Chapter 27

11.8K 420 42
                                    

Book signing of Nights In Casa Vallejo on September 15, 2023, at the KPUB Booth on MIBF! See you there. :)

--

Chapter 27

Nakangiwi kong pinagmasdan si Dice at Dustine na nakangisi habang nakatingin sa gawi ni Michael. Even Skyler whose face was dead serious as if he didn't know how to smile was looking at him.

Totoo bang sila ang kumuha kay Michael? Para saan? Para kastiguhin?

"Don't look at us that way, Priscilla. We did this for you." sabi ni Dustine nang mapatingin sa akin.

Umiling ako. "Iniisip ko lang kung sino ang nakaisip ng ideya na ito... at kaninong penthouse ito?"

Mas interesado pa talaga ako sa mga bagay na 'yon kaysa sa katotohanang nandito si Michael at bihag ng mga Monasterio. Ang tingin ko tuloy sa kanila ay mga college student na nangbu-bully ng transferee.

"My penthouse. My idea." Dice smiled as if he was very proud of it.

Totoo nga atang maraming kalokohan itong si Dice. Siya rin 'yong nabanggit ni Tita Tate na nakabuntis ng dalawang babae, hindi ba?

I heard Michael's muffled voice. Tiningnan ko siya at nakitang nakatitig siya sa gawi ni Terrence. Nakayuko ito, ang mga kamay ay parehas na nakatuon sa armrest ni Michael habang titig na titig dito.

Marahas na inalis ni Terrence ang busal sa bibig niya. My face grimaced when I saw a long black sock being pulled out from his mouth.

Damn. A sock?

"Just in case you're curious whose sock is that, it's mine. Saw it in the trash bin. Bago pa naman kaya lang ay may butas na kaagad. Might be a defect," Dice smirked while looking at Michael. He's obviously teasing him. "Don't tell me it tastes bad?"

Humalakhak si Dustine. "Gago."

Sinamaan ni Michael ng tingin ang dalawa bago itinuon ang mga mata sa akin.

"Priscilla, are you just going to let them do this to me? This is kidnapping! I'll surely sue them-"

"Try. We'll sue you first for framing her up and spreading false video on social media." It was Skyler who answered that.

Tiningnan ko siya. He was sitting on the couch, his arm resting against the headrest. His thighs were slightly apart. It made me see how long and firm his legs are.

Hindi ko alam kung bakit parang ang hirap para sa kaniya ang ngumiti. Pero aminado akong sobrang gwapo niya lalo na sa tuwing seryoso siya. Magkakamukha naman silang magpipinsan kung tutuusin.

"Who took the picture?" It was Terrence, his tone was demanding for an answer.

"I don't know! Kaming dalawa lang naman ang naroon ni Priscilla! Malay ko ba kung may mga taong gusto kaming sirain-"

"Ikaw mismo ang gustong sumira sa kaniya," akusa ni Terrence. "You framed her up. For what reason, hmm?"

Hindi nakasagot si Michael. Naging malikot ang mga mata nito. Kay Terrence, sa akin at sa mga magpipinsan.

"Why would I frame her up when I'm in love with her-"

Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang mabilis na lumipad ang kamao ni Terrence sa kaniya. His face went to the other side. The side of his lips were pooling a small amount of blood.

"Aw. That hurts!" pang-iinis pa ni Dice.

"Wrong choice of words, dickhead." Si Dustine.

"Control yourself, Terrence. You won't be able to get the answers you want if you continue hurting him." payo ni Skyler.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon