Chapter 3

16.7K 446 12
                                    

Pre-order for Nights In Casa Vallejo book! Visit KPub PH and Warranj Novels Facebook page for details.

--

Chapter 3

Pagod ako sa biyahe, puyat at nakainom pa. Dapat ay madali na akong nakakatulog ngayon pero hindi ko magawa. Pabaling baling ako sa kama, hindi mapakali. The ceiling light was still on. Hindi ko pa pinapatay dahil hindi pa nakakabalik si Terrence mula sa labas.

It's been more than an hour. What took him so long outside?

Bakit ko ba siya hinihintay? It's not like I would only sleep once he's here.

Bumuntonghininga ako at niyakap ang unan sa gilid. His words are still lingering in my head right now. Hindi naman ako dapat naaapektuhan sa mga sinasabi niya.

I should change my beliefs starting tonight? He'll change it? Natawa ako. Who does he think he is to say that? Sino siya sa akala niya at parang ganoon lang kadali sa kaniya baguhin ang kung ano mang paniniwala ko?

No man has ever dared to change it. Ako na sarili ko, matindi ang pagkapit sa paninindigan ko na 'yon. There's no way I would let myself get involved in a May-December relationship.

Kahit pa... malakas ang atraksyon ko para sa kaniya.

I suddenly heard the door click. Napakurap kurap ako, hindi gumawa ng kahit anong galaw. Bahagyang dumaan sa ilong ko ang pabango niya. I automatically closed my eyes and slightly inhaled his addicting scent.

It's already him. Should I pretend like I'm already sleeping? Kung ipapakita ko sa kaniyang gising pa ako, baka isipin niyang hinihintay ko siya.

Get ahold of yourself, Priscilla! Hindi mo pa naman kilala ang lalaking iyan pero kung umasta ka ay parang gulong gulo ka na sa buhay mo!

Ipinikit ko ang mga mata at umastang tulog na. Pero ang diwa ko, gising na gising. Nakikiramdam ako sa bawat mahinang ingay na ibinibigay na mga galaw niya. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo hanggang sa lagaslas ng tubig mula sa shower ang naghari sa katahimikan.

Thoughts and silly arguments continued running in my head. Nangangalay na ako sa posisyon ko at gusto ko nang pumihit. Hindi naman siguro niya ako maaabutan, ano? Hindi pa naman siguro siya lalabas.

As soon as I moved to the other side, the door of the bathroom opened! Iniluwa no'n si Terrence na bagong ligo at walang ibang suot kung hindi ang isang itim na towel paikot sa ibaba ng bewang niya.

The way it's wrapped around his hips looks like it's was holding on to its dear life. The scent of his body wash was like a mixture of rain and forest — peaceful and calm.

But I know a man like him, based on his face and the way he speaks, was the opposite.

He seems chaotic... and I smell destruction.

"I'm sorry. Did I wake you up?" he asked that snapped me out of my thoughts.

Lumunok ako at kalmadong ipinikit ang mga mata.

"No."

He didn't answer. Pakiramdam ko ay pinagmamasdan niya ako. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang sumagot.

"Good night, Priscilla."

Hindi ko na siya sinagot pa. Naging limitado sa ingay ang mga sumunod na sandali. Maingat at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. I saw him standing beside the couch. He's wearing a plain white shirt. Nakasuot siya ng faded gray ng sweat pants. It actually looks familiar to me. Pero baka kaparehas lang.

Hindi kalaunan ay nahiga siya sa couch. I grimaced when I saw how hard it was for him to fit himself there. Lagpasan ang binti niya habang ang ulo ay nakapatong lang sa arm rest.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon