Chapter 35

11.9K 394 20
                                    

You may message Warranj Suarez Monasterio on Facebook to avail a copy of Night In Casa Vallejo book .

--

Chapter 35


Malalim ang buntonghininga kong ibinagsak ang throw pillow sa couch. I glanced at Alexadre and Alexene who started to get their toys from the corner. Katatapos ko lang maglinis ng mga pinaglaruan nila pero wala pang isang minuto ay para na namang binagyo ang playroom nila.

Pagod kong iniupo at isinandal ang sarili sa couch habang pinagmamasdan sila. Napangiti ako nang makita kung paanong humagikhik si Alexene habang pinapanood ang kakambal niya.

Sometimes, I can't help but to complain about the kind of life I'm having these past few months. Sa pag-aalaga na lang ng mga bata umiikot ang mundo ko. Sa pag-aasikaso sa kanila at pagsalubong kay Terrence sa tuwing uuwi siya mula sa  trabaho. Malayong malayo sa nakasanayan ko.

But then it's when I realized that those reasons are what completed me as a woman. Being a mother to wonderful babies like Alexandre and Alexene won't make me ask for more. Hinding hindi ko ipagpapalit ang mga bagay na nararanasan ko ngayon dahil lang bahagya kong hinahanap ang nakasanayan dati.

This is what motherhood is all about. Sacrifices.

"Ma'am Priscilla, inom po muna kayo ng juice."

Napalingon ako sa gilid nang marinig ang mga salitang 'yon. Ate Helena was approaching me with a glass of orange juice in her hands. She's the nanny of the kids. Madalas, ako pa rin ang nag-aasikaso sa mga bata. Nariyan lang siya kapag hindi ko na kinakaya.

Ngumiti ako. "Thank you po."

Inilapag niya ang baso sa center table sa harapan ko. Tumayo siya ng ayos pagkatapos ay hinarap ako.

"Ano pong hapunan ang iluluto ko para mamaya?"

Sandali akong nag-isip. Terrence is into fish lately. Nahihilig rin sa mga masasabaw kaya puwedeng kahit alin sa mga 'yon ang iluto.

"Sinigang na salmon na lang po, ate." sagot ko at ngumiti sa kaniya.

Tumango siya at hindi sinasadyang napatingin sa paanan ko. Nagtagal ang titig niya sa gawing iyon dahilan para maging ako ay mapatingin na rin doon.

"Ma'am, namamanas na naman po ang paa mo ngayon. Mas mataba po kaysa noong nakaraang linggo."

Hindi ako nakasagot, naiwang nakatitig sa mga paa ko. Tama siya, mas mataba nga ito nung nakaraang linggo ngunit hindi ko lang pinapansin. Binabaliwala ko dahil maaaring sa pagod lang kaya nagkakaganito. Baka napapagod at ito ang nangyayari.

I'm just ignoring it. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa sarili ko bukod sa... nagsusuka ako minsan at hirap kung umihi.

"Nasabi n'yo na po ba kay Sir Terrence ang tungkol diyan?" pukaw ni Ate Helena sa atensyon ko.

Mabilis ko siyang pinag-angatan ng tingin.

"Huwag mo na po sabihin kay Terrence ang tungkol dito, ate. Maayos naman po ako ako at walang nararamdaman. Mag-aalala lang po 'yon."

Bumalatay ang hindi pagsang-ayon sa mukha niya.

"Ang pamamanas po, ma'am, kadalasan ay nagsisimbolo nang hindi magandang karamdaman. Subukan po ninyo ang magpakonsulta sa doktor at kung maaari, sabihin na po ninyo kay Sir Terrence."

Hindi ako nakaimik. Mag-aalala lang naman siya kapag sinabi ko. Maaapektuhan ang trabaho niya at ayaw kong mangyari 'yon. I know how much he cares for me and the kids. Kapag pagod ako sa maghapon na pag-aalaga, siya ang magpapakapuyat kahit pa pagod rin siya sa trabaho.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon