chapter 3

268 43 9
                                    

"Sigaw nang sigaw, ang aga-aga bwiset naman!"

Nagising ako sa sigaw ni mama na para bang may kaaway, tanghali na pala baka mahuli pa ako sa klase, alas sais na!

"Huy ang kapal ng mukha mo Precy, anong petsa na hindi ka parin nag babayad ng upa!" sigaw ng babae kay mama

Pinuntahan ko agad yun at nakita kong nakatayo ito sa pintuan

"Mas makapal ang mukha mo, alam mong natutulog mag i-eskandalo ka riyan, wala pa akong pera. Biglang taas ng singil mo eh parang may shower naman 'tong bubong mo 'pag umuulan!" pakikipag away pa ni mama

"Aba ang kapal talaga ng mukha, lumayas kayo rito!" sigaw nito pabalik.

"Ma, ano ba yan? Ako na nga ang makikipag-usap, pumasok kana sa loob."

"Talaga! parehas kayong baliw." sigaw nito bago umalis at bumalik sa pag kakahiga sa upuan

"Sira ulo talaga 'yang nanay mo, Plea." ani sa akin nito.

"Pasensya na po, may hang-over pa po ata."

"Oh, anong plano ninyo sa upa ninyo?dalawang buwan na ring hindi nagbabayad ng ilaw, aba puputulan ko nalang kayo kung ganyan lang din."

" 'Wag naman po, magagawan ko po ng paraan ngayong linggo ang unang buwan sa kuryente, medyo matumal lang po talaga ang labada." pakiki-usap ko

"Ang sa upa? apat na buwan na kayong libre na nakikitira diyan." nag pamewang ito saakin

"Kapag nag ka pera ho agad ako sainyo ko po agad ibibigay, pasensya na po."

Madami pa siyang sinabi ngunit kalaunan ay nakumbinsi ko naman ito.

Napaupo nalang ako sa sala, wala na rin kami kahit kape, siguro kailangan ko na talagang buksan ang alkansya ko, ngunit para ito sa magiging tuition ko sa college.

Minuto palang ang pag kaalis ng may ari ng bahay ay may sumisigaw nanaman sa labas.

"Precy, ang utang mo, ipapa barangay na kita!" Iskandalo nito, tinig babae rin.

"Punyetang buhay 'to, parang hindi babayaran. Talo lang ako kahapon!" sigaw ni mama at muling tumayo papuntang pintuan.

"Puro ka sugal, wala na ngang makain 'yang mga anak mo, alalahanin mo, Precy, 3,500 pa ang utang mo saakin"

"Kung 'yang dila mo kaya ang ipakain ko sayo, lumayas kana nga, istorbo!"

Rinig ko ang sigawan nila, napatakip nalang ako sa tainga, nakita kong nagising si Aida, at naglakad ito papalapit sa akin.

"Ate, almusal." daing ni Aida pag kaupo sa silyang nasa tabi ko.

Wala na pala siyang gatas dito, wala na ring stock ng mga biscuit, kinapa ko ang bulsa ko bente pesos nalang ang laman ng pitaka ko.

"Teka, bibili lang ako." hinimas ko ang ulo niya bago tumayo.

Pag-kapunta ko sa pintuan ay nandoon parin si mama, hindi ko alam, nag hihintay pa siguro siya ng susunod na maniningil

"Pahingi ngang sampu, bibili ako ng yosi." nilapat niya ang kamay nya sa harapan ko.

"Ipambibili ko ito ng almusal ni Aida ma, ito nalang ang pera ko."

Pinakita ko sakanya ang dalawang sampu sa kamay ko.

"Almusal almusal, pakainin mo ng bahaw dun, may tuyo pa roon, huwag kayong maarte hindi kayo anak ng mayaman" Hmhinablot niya ang barya sa kamay ko sabay labas.

Tinignan ko si Aida, nakayuko sa lamesa at hawak hawak ang tiyan, naramdaman ko na rin ang tyan ko, hindi ako nag hapunan kagabi.

Hindi ako papasok sa araw na 'to, bukod sa late ako ay wala rin akong pera.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now