Chapter 12

13.6K 435 43
                                    

Pre-order for Nights In Casa Vallejo book! Visit KPub PH and Warranj Novels Facebook page for details.

-

Chapter 12

I should have expected this reaction from her. Magugulat dahil hindi inaasahan. Ako man mismo ay nabibilisan sa mga nangyayari. Pero sumugal pa rin ako dahil masaya ako sa nagiging resulta ng desisyon kong ito.

What I didn't expect was the anger I saw in her eyes.

Bakit? Dahil ba may relasyon kami ng lalaking gusto niya? She only has a crush on him. Ni hindi siya kilala ni Terrence. Sa tuwing magkukwento siya sa akin ng tungkol dito, hindi naman ako nakikinig. Wala rin talaga akong alam.

"You're in a relationship with him, Priscilla?" she let out a sarcastic laugh. "I thought you don't like men who are younger than you."

Pasimple kong sinulyapan si Terrence. Mataman itong nakatitig kay Ruth, tila sa isang walang kwentang tao nakatingin. His hawk-like eyes were even cold and taunting for some reason.

"I'm an exemption. I hope it's not a problem for you." sagot ni Terrence sa mapaglarong boses.

Hindi ko akalain na siya na mismo ang sasagot kay Ruth. Sa tono pa ng boses niya, tila ba sinasarkastiko niya ang kaibigan ko dahil maaaring hindi niya nagustuhan ang naging sagot nito.

It's honestly rude. Ako man ay nabigla na ganoon ang naging litanya niya sa harap mismo ni Terrence. Kahit pa gusto niya ito, at kahit pa nalaman niyang may relasyon kami, hindi ba at kahihiyan para sa akin na sa harap nito mismo ako kinompronta ng ganoon?

Ruth blinked her eyes and stared at Terrence. Para bang hindi niya akalain na kakausapin siya nito. Na sa wakas ay kaharap niya na ito.

"O-Of course not. Naisip ko lang na baka... masaktan siya... kung sakaling hindi mo alam ang totoo."

"Kung hindi ko pa man alam ang tungkol doon, hindi ba at siya mismo dapat ang magsabi sa akin at hindi ang ibang tao?"

Sa paraan ng pakikipag-usap ni Terrence sa kaniya, para bang wala siyang pakialam kung masaktan niya ito o mabastos niya ito.

I read in an article that most of the Monasterio men are rude and cruel. Na walang pakialam ang mga ito kahit nakakasakit na ng ibang tao. They don't show mercy. They don't easily make friends. It's even hard to please them yet women are still willing to do everything just to be noticed by them.

"As for your concern that she might get hurt," sabi ni Terrence bago ako nilingon. "I assure you that I won't even dare."

Sa kabila ng tensyon na ibinigay sa akin ni Ruth, hindi ko magawang pigilan ang ngisi sa labi ko sa sinabing iyon ni Terrence. He tilted his head and inched his face closer as if he's gonna whisper something in my ear.

"The first and last time that I hurt you, you were screaming my fucking name." he whispered sensually.

Nakagat ko ang labi at marahang pinalo ang kamay niyang nasa ibabaw ng hita ko. He chuckled against my ear and boy, his husky voice along with his handsome face made me drool over him.

Idagdag pa na ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng formal attire sa personal. Puting long sleeve na nakarolyo ang mga manggas hanggang siko at itim na slacks, pakiramdam ko ay isa ako sa mga babaeng luluhod sa kaniya mapansin niya lang ako.

Pero siya naman ang lumuhod. Maraming beses pa nga. Sa kusina. Sa banyo. Sa sala.

Nahagip ng mga mata ko si Ruth na matalim na nakatitig sa akin habang umiinom mula sa shot glass niya. Nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay mabilis niya iyong pinalitan ng ngiti pero huli na para maniwala pa ako.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon