Chapter 22

11.9K 390 17
                                    

Chapter 22

Nagmamadali akong lumabas mula sa bahay namin. My heart was pounding so bad I felt like my head was already floating. Pakiramdam ko, bigla akong nawala sa sarili.

Pagkarating sa labas ng gate ay nilagpasan ko ang kotse ni Terrence. I have to get out of this place. I have to walk far away from him in the meantime.

Hindi sa ayaw ko magpakasal sa kaniya. Hindi sa ayaw ko pang matali sa kaniya. I just thought that all of these happening around us was too sudden.

Kakakilala lang namin, nagkaroon ng relasyon at ngayon ay buntis. Wala pa nga kaming kalahating taon at pagkatapos ay yayayain niya na kaagad akong magpakasal?

Hindi niya man lang ba naisip na masiyadong mabilis ang lahat? What if he's just really pressured because of my pregnancy? Paano kung dahil lang sa bata kaya niya ako gustong pakasalan? Dahil gusto niya itong gawing legal na Monasterio?

What if he doesn't really like to marry me? Is our baby enough for us to get married? Paano kung hindi naman ganoon katindi ang nararamdaman niya sa akin? Paano kung pagdating ng panahon na manawa na siya, mauuwi kami sa hiwalayan at mas magiging mahirap 'yon dahil kasal kami.

I have so many what if's. At hindi ko gugustuhin ang magpakasal kung marami akong mga paano sa relasyon namin. This will certainly eat me in the future. This will surely break me. Us.

Nakakita ako ng cab na paparating. Mabilis kong kinawayan 'yon para huminto sa mismong tapat ko.

"That's it? You're gonna leave me after rejecting my proposal?"

Nabitin sa ere ang kamay ko nang marinig ang boses ni Terence. Ibinaba ko ito at huminga nang malalim. I slowly turned around to face him.

I suddenly wanted to regret it because the moment I met his gaze, I saw the sadness mixing with pain forming a destructive storm that was hiding in his eyes.

"Let's just talk some other time, Terrence." kalmadong sabi ko.

Nakakamangha na nagagawa ko pang kumalma sa kabila ng kaguluhang nagaganap sa isip at puso ko.

"Why can't we talk now? Would it make any difference if we talk some other time, Priscilla? Would it change your decision of rejecting me?"

I get it. I hurt his ego. Kahit sino na naman. Pero hindi ko puwedeng baliwalain ang nararamdaman kong pag-aalala para lang sa pagkalalaki niya.

Sa gitna ng pakikipagtitigan ko sa kaniya, natanaw ko si Mommy na palihim na sumisilip sa gate namin. When she saw me looking at her direction, she immediately looked away.

Ibinalik ko ang tingin kay Terrence na nananatiling madilim na nakakatitig sa akin.

"Magpapaalam muna ako sa mga magulang ko. You can just wait for me here if you want."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin, ang panga ay umiigting. Tumalikod siya at naglakad patungo sa kotse niya. I almost jolt when his knuckles hit the hood of his car before getting inside the driver's seat.

Dahil tinted ang salamin ay hindi ko na siya nakita pa. Pero alam ko at ramdam kong nakatitig siya sa akin sa mga sandaling ito.

Lumunok ako at pinilit baliwalain 'yon. Naglakad ako patungo sa gate namin kung saan naabutan ko si Mommy na kunwari ay abala sa pag-aayos ng halaman na nakapuwesto malapit doon.

"Mommy,"

She lifted her gaze and looked at me. "Yes?"

"Please tell Dad that we're leaving. I'm sorry for the trouble but I'll talk to you soon."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon