Chapter 47

11K 386 54
                                    


Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 47

Sunod na pumasok si Clarisse. Kaagad na nagtama ang mga mata namin. For a moment, I saw the disappointment in her eyes while she looked at me.

Ang sabi ni Terrence ay hindi ito galit. Maaaring hindi nga. Ngunit dismayado? Sigurado ako.

"Good morning!" she greeted and hooked her gaze out of me.

Saka lang ako nagbawi ng tingin sa kaniya at tumungo sa mga hita ko. I saw Terrence's hand on my lap. Hinawakan niya ang kamay ko na para bang sa ganoong paraan ay sinasabi niyang wala akong dapat ipag-alala.

"Tita Shannen! I miss you!"

Hindi ko napigilan ang magtaas ng tingin nang marinig ang masayang boses na 'yon ni Alexene. Immense pain gripped my heart when I saw her embracing Shannen as if she's already longing for her.

How I wish I would feel that kind of longing towards me.

She is really beautiful. Walang tulak kabigin sa kaniya. Maganda, mahinhin at malambot ang boses. She's one of those women who belongs to the alta.

Hindi na ako magtataka kung... sasabihin sa akin ni Terrence na nagkaroon sila ng relasyon nito. O, nararamdaman para sa kaniya.

Pero sana hindi. Sana... walang ganoon.

"I miss you, too. I'm sorry it took me a while to come back. Naging busy lang ako sa work. But..." Shannen raised her hand where there was a pink paper bag. "I brought you a present."

Shannen was squatting in front of Alexene. Nakatayo naman ang anak ko sa harapan niya.

Alexene cheered. "Oh my! Is that the unicorn stuffie that I want?"

"Yes, baby. It is!"

Kinailangan ko mag-iwas ng tingin dahil ramdam ko ang kirot sa puso ko sa nakikitang eksena nilang dalawa. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Alexandre. Pinagmamasdan niya akong mabuti na para bang alam niyang nasasaktan ako sa ganap ng kapatid niya.

Sinikap kong ngumiti kahit pa ramdam kong ano man oras ay babagsak na ang mga luha ko.

"What are you doing here again, ate?" malamig na tanong ni Terrence kay Clarisse.

Clarisse was now standing beside Alexandre. Hinalikan niya ito sa pisngi. Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Shannen. There's a smile on her lips. Hindi ko alam kung para sa akin 'yon o kay Alexene.

"Shannen wants to see the kids so I brought her here." Clarisse said it so casual as if there's nothing wrong with it.

"Good morning, Terence. I hope you don't mind me going here."

Bahagyang nagpanting ang tainga ko sa paraan ng pakikipag-usap ni Shannen kay Terence. Para bang mas naging malambing.

O, sadyang binibigyan ko lang ng kahulugan? Baka ganoon naman talaga siya?

"Good morning, Shannen. I know how close you are with my daughter but I have to be honest with you..." malamig na saad ni Terrence. "I want the kids to spend some quality time alone with their mother now that she's back. They have been apart for years and I would appreciate it you'd let them. Not that I'm asking for your permission."

Mabilis akong napalingon sa kaniya matapos sabihin 'yon. I know how straightforward he can be. Hindi ko lang inaasahan na sa mismong harapan nina Shannen at Clarisse niya ito masasabi.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon