para sa tuition fee mo." Pag tanggi ko

"Ibili mo ng mga kailangan na gamot ni Aida, may ipon pa ako para sa tuition fee ko, kaya tanggapin mo na."Muli niya itong ibinigay saakin, inilagay nya sa palad ko at isinara iyon.

Tinignan kolang ang kamay nya sa kamay ko, muli kong itinuon ang tingin sa kanya at ngumiti

"Salamat."

"Oh sige na, kumain kana rin."

Lumabas ako ng hospital ng wala sa sarili, hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, gawain ito ng isang magulang pero bakit ako ang gumagawa?

Tinawagan ko si Kai, dahil isa siya sa mayroong mayamang pamilya, nahihiya na ako kay Solaine dahil alam kong hindi iyon tatanggi at sobra sobra na ang naitulong niya.

"Kai." Pabungad ko, ramdam ko na ang pagbasag ng boses ko.

[Uy, hi, Ple. Bakit ganyan ang boses mo? What happened?] bakas ang pag aalala sa boses niya

"P-pasensya kana kung ngayon lang ako nakatawag, ha."

[Are you crying? Shh, tell me what happened?]

"Kailangan ko talaga ng tulong ninyo, Kai. Nasa hospital si Aida ngayon at nasa bingit na siya ng kamatayan."Bumuhos na ang luha sa mga mata ko sobrang biak na rin ng boses ko.

[What!? Wait, where's hospital? We will coming.] Narinig ko ang pag sigaw niya

[Solaine and Anya already knew about this?] Nagmamadali niyang tanong.

"H-hindi."

[They need to know, send the hospital address. Eat your lunch first, Plea. We will coming.]

Hindi na ako nakapag salita at naupo nalang sa tapat ng parking lot sa hospital, napahawak nalang ako sa buhok ko at napaiyak.

Bakit ba pinapahirapan ako ng ganito, marami namang mayaman diyan bakit hindi nalang sakanila mangyari ito!?!?

Gusto kong isigaw ang nagpapasikip sa dibdib ko.

Nakita ko ang tambak na message ni Caelus saakin, hindi ko ito sineseen matagal na, pero hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit may nag uutos saaking basahin ito, hinding hindi ako hihingi ng tulong kay Caelus, mas gugustuhin ko nalang isangla ang kaluluwa ko. Hindi sa pagiging ma pride but I ignored him tapos kung kailan kailangan ko tsaka ko lang sya kakausapin? No way! Hindi ko pa kilala si Caelus baka mamaya ay kung ano pa ang marinig ko mula sakanya.

Wala pa sa 30minutes ang nakalipas ay nakita ko na ang paparating na sasakyan ni Solaine papunta sa gawi ko.

"Stand up, Plea, Stop crying."Nagmamadaling bumaba sa sasakyan si Anya at hinagkan ako.

Hindi ko alam pero kahit anong sabi ko sa sarili ko na huwag akong magpa kahina sa harap nila ay mas lalong bumuhos pa ang luha ko.

"Shh, Ple, Everything will be fine."Pag hagod ni Kai sa buhok ko.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now